Thursday, April 28, 2005

system not responding

i put windows 98's system monitor on the windows startup menu. apparently, it gives a warning when the system runs at less than 10% resources preventing it from not responding. it's just now that i realized that the testtype runs with 25 - 50 % resources at my usual usage.

i've been playing mechcommander 2 for the past two days. at regular difficulty, i'm surprised to have 4 veterans in about 10 missions. well, gameplay is better the second time around...and with tips from a strategy guide. but all i took seriously are tips on pilot skills. it's got the rpg feel that i've come to appreciate lately.

now here's what sucks. here are a few games i've played here:

* nfs porsche unleashed (2000)
* mechwarrior 4: veangence (2000)
* mechcommander 2 (2001)

a common thing about these games is that the pc hangs during gameplay even in this upgraded state. to think that this pc is supposed to be from that time.

on music, i think the band's participation (or audition even) in the muziklaban rock challenge won't happen this year. i've quite done the music for my song with my little guitar since i can't do one using a bass with no amp nor my currently bare classical guitar, B. (i haven't named my bass. then again, it's only B that has a name.) i attempted to make it sound punky but i ended up with an alternative sound. not bad. i'm even starting to get an ear, noticing how punk rock sounds.

i won't be going to baguio with sheila, patrick, lica, and the rest. no sense in crying or attempting to secure permission. today's radio mass homily even gave me reasons not to feel bad about it. it was something about love and obedience to parents. the missed opportunity to be with friends and my special someone must have a good side to it. i got some in my mind now.

Tuesday, April 26, 2005

e-mail is for edsamail

pina-tuloy ko pa rin ang edsamail ko kasi sulit naman ang bayad. nasanay na rin ako sa edsamail, e. buti na lang hindi pa ako nasasanay sa sun. dahil "pag mataas ang demand, mataas ang price," balik smart sim at smart budgeting ako. hirap buhay. pero edsamail pa rin!

Monday, April 25, 2005

gastos, gastos, gastos, gastos...

dalawang pakay sa pagpunta sa dlsu ngayong araw na ito: (1) secure clearance and claim eaf kasama si lica, (2) ces core meeting.

sa meeting na nagsimula nang 9:30, dumating ako nang 10:30. marami-raming napag-usapan at tila mahahalaga. mukhang mas trip ko ang mga meeting sa ces kaysa malate. less pressure but seemingly more productive despite greater amounts of distractions. balak ko sanang gawin ang gaya noong nasa malate eb ako, pero tila hindi ko kakayanin. sa bawat late, may bayad. ganoon din naman sa malate eb sa pagkakatanda ko (yata... may problema ako sa pag-alala. kulang sa ehersisyo ang utak, e.) pero tila mas maraming meeting ang sa ces at mas masama ang tama. mayroon pa kasing weekly fund raising na mangyayari. P10/week. tila pareho ang problema sa malate--walang pera. may mga gastos pa para sa id at membership pa rin yata. not to mention lunch during meetings. pero mas mura naman sigurong kasama ang mga ito kaysa sa malate eb. mas diverse kasi pero nandoon pa rin ang threat sa wallet.


pareho kami ni lica ng problema sa pagsama sa balak nina sheila at patrick. permiso at pera. sa totoo lang, magkadikit iyon. sa lagay ko, mahirap payagan kung walang pera. e nahihiya naman akong manghingi kaya hindi aggressive ang pagpapaalam ko. nag-hint na na di ganoon ka-agree kaya "take it as a no" na lang ako. napilitan na nga si mama sa pagbili ko ng bass kaya wala na akong laban. nakakahiya lang kina sheila pero sana maintindihan nila. besides, maraming commitments.


sa pagkuha namin ni lica ng clearance sa clinic, may sinabing ganito ang nag-attend sa amin, "anong id number n'yo? 104?" may mabuti at masamang ibig-sabihin ang mapagkamalang 2 batches lower. una, ang naisip ko (being the more optimistic), cute kami para mapagkamalang mas bata. pangala, ayon kay lica, mag-fo-fourth year na kami, hindi pa namin alam ang procedure. pero magulo naman talaga. sinunod lang namin ang sabi sa amin. owel.

ang drama sa pagkuha ng eaf ay ang makita kung magkano ang kailangang bayaran. ang driving force ko pag naiisip ko ang kalungkutan sa pagka-delay at karagdagang gastos: no use crying over spilled milk. nahilig pa naman ako sa gatas lately, pero pag natapon nga naman, punasan na lang at inumin ang natitira.


natanggap na ang credit card payment para sa edsamail ko. (via edsamail sana ako mag-u-update ng blog para sulit kaso medyo nag-hang ang testtype kanina nang dina-download ko ang realplayer. sayang ang halos isang oras. paker.) reasonable naman ang presyo pero gastos pa rin. may balak pa akong bayaran si mama at papa para sa mga credit card expenses ko. kaya sa may 5 na lang ako bibili ng spraypaint at masking tape para kay B para may pera na ako pagdating ng bayaran. ibibili ko pa si ate ng housing para sa 3660. nag-resign pa si ate kaya hindi ko na muna ako magre-reload sa sun. (masasayang ang 50cents. owel. kaysa naman P150.) balik smart (double meaning) budgeting ako. may pag-iipunan pa akong amps.


daming gastos. ang dami ko tuloy naitala.

susunod

siguro mag-aayos ako ng mga web page ko. burara, e.

