Tuesday, December 30, 2008
ensalada
sa sarili ko, maraming highs. maraming magagandang nangyari na di ko maisip lahat ng hindi maganda.
sa pagpapalit ng taon, di maiiwasang mag-isip kung magiging mabuti o hindi at kung ano ba ang kailangang gawin, pero di hangga't maaari, ayoko. sabi ko nga, di naman kailangang sa pagpapalit ng taon magbago. kaya siguro hindi na ako gumagawa ng seryosong new year's resolution.
ang taon ay palatandaan ng pag-usad ng panahon. wala namang masama kung sa panahong ito magpapasalamat para sa nakalipas at magbabalak para sa hinaharap. siguro mas nagagandahan lang ako sa ideyang sa araw-araw gagawin ito. marahil mas engrande lang ang tuwing ganitong panahon.
Thursday, December 25, 2008
and so
sabi ko nga, kahit hindi naman parang Pasko sa paligid, basta ba Pasko pa rin sa damdamin, pwede na.
Sunday, November 30, 2008
november november
nitong nobyembre yata ako pinakamadalas sa doktor. sakit, physical exam, resulta, normal. yosh.
nakailang inom din sa iba't ibang okasyon. nag-party si mama at masaya ang maraming kamag-anak at kaibigan.
may ilang badtrip na nilalang sa trabaho ko at sa trabaho ni papa. pero kaya naman. malapit nang mag-Pasko.
casino at iba pang (official) project. in progress and looking good. sana. hahaha.
james bond, hindi ko napanood. expected. nfs, ok. masaya.
eva-01, complete. deathscythe, acquired. eva-00', acquired. collection, good.
ngayon ay unang linggo ng adbyento. kailangang mag-handa. malapit na ang Pasko. tapos na ang november rain. masaya nga pala ang ulan.
sana sa monday, ayos na ang layout sa office.
Saturday, November 29, 2008
how fast?
i might give a more lengthy defense on the game when i've played it more. the worst criticism i've read so far, though, is about the free roam. comparing it to other free roam racing games is quite wrong and maybe even stupid.
back to it's roots. i guess it did. need for speed started out and gained popularity as a real car racing game with cops, hence the title. the free roam and customization features actually contradict this as it takes away much of the time spent in playing the game from racing to other slow stuff.
i don't think it's worse than underground 2 where you're burdened to roam to customize your car visually just to race. if i wanted to look around for powerups, i'd play an rpg. it strays from the customization point of view in underground 1 and porsche unleased where you had to do it to win.
at least they got it right when they said it wasn't better than most wanted. there are some things in undercover that aren't in most wanted, and some actually from underground 1 and 2 like getting credit for a close call. small things but fun just the same. and the "drag racing mode" done right in the form of a highway battle.
i'll cut this here. i guess i just want to point out that, especially after trying prostreet a bit last year and dismissing it, i'm happy with need for speed undercover because it is need for speed.
Friday, October 31, 2008
october ender
Saturday, October 18, 2008
Friday, October 17, 2008
69-day countdown
ayon kay venjo, kahapon para sigurado.
pinag-isipan ko ang semantics. "today is the 69th day before Christmas." at unang gabi ng screening ng eva 1.0 sa dekada cinemanila sa gateway.
bukas, kailangang mapanood.
Monday, September 29, 2008
R2
kailan kaya ako babawi ng tulog? tila may dalawa akong deadline sa trabaho ngayong linggo. kaya! tsaka na siguro ako matutulog nang masarap. o pwedeng sa wednesday na rin. mas masarap matulog nang guilt-free, tapos lahat ng kailangang tapusin pero may naka-abang na panibagong kailangang gawin. oo tama. sa wednesday siguro, pagsimula ng october, just after september ends.
Sunday, August 31, 2008
eva was meant to last forever
Thursday, August 21, 2008
decisions
I guess a new pc would be more practical. I've spent some time looking up specs and prices. I went through history lessons to learn the advantage trend. I'm set on an ati radeon gpu but it's classic intel vs amd. With a “unit 03” theme in mind, i'd either go for an x3 or a 3 ghz core 2. It took quite some time but it seems that intel core wins. There goes the ferrari mark.
I could choose a pentium dual core but i'd need a core 2 for it to be worth the purchase. A quad core is out of the question.
I'm actually biased on the phenom given i'm already set to get a radeon. Platforming has its advantages. I was thinking of a spider platform minus the 4th core with an x3. Only, there’re too little good reviews on the phenom x3 or even the x4 and the cpu is a great factor.
If i were to buy a pc then, then i'd go for an intel-ati combo. It's what we have now on the XXXG-01D, both companies have the current performance crowns, it's more democratic since it isn’t platform based, and i like the red and blue color combo.
If a replacement for the TestType would be needed, and not essentially a new one for the sake of having a new one, it'd be either a budget x3 amd platform desktop or an intel laptop. And i'd sell the idea to my father instead. Haha. Oh, maybe a Pentium dual-core based budget pc as a 01 replacement. But as i said, i'd rather have my father buy that.
So it seems i've come to a conclusion: i'll be saving up for a dslr. Yes, a new pc is more practical but that's it exactly. I'll leave practicallity to my parents. And besides, a new pc would be phased out too soon and i'd want a new one. There goes practicality. The XXXG-01D will do for the next 2 yrs as the TestType did for some time. Maybe i'll get an hd3650 for the upcoming titles and finally find the ddr2-533 cards I’ve been looking for.
Besides, I’ve given this pc until the release of windows 7. maybe the dlsr choice is just me. It isn’t the obvious practical choice but it’s a bit more timeless.
Oh, and a new pc would mean an lcd monitor and I wouldn’t want to go against my biases against it. Haha.
* I started this entry typing on my cellphone to drain the battery. The battery died and so did the paused ppg game. Apparently, what I’ve believed for so long is true—that I’m meant to use the keyboard.
Friday, July 25, 2008
digital getbacker
buti nakahanap kaagad ako ng solusyon gamit ang yahoo search at ang torrentz search. hehe.
ayun, nung na-access ko na. kinopya ko na lang yung laman ng dating Z Drive sa bagong Z Drive. di ko pa rin ma-delete. siguro nakuha sa defrag, nabura ko na halos lahat. dalawang file na lang ang di mabura ngayon:
"Z\jomic\My Pictures\psd\Lica scans.psd"
"z\pebuilder3110a\BartPE\I386\SETUPLDR.bin"
interesting. nasa folder x na sila, naghihintay mabura.
medyo matagal pala yung acronis backup. iba-backup ko sana yung drive minus inaccessible folders, re-reformat yung partition, at ibabalik. buti medyo gumana na yung pagbura pagka-defrag. pero medyo lang.
aliw. kakasabi pa naman sa akin ni adette kagabi, bago ko malamang corrupted yung files, na "hindi talaga nabubura yung files. inaalis lang yung pointers."
yebah. medyo mas malapit na ako sa pagiging digital retrieval specialist. parang specialist specialization. hehe.
susunod sa aking after eXPerience vista, (pagkatapos ng post na ito, actually) migration naman sa windows mail. medyo tatlong araw na akong hindi nakaka-download ng email. huling beses ata noong july 22. 23 ako nag-install. tamang-tama, tugma yung date ng migration.
Thursday, July 24, 2008
ultimate
mula kagabi, na-reassure ang positive thoughts ko sa vista. hehe.
Monday, July 21, 2008
paalam testtype
naaalala ko, may noong huling ginamit at noong huling beses na nakarinig ako
ng error beep.
na-confirm na sa text ni tito rey noon umaga. isang museum piece na naman sa
bahay ito. ibabalik niya bukas ang unit.
pinag-iisipan ko pa rin kung bibili ako ng pentium e based computer para
pamalit, para may unit 01 pa rin pero ewan ko lang. bahala na.
Wednesday, July 02, 2008
69 nodes
importante. hehe.
5:33 na at medyo bored na ako pero medyo motivated dahil patapos na ako
talaga. sana. kasi medyo isang buwan na ata akong patapos sa ginagawa kong
ito.
Monday, June 30, 2008
mintis
kailangan ko na ata talagang magpatingin ng mata. o baka wala lang praktis sa bilyar. sa thursday, basketball naman...sana.
last day ng june, late. ayos lang kaso 1st day of the week. hmm... quits lang. hehe.
Wednesday, June 18, 2008
survival
P50 cash
atm card
tissue
tooth brush and tooth paste
50% cellphone battery life
magic flakes
pwede na. this game is going into overtime.
Monday, June 16, 2008
last trip
hassle. kahapon, naubusan ako ng load. kanina naman, naubusan ng batterya
yung cellphone habang wala ako sa bahay at walang charger. unlikely. ito
yung rule sa probability na kahit mababa yung probability, mangyayari pa
rin.
