Saturday, May 31, 2008

adjustments

nostalgic. adjustment week nitong nakaraang linggo sa dlsu. june na bukas, aayusin ko na dapat yung overdue reunion namin sa malate.

kagabi, sa wakas, nakapagpa-adjust na uli ako ng braces. masakit. di tuloy ganun ka-enjoy kumain. pero ok lang. kagagaling namin sa oath taking

ok rin yung adjustment sa sweldo sa nakaraang payslip. ok lang pero ok na rin. kulang na lang yung diploma. hehe.

sumabay si lica sa amin kanina pauwi galing sa oath taking hanggang sa harison kung san siya sinundo. buti naisipan niyang pumunta kahit papaano, sana nag-enjoy siya sa kabila ng mga kabadtripan.

di ko pa pala nagagawa yung sl ko. hehehe. bukas na lang. kayang-kaya naman...sana. woohoo. 1st licensed side line.

katapusan ng Mayo ngayon. bday din ni tita ellen. salamat po sa taas. kung iisipin, parang ang tagal pala ng May ngayon. sana nga di na natapos kasi maraming masayang nangyari. pero di naman pwede yun. onward to june and afterwards. hehe.

at tila nag-a-adjust ang pldt. topak ang net ngayon. nakikigamit ako kina judith ng pc para lang mag-blog.

No comments: