panalo yung GetDataBack na program. good as worthless lahat ng sinabi ni domeng tungkol sa file security. di ko in-expect na ngayon ako mamalasin sa partition operation gamit ang partition magic. medyo delikado pala ang merge o baka nagkataon lang. di ma-access yung mga file sa "merge folder."
buti nakahanap kaagad ako ng solusyon gamit ang yahoo search at ang torrentz search. hehe.
ayun, nung na-access ko na. kinopya ko na lang yung laman ng dating Z Drive sa bagong Z Drive. di ko pa rin ma-delete. siguro nakuha sa defrag, nabura ko na halos lahat. dalawang file na lang ang di mabura ngayon:
"Z\jomic\My Pictures\psd\Lica scans.psd"
"z\pebuilder3110a\BartPE\I386\SETUPLDR.bin"
interesting. nasa folder x na sila, naghihintay mabura.
medyo matagal pala yung acronis backup. iba-backup ko sana yung drive minus inaccessible folders, re-reformat yung partition, at ibabalik. buti medyo gumana na yung pagbura pagka-defrag. pero medyo lang.
aliw. kakasabi pa naman sa akin ni adette kagabi, bago ko malamang corrupted yung files, na "hindi talaga nabubura yung files. inaalis lang yung pointers."
yebah. medyo mas malapit na ako sa pagiging digital retrieval specialist. parang specialist specialization. hehe.
susunod sa aking after eXPerience vista, (pagkatapos ng post na ito, actually) migration naman sa windows mail. medyo tatlong araw na akong hindi nakaka-download ng email. huling beses ata noong july 22. 23 ako nag-install. tamang-tama, tugma yung date ng migration.
No comments:
Post a Comment