Saturday, May 31, 2008
adjustments
kagabi, sa wakas, nakapagpa-adjust na uli ako ng braces. masakit. di tuloy ganun ka-enjoy kumain. pero ok lang. kagagaling namin sa oath taking
ok rin yung adjustment sa sweldo sa nakaraang payslip. ok lang pero ok na rin. kulang na lang yung diploma. hehe.
sumabay si lica sa amin kanina pauwi galing sa oath taking hanggang sa harison kung san siya sinundo. buti naisipan niyang pumunta kahit papaano, sana nag-enjoy siya sa kabila ng mga kabadtripan.
di ko pa pala nagagawa yung sl ko. hehehe. bukas na lang. kayang-kaya naman...sana. woohoo. 1st licensed side line.
katapusan ng Mayo ngayon. bday din ni tita ellen. salamat po sa taas. kung iisipin, parang ang tagal pala ng May ngayon. sana nga di na natapos kasi maraming masayang nangyari. pero di naman pwede yun. onward to june and afterwards. hehe.
at tila nag-a-adjust ang pldt. topak ang net ngayon. nakikigamit ako kina judith ng pc para lang mag-blog.
Sunday, May 25, 2008
jeepney 101
from db church to libertad , pasay rd - libertad , Php 8.00
from libertad to quirino , taft , Php 8.00
from edsa to bicutan , pasay rtd - alabang , Php 18.00
from bicutan to magallanes , pasay rtd - alabang , Php 11.00
from magallanes to buendia , prc - mantrade , Php 8.00
from pasong tamo to reposo , bel air , Php 8.00
from reposo to taft , guadalupe - cartimar , Php 8.00
from taft to pasay rd , dominga , Php 8.00
from pasay rd to walter mart , pasay rd - libertad , Php 8.00
from walter mart to home, prc - mantrade , Php 8.00
total jeepney cost for the day = Php 101.00
Wednesday, May 21, 2008
mr. deeds
time seems to be scarce.
it seems that 7 is indeed my lucky number. the perfect number. 70 70 70 is
such a beautiful score.
smiles. empty, cold. smiles. true, warm. as long as they are smiles. i guess
i cursed my self to not have them. not even the cold ones. not even the
frozen ones. maybe i'm thinking too high of myself in that i take it upon
myself to make sure that people around me do smile. selfish? maybe. but good
deeds are good deeds. smiles are smiles.
Wednesday, May 14, 2008
examination redemption
ng page. (tapos nalaman ko kaninang nasa kabilang site din pala e mas
mabilis mag-load doon.)
pasado.
nag-online si lica at madalang mangyari yun. isa lang ang maaaring dahilan.
engineer na siya. pero ako, di namin alam. suspense. kahit naka-dsl,
nakakamatay ang pag-load ng page sa inquirer.net. di ko nakita kagabi sa
mb.com.ph pero kanina, nakita ko na may listahan din pala sila.
tapos na ang hirap. tapos na ang bakasyon. bukas ang pagbabalik sa trabaho,
panibagong tao.
ang pinakamasaya siguro sa lahat nang ito ay masaya ang mga tao sa paligid
ko.
Saturday, May 03, 2008
off topic stress
excited na akong mag-next week. by then, tapos na ang exam at magagawa ko na nang guilt-free ang ilang naka-sched na gagawin--tapusin ang mga videogame, tumugtog at mag-record, at pumunta sa OS gig. oo nga pala, OS gig na next week.
gusto ko na ring pumasok uli sa trabaho. paubos na pera ko at parang mauubos ko pa. hehehe. at least patapos na at medyo nag-survive ako hanggang ngayon.
Wednesday, April 30, 2008
tapusin, tapusin, tapusin... (april 2008 edition)
kabado na. actually, kabado pa. sana madaling sundin yung sigaw ng audience sa dark tournament, "Tapusin!"
Sunday, April 27, 2008
it's a videogame era
blame it all on technology. di ko napigil at tinesting ko yung hl2. ok. smooth. ako, hindi. nahilo ako. di na sanay. hehe. pwede ring dahil kakakain ko lang nun. eitherway, nahilo pa rin ako. inalis ko na rin yung toca, gtr2, tsaka m3. naadik ako sa outrun. at patalo rin yung hl2 kasi natuklasan ko via steam yung trackmania nations forever. mmo(?) racing. libre.
masyadong emotional sa evangelion thread sa os forums dahil sa live action adaptation. naisip ko lang, eva yung isa sa konting nag-acknowledge explicitly na technology ang resulta ng fruit of wisdom. kahit sa new testament, hindi ko maalalang binanggit yun.
apparently, technology has great potential but seems to lead us to demise. i should know.
