Monday, April 18, 2005

ff7, transport strike & bass guitar

kalilipat ko lang kagabi (mga 24 hrs ago) sa 'disk 2' ng ff7. i'd blog about it more but i'd get emotional. hehe. two of the reasons i don't play rpg: time consuming (save point), i tend to get involved.

ang hiningi ko sa mga dasal ko mula pagkatanggap ng course cards ay maging ok kay mama na bumili ako ng bass. mapahanggang kaninag umaga, parang di pa rin siya payag. ngayong narito na, tila tanggap na niya. ang kailangan ko na lang gawin ay siguraduhing hindi siya magsisisi na pinayagan niya ako. (pero sa totoo lang, hindi ako pinayagan.)

primary objective: claim witheld EAF FAILED

dahil sa transport strike, naglakad ako papuntang dlsu (kahit na pwede pa sana akong mag-commute). dahil din sa strike, hindi dumating si sir apollo, ang academic assistant, para ibigay ang mga EAF na witheld. ewan ko lang kung dumating siya pagkaalis namin ni menard.

naalala ko ang sinasabi ng mga kaklase ko tungkol sa strike. kalokohan daw. makikitid lang talaga ang mga utak nila. i can't blame them, though i really want to. pero sa mundo natin ngayon, ginagawa tayong tanga. kaya hindi kataka-takang maraming...

primary objective: purchase bass SUCCESSFUL

ang balak talaga ay kunin ang EAF tapos pumuntang raon para bilhin ang bass. pero yun na nga, kaya galing dlsu, nagpunta kami ni menard sa raon. medyo masakit ang mga tuhod ko at yung left shin. sabay nag-LRT pa kami kahit may jeep pa naman. pasaway talaga.

mabilis ang transaksyon kasi binalikan lang talaga. wala yung nagbenta sa akin ng bass noon kaya iba ang umasiste sa akin. iba rin ang kinuha ko. itim imbes na asul. yung may design sana kaso hindi kaagad nakita. ok na yung itim. tila nagiging itim na ang kulay ko..err..you know what i mean. P3800. 4-string Miltone eletric bass. ok na. not the cheapest but the most convenient purchase. well, none to compare, really. matapos ang maragal-tagal na pagtono nung mama, pina-drop d ko pa. sinubukan ko nang sobrang sandali tapos bayad na. kasama na ang case at purple na kable. hehe. halos back to zero ang pera ko. ok lang. kaya nga may pera para gastusin. at isa pa, para may panibago at mas malupit na ipunan.

habang naglalakad pauwi, may ilang sorbetero akong nadaanan. nang naisipan kong bumili na, sampung pisong ube sa sugar cone. (sa totoo lang, yung flavor lang ang pinili ko. given na yung presyo at apa.) di ko pala natanong kung may avocado. buti na lang kasi wala. e di hindi ako nakakain. bago lumayo sa sorbetero, napansin ko na may sticker ng muziklaban. asteg. sabay dala ko pa yung bass. hehe. asteg.

nag-jam kami nang konti ni yonni sa sala nila nakasaksak yung bass sa radyo nila. nga pala, wala akong amps at buti na lang, ok lang isaksak sa pc. hindi sumabog yugn soundcard. hehe. medyo may compromise na ako sa pag-aaral ng bass.

1 comment:

stani said...

kung wala kang subwoofer, ssabog speakers mo within 3 months i guarantee. 4k lang ang raon amp, excluding taxi pauwi. magipon ka na.