Wednesday, May 14, 2008

examination redemption

kagabi, parang naka-double pedals ang puso ko. tapos ang bagal pang mag-load
ng page. (tapos nalaman ko kaninang nasa kabilang site din pala e mas
mabilis mag-load doon.)

pasado.

nag-online si lica at madalang mangyari yun. isa lang ang maaaring dahilan.
engineer na siya. pero ako, di namin alam. suspense. kahit naka-dsl,
nakakamatay ang pag-load ng page sa inquirer.net. di ko nakita kagabi sa
mb.com.ph pero kanina, nakita ko na may listahan din pala sila.

tapos na ang hirap. tapos na ang bakasyon. bukas ang pagbabalik sa trabaho,
panibagong tao.

ang pinakamasaya siguro sa lahat nang ito ay masaya ang mga tao sa paligid
ko.

No comments: