Monday, April 04, 2011

mabilisang monday

ilang project ang pinagsasalit-salit ko kanina. nakakahilo. may hindi ako naasikaso.

ngayong gabi, napaisip tuloy ako, ano ba yung factors kaya bumibilis ang oras? kailangang malaman at masabayan kung hindi kayang kontrahin. hahaha.

pag-uwi, dinatnan ko si tito rey na sumaglit. pinaayos ko na rin yung dalawa kong spare na keyboard. haha. �spare.�

binalik ko ang drive v at x at ang mga laman ng mga ito sa x3-pc (binackup at inalis ko ang mga drive kaninang umaga via remote desktop). tsaka ko na ibabalik sa pagiging basic disk ang pagiging dynamic disk nito. medyo nasayang lang yung kuryente kanina. ayun, charge to experience.

katatapos ko lang medyo panoorin ang dvd ng kasal nina ate at buds. nakinood din si mama dito sandali pero di na rin niya tinapos. pa-skip-skip din naman kami.

nabibilisan at nabibitin talaga ako sa mga pangyayari sa araw-araw. pero sobrang nagpapasalamat ako at buhay ako. ngayon, kailangang sulitin ang buhay pero tila nahihirapan ako dun. may Bible passage dito, dun sa regalo ni dian nung Pasko, �THE LORD IS MY SHEPHERD� I shall not want�� tama. simulan natin doon. tama. sakto, nasa Gospel reading yun kahapon. medyo gets ko na kailangan kong gawin. sana, maalala ko lagi.

Doon lang ituon ang pansin, yung ibang bagay, susunod na lang. mas hindi magiging problema ang ibang bagay. mas may direksyon ka kasi at mas alam kung ano ang mas mahalaga kaya yung ibang bagay, madaling mahahawakan.

pagod akong dumating ng bahay kanina. nag-toss coin ako, magandang araw o hindi? heads, oo. heads.

No comments: