Tuesday, August 31, 2004

mga tinatapon na alaala

ano ba ang halaga ng alaala? wala. kung mayroon man, tayo ang nagbibigay.

nahulog sa kinalalagyan ang tinatago kong balat ng ferrero. wala man lang significance ang kinain kong ferrerong iyon. wala lang. kagabi, pumasok ang nanay ko sa kwarto ko, pinulot ang balaat at tinapon.

huli na ang lahat. wala nang halaga sa akin ang balat na iyon.

nagpapasalamat na rin ako sa nanay ko kahit na naiinis ako. maraming bagay ang hindi ko binibitiwan sa buhay ko at kahit na anong halaga ng mga dalahin, kapag dumarami ay dumaragdag sa bigat na pasan. bumabagal ang pag-usod sa buhay. pero kung may iiwanan, maaari kang tumigil sandali at lingunin ang ibinaba sa daan. pagkatapos lumingon, tutuloy ka sa paglakad.

kamatayan at katamaran

i have the urge to kill. dahil hindi ko gagawin ang pumatay ng tao, mga insekto ang pinagbubuntunan ko ng urge na iyan. dalawang umaga ang nakalilipas (yata, parang ang tagal na, e), pagkagising ko ay may nakita akong ipis sa bahagi ng sahig malapi sa bintana ng kwarto ko. malapit sa bintana ang kama ko. kinuha ko ang kanang tsinelas sa kabilang tabi ng kama at pinatay ang ipis. bumalik ako sa pagkakatulog nang hindi na bumabalik sa ayos - nasa ulunan ang paa ko.

kanina, pagkagising ko, nandoon pa rin ang patay na ipis.

alam ko na kung bakit

alam ko na kung bakit nagkandagulu-gulo ang pag-aaral at pagsusulat ko. masyado akong natuon sa dalawang tao - isang nakasama at isang nawala.

wala halos nangyari sa buhay ko. dalawa lang: maghanap ng hindi nakikita; at mag-alinlangan at malasin.

huling quiz...err...exam ko mamaya sa quameth. sana hindi ko ibagsak. 55pts ang kailangan ko para maka-1.0. sana umabot. sana mag-aral ako mamaya, mga 2hrs bago mag-test. ongapala, course cards pa pala sastruct1 mamayang 1. ipinapaubaya ko na kay Lord. may sigurado akong bagsak pero sana isa lang at kung maaari pa nga'y wala.

pwede akong manghinayang at magsisi pero tila masyado na akong manhid. kahit pa nabawasan ang pagkamanhid na ito, tila kulang pa para makaramdam ako ng sapat na dahilan para mapabuti ang buhay ko. hindi na nakabubuti sa akin ito. gusto ko na muling makaramdam. at kapag nangyari iyon, kapag naayos ko na ang lahat, mawawalang muli ang pakiramdam. hindi ko na muli malalaman kung ano ang tinawag na takot at sakit. sana, doon na matapos ang lahat.

Saturday, August 28, 2004

jomic site

naisipan kong buhaying muli ang geocities site ko. wala pa akong title kaya yung luma pa ang gamit ko. bale, dalawang hatinggabi at isang araw (yata. wala na akong sense of time...um...wala pa rin) ko napagtripan ang dreamweaver.

'wag mag-alala. papalitan ko rin ang title niyan.

http://www.geocities.com/jomic_ang/

liwaliw

kahapon

* nagliwaliw ako sa paco park kasama ang kamera. madulas sa malumot na lugar. masaya kasi makulimlim at minsan lang bumuhos ang ulan.

* sumama ako kina chris, karl, magsy, jenny, reggie, mai, at reiann sa korean restaurant. masarap nga ang soju. wala na akong pera.

* nakauwi ako nang maluwalhati kahit pagod at halos wala nang pera.

* pinanood namin nina adette ang il mare. astig.

* mapula ang likod ko dahil sa allergy.

ngayon

* nagliwaliw ako sa pandacan. bumalik ako sa paco park pero nawala ang mga jeep kasi dumaan si presidente.

* ma-traffic papuntang paco park dahil na rin sa rerouting nga biyahe ng jeep.

* nagjeep ako papuntang faura. sana hindi na lang. ang lapit lang pala. grrr...

* nag-ubos ng film at namulot ng chrismas lights at dove feathers.

* kumain ako ng karekare. paubos na ang pera.

* nakita ko si mr calopez (drafting instructor noong high school) sa rizal park. masayang tumambay doon.

* hinanap ko ang magbabalot sa photo ni karel. wala. tumayo na lang ako sa spot sa photo.

* nag-LRT ako pauwi para makaabot sa antcipated Mass para makasama sina mama magsimba.

* nakita ko na naman ang liwanag ng buwan. na-miss ko iyon. nakatago kasi sa mga ulap kamakailan at kung minsan ay pasilip-silip lang.

* sinisipon ako.




conclusion: kapag nagliliwaliw ako, nauubos ang pera (at load--halos isang daan sa dalawang araw...not good--) ko at nagkakasakit ako pero masaya ako. happiness isn't predefined thing.

Thursday, August 26, 2004

alalala ng lamig sa waldo perfecto

na-miss ko si deandra bigla. naalala ko rin si patrick ayo. si ceena, mukhang quit na nga talaga. pero naaalala ko talaga si dei at kung paano niya naiintindihan kung gaano kalamig sa waldo perfecto.

delayed

tila sa martes ko pa kukunin ang exam ko sa quameth.

nakakatamad ang magpakatamad dahil suspendido ang klase.

binago ko nga pala ang mga kulay. wala lang.

Wednesday, August 25, 2004

biglang ulan

umulan. badtripin. dinala ko ang slr kasi may balak na pumuntang baywalk. 5am, nagising ako at bumuhos ang ulan. sa isip ko, sabi ko, "whokey."

ang saya ng cramming sa geology. mukha namang mataas ang marka ko sa exam at makapapasa ako doon. hehe, bukod sa may napag-aralan ako (within 3hrs before the exam) inspired pa ako. hehe.




hindi na ako sumama kina patrick kumain kasi umalis na rin si lica at gusto kong magtipid at wala naman na akong pupuntahan pagkakain kaya mabuti pang umuwi na ako. nakakahiya lang kina sheila kasi dahil lang wala si lica, hindi na ako sumama sa kanila.

umaambon habang pauwi ako. wala akong dalang cap at payong. jacket lang ang nasa bag ko kasama ng slr. dumaan muna ako sa bilihan ng load para bumili ng casing para sa 3315. hehe. bumili ako ng itim sa halagang P100. orig daw kaya ok na rin at ok naman ang hitsura. may pagkamaarte ako pagdating sa mga ganyan. dapat near perfect.

lumakas ang ulan. naglalakad na ako at naisipan kong bumalik para sumilong at kunin ang jacket sa bag ko. sabi nung nagtitinda, dun na lang ako sa tapat sumilong kasi nababasa rin ako at mas makasisilong ako kung doon ako sa tapat.

matapos ang matagal na proseso ng pagkuha ng jacket na nakabalot sa SLR, nasuot ko ito at nakauwing basang-basa. nga pala, asteg, hindi tumahol yung aso sa bahay na nakisilong ako at buti na lang may gate. hehe.

kain, tulog, internet. walang aral. hehe. i'm so me.




ang konti ng participants sa MOS, at pinostpone pa ang exams kaninang hapon kaya magkakandaloko ang sched. sana maayos ni JO.

nga pala, astig, extended hanggang monday ang pagpasa sa ateneo. carpe diem.




naubos load ko noong weekend kasi nag-download ako ng logo na nagsasabing CARPE DIEM. hindi ko lang alam kung tinutupad ko.

Saturday, August 21, 2004

exams

hindi ko pala kayang mag-aral ngayon. tila mamayang gabi ako magsusunog ng kilay. 24 hours para sa dalawang subject ka kailangang karirin. naaalala ko ang sinabi ko dati - hindi na ito para sa grade lang. hindi na ito para sa pride lang. para ito sa pag-ibig.

ngayon, ang tanong, kaya ko nga bang ipaglaban ang pag-ibig?

Friday, August 20, 2004

natatapos na

hindi ko na itutuloy ang post ko noong nakaraang linggo. hindi ko na maalala ang mga itatala ko sana. sayang lang kaya subukan kong bigyan ng isang pahayag ang mga nagdaang araw.

linggo:

nagpunta kami sa bulacan.

lunes:

ang sama ng gising ko dahil sa sakit ng ulo. may quiz at tila babagsak ako. onga.

martes:

report sa ceflula. shet. patay ako dahil sa ko iba kong report na hindi nagagawa mapahanggang ngayon.

kalbo si bugie.

masayang kasama sina sheila at patrick. nakumpleto ang araw ko. joke...sorry daw...ang cute niya talaga.

overnight kina bogs. multo. mudshake. chippy.

miyerkules:

6 seconds mula 3:15 hanggang 6:00 ng umaga. magsusunog ako ng kilay para sa struct1.

huwebes:

patay talaga ako kay mr. tanhueco.

jammin' kasama ni nyoy. pachelbel's canon.

kaibigan ni mai si juf.

biyernes:

pachelbel's canon. chinese collar. tumawa lang kami ni cara nang magkasalubong kami. last class ay makeup class sa geology v509. tumugtog ako sa hagdan sa st. miguel hall kahit naputol ang D string. naglakad ako pauwi.




patapos na ang term. natatakot ako. hindi ko alam kung sapat pa ang pananalig ko. pero nananalig pa rin. kaya ko `to. hehe. narinig ko palang sinabi sa akin `yun.

Saturday, August 14, 2004

kamatayan, muling pagkabuhay, kamatayan uli, at muling pagkabuhay na naman

field trip noong huwebes at ang inasahan kong hindi pangyayari ng pinapangarap ko ay na natupad. (labo.) balik muna sa nagdaang miyerkules ng gabi. ginabi ako ng uwi kasi tumambay kami sa rooftop ng condo ni cara. uuwi na sana ako kaso, mula sa paborito kong tambayan sa may eng gate, pinuntahan namin nina reggie at cara sina yot sa agno.

nawalan ng cellphone si pb. nawalan ako ng salamin (kagabi ko lang napansin).

balik sa feild trip, katabi ko sa bus si bryan. nasa harap namin sina patrick at lica. kung may hindi ako malilimutang mga bagay ay ang mga sumusunod:

* parang starbucks coffee/frap ang nakita isang stage ng pag-filter ng tubig.

* sa balara at sa la mesa, humahawa sa kamay ang kulay asul na pintura ng railing.

* napamahal kami nina vicky, bryan, lica, patrick, jeff at gelo sa shakeys.

* pinatay ko ang maliit na ipis sa bintana sa tabi ni lica.

* sira ang earphones ko. nagpatugtog ng r&b. mamatay-matay ako.

* sinapak ko ang isang poste sa may plant 1 sa la mesa.

* sa plant 2, kapag nakapwesto kayo sa tabi ng aircon (at hindi sa tapat), mainit kaya mabuting paypayan ang katabi para cool.

* hindi nakaaapekto ang ulan sa filtration process.

* hindi epektibong punasan ng tuyong panyo ang kamay ng isang kaibigan kapag kulay asul kasi para kang nag-da-damoves.

* astig talaga ang canon ni pachelbel.

* nakakasenti ang ulan.

pagkatapos ng feild trip, reinkarnasyon ng salita. reinkarnasyon ko rin yata. sayang, pinauwi ko na rin sila.

* masaya ang tula, katutubong tugtog at rock music.

* wala kaming talent ni arun.

* astig ang mayonaise.

* astig ang silent sanctuary.

* magaling magnakaw ng chords si arun.

* kailangang ayusin namin nina thad ang banda namin. unang single ang cholosong ni cholo.

* 10 nagsasara ang dlsu.

* nakakabusog kapag pinapalayas na ng guwardiya.

* huhupa rin ang galit ni mama.

* masakit ang katawan ko pagkauwi.

* lagot ako. tila lunes ko pa masusubukang ayusin ang buhay ko. pero masaya.

(to be continued...)

Sunday, August 08, 2004

pick

noong nasa videoke kami, napuna ko na nasa wala sa pitaka ko ang pick kong Fender. nawalan ako ng pick. baka naman nasa kwarto kong magulo lang. pero para hindi ako umasa, tinanggap ko na nawalan na naman ako ng magandang pick.

nakita ko ang pick sa tsinelas ko. hinalikan ko. hehe. ang saya kasi ng pakiramdam.

Saturday, August 07, 2004

maiging imbakan ng mga alaala ang utak

12:13 PM ngayon at nanghihina pa ako dahil sa kaunting kinakain. masakit kasi ang lalamunan ko - hanggang tainga ang sakit - dulot ng gamot laban sa amebayasis (hehe, lasalle filipino). isama na rin pala natin ang puyat sa dahilan.

ika-18 kaarawan ni dandi kagabi at masayang tunay ang kanyang debut. sa kasalukuyan ay malabo ang aking alaala sa mga detalye kahit hindi ako nakainom. bukod sa wala naman nakalalasing na inumin, bawal sa aking uminom dahil pinapahina lalo ng metronidazole ang resistensya ko. ayokong mamatay dahil sa alak. it's pathetic. hindi ko na itatala ang mga pangyayari bukod sa ilang bagay. iiwan ko na lamang sa aming mga darating na kuwentuhan ang mga kasayahan ng gabi.

* noong umaga, dumaan ako kina doktor paclibar para malamang ang sakit ng lalamunan ko ay dahil sa gamot.

* sinamahan ko sandali pagkatapos ng klase ang ilang kaibigan na may quiz sa physics kinagabihan.

* nagpagupit ako pagkauwi.

* naka-chinese collar ako at naghintay nang sandali kina cara kasama nina reggie at yot at sunny. medyo marunong na akong magsuot ng tie kahit hindi ko kinailangan. si sunny, hindi.

* sa debut ni dandi, hindi namin makita ni asha sina pb kaya napunta kami sa mesa nina harris. complementing kami. hehe.

* tahimik ako buong gabi. depressed dapat ako kasi na-mi-miss ko ang isang matalik na kaibigan. hindi siya ang kasama ko noong umaga sa conserve para mag-aral. madalas na kaming magkasama ngayon. siyang tinutukoy ko, hindi ko maintindihan.

* ang wish ko kay dandi ay nasa patulang anyo pero hindi siya tula dahil ritmo lang ang meron siya. ang maganda lang doon ay tunay ang sinabi ko.

* nagsayawan sila at lumabas kami. pinatugtog ang i'll be. ako lang ang hindi sumayaw. kj.

* inumaga kami sa videoke.

kapagod. buti na lang hindi napunan ang pagiging malungkot ko. salamat kay dandi.

Thursday, August 05, 2004

winamp

may mali akong post sa our craft. dito ko dapat i-po-post kaso namali ako. anyways, eto yun.



kung paano ako nabubuhay

may sakit ako. marami akong kinahaharap at di matakasan kahit subukang mga problema. anong ginagawa ko para tumagal? naniniwala ako.

(napansin ko na tumutugtog pala sa winamp ang "i'll be". naalala ko ang salitang pananalig. naalala ko siyang tila hindi na nananalig. 'sabi' ko, kung di na niya kaya, ako na lang ang maniniwala para sa kanya. miss ko na siya.)

posted: 1 Aug 09:04:38



potek, tila nagkasunod ang i'll be at hanging by a moment sa randomized playlist na naka-shuffle... tapos more than words... grrr... pinagtitripan ako ng winamp.

anyways, gotta make myself useful.