Tuesday, April 22, 2008
hobbies and games
oh well. life's not been the best recently. andun pa rin ako sa "getting there" sa halos lahat ng bagay.
at least nabili ko na yung 360 modena. di ko lang alam kung kailan masisimulang gawin.
gaming updates:
pagkatapos ng board, ii-install ko uli yung hl2. hopefully maayos ang takbo. mukhang kailangan ko ring maglinis ng HD. ano kayang aalisin ko? TOCA RD3, GTR2, M3 Challenge? balak ko rin mag-upgrade ng RAM.
parang gusto ko yung Assasin's Creed. pinag-iisipan ko pa rin yung Crysis pero malabo na. iba yung Assassin's Creed, e. 3rd person for one. rare na yung ganung games. tsaka napahanga talaga ako sa fluidity ng animation sa review sa GTTV. dapat di ko ma-miss yung review sa X Play ng G4TV sa Maxxx. may matitino rin palang palabas dun.
kung madali lang sanang makapulot ng P69,000, bibili na ako ng PC na naka-AMD Spider Platform. medyo. HD3650 lang. HD3800 dapat para spider talaga. ASA!
masayang mangarap. minsan, mas masaya pag alam mong kaya mong abutin. pero minsan, masaya rin kung imposible kasi mas tipid. haha.
Thursday, April 10, 2008
stand
*hindi ako pumasok sa review
*hapon na ako nagpuntang prc kaya hindi nakapag-apply para sa board exam
*wala pa ring nangyayari sa sto. domingo
*di natuloy ang special mission
accomplishments for today:
*mic stand
*nakuha ko kahit papaano yung unang form sa board exam application
*nagbalik ako ng sobrang sukli nung binili ko yung mic stand
* organized papers for printer
4 for 4. fair enough sana kung pantay ng halaga. kaso mas malalim yung mga
failure.
self-redemption is ellusive.
Wednesday, April 09, 2008
static/dynamic
maybe it's the simplicity of statics. 3 equations, how hard can that be? "kailangan pa bang i-memorize yan?"
successfully, i woke up in the middle of the night. to no avail, though. things to do have piled up so high that i can't reach the top nor get from the bottom. what to do? pray, then work, then pray again, then work some more. right. now when to start?
Friday, March 28, 2008
redemption awaits
Wednesday, March 26, 2008
escape
di ko alam kung saan ako huhugot ng sapat na lakas. kulang ang kung ano mang nakukuha ko. o baka kulang lang sa vitamins na nagpapagana sa natatagong lakas. baka nga.
on other things, masakit ang ngipin ko dahil para may kwenta naman ang pag-absent ko, natuloy na ang adjustment sa braces.
di na muna ako tumuloy sa refresher course. hindi pa ayos ang aking state of mind. kailangang tapusin ko muna lahat ng trabaho para matino ang refresher. focused and steady dapat. isa lang dapat ang mainstream na pinagtutuunan ng pansin para maayos ang iba pang sideline--nfs, banda, anime. tama.
may nagsabi sa akin na ok na ang lahat kinabukasan. pinagpaliban ko ang kinabukasan ko. kailangang ibalik ko.
Tuesday, March 25, 2008
back online
Wednesday, March 19, 2008
ouch
Tuesday, March 18, 2008
Monday, March 17, 2008
message to the skies... to the heavens
Sunday, March 16, 2008
nails
Friday, March 14, 2008
apoy/tubig
ang pagpunta ko sa besavilla para mag-enroll sa refresher (na hindi ko rin nagawa dahil di ko dala ang id ko noon) ay nagdala ng malulungkot na alaala nang dalawang taon. buti na lang at hindi nagatungan at nakabili ako ng 3-guitar stand sa raon. syempre, nakakatuwa rin kasi ang experience na mawala (na naman) sa lugar na iyon. nakagaan din siguro ang pagpasok ko sa simbahan ng Quiapo kahit hindi nakapagsimba. sa SIP na lang ako nagsimba. mahirap na, baka mag-collapse ako. tanghali at maraming tao. at nawala pa ako sa raon pagkatapos. gutom na gutom tuloy ako pag-uwi.
buti na lang andito pa si mama pagdating. pagkakain ko, tsaka siya umalis para sa retreat sa Legion of Mary. God Bless them.
may na-accomplish man ako sa hindi ko pumasok ngayon di pa rin fulfilling. problemado pa rin ako sa sto. domingo. nakakauhaw nga.