Sunday, April 24, 2005

summer na summer, nag-re-review

isang review ng mga nakaraang araw:

tuesday

* unang araw ng ces core team building sa batanggas. anti-social mode: on.
* not as boring as expected. ok pa nga, e.
* gabi. matatakutin pala ang mga kasama ko.
* scary road kasama nina king at roñel.
* takutan bago matulog kasama nina rs, patrick t, gian, at allan.

wednesday

* may bago nang pope ayon kay rs.
* anti-social meter: low
* star gate. asteg. kaming tatlo nina roñel at rs ang huli.
* tuloy ang takutan
* inom, joke, suka, tulog

thursday

* uwian na

friday

* hangover ba o sadyang gutom lang ako?

saberday

* gets ko na ang pick bass
* niliha si B para ihanda sa final (hopefully) painting

kanina

* reformat c: na sinundan ng madugong windows installation
* testtype's good

preview ng bukas

* ces core meeting
* secure clearance and claim eaf with lica

Monday, April 18, 2005

ff7, transport strike & bass guitar

kalilipat ko lang kagabi (mga 24 hrs ago) sa 'disk 2' ng ff7. i'd blog about it more but i'd get emotional. hehe. two of the reasons i don't play rpg: time consuming (save point), i tend to get involved.

ang hiningi ko sa mga dasal ko mula pagkatanggap ng course cards ay maging ok kay mama na bumili ako ng bass. mapahanggang kaninag umaga, parang di pa rin siya payag. ngayong narito na, tila tanggap na niya. ang kailangan ko na lang gawin ay siguraduhing hindi siya magsisisi na pinayagan niya ako. (pero sa totoo lang, hindi ako pinayagan.)

primary objective: claim witheld EAF FAILED

dahil sa transport strike, naglakad ako papuntang dlsu (kahit na pwede pa sana akong mag-commute). dahil din sa strike, hindi dumating si sir apollo, ang academic assistant, para ibigay ang mga EAF na witheld. ewan ko lang kung dumating siya pagkaalis namin ni menard.

naalala ko ang sinasabi ng mga kaklase ko tungkol sa strike. kalokohan daw. makikitid lang talaga ang mga utak nila. i can't blame them, though i really want to. pero sa mundo natin ngayon, ginagawa tayong tanga. kaya hindi kataka-takang maraming...

primary objective: purchase bass SUCCESSFUL

ang balak talaga ay kunin ang EAF tapos pumuntang raon para bilhin ang bass. pero yun na nga, kaya galing dlsu, nagpunta kami ni menard sa raon. medyo masakit ang mga tuhod ko at yung left shin. sabay nag-LRT pa kami kahit may jeep pa naman. pasaway talaga.

mabilis ang transaksyon kasi binalikan lang talaga. wala yung nagbenta sa akin ng bass noon kaya iba ang umasiste sa akin. iba rin ang kinuha ko. itim imbes na asul. yung may design sana kaso hindi kaagad nakita. ok na yung itim. tila nagiging itim na ang kulay ko..err..you know what i mean. P3800. 4-string Miltone eletric bass. ok na. not the cheapest but the most convenient purchase. well, none to compare, really. matapos ang maragal-tagal na pagtono nung mama, pina-drop d ko pa. sinubukan ko nang sobrang sandali tapos bayad na. kasama na ang case at purple na kable. hehe. halos back to zero ang pera ko. ok lang. kaya nga may pera para gastusin. at isa pa, para may panibago at mas malupit na ipunan.

habang naglalakad pauwi, may ilang sorbetero akong nadaanan. nang naisipan kong bumili na, sampung pisong ube sa sugar cone. (sa totoo lang, yung flavor lang ang pinili ko. given na yung presyo at apa.) di ko pala natanong kung may avocado. buti na lang kasi wala. e di hindi ako nakakain. bago lumayo sa sorbetero, napansin ko na may sticker ng muziklaban. asteg. sabay dala ko pa yung bass. hehe. asteg.

nag-jam kami nang konti ni yonni sa sala nila nakasaksak yung bass sa radyo nila. nga pala, wala akong amps at buti na lang, ok lang isaksak sa pc. hindi sumabog yugn soundcard. hehe. medyo may compromise na ako sa pag-aaral ng bass.

Friday, April 15, 2005

when a third time happens, there ain't a fifth

praise the Lord!

apat na magkakasunod na term ako nagkaroon ng bagsak na grade. ang laki ng saya at pasasalamat ko kanina.

soilmec - 1.0 x 3
struct2 - 1.5 x 3
mattest - 1.5 x 3
hubehor - 2.0 x 3
matesla - 2.5 x 1
relstri - 3.0 x 3
soromla - 4.0 x 1

good enough for a recovery. nasagot ang mga dasal ko. sumamblay lang ang isa kong kaibigan pero kasama siguro sa dasal ko na maging ok lang siya kung sakali. seems so.

nanood kami nina lica, pat, at max ng spongebob movie. tama nga, mahigit isang oras ng nonsense pero hindi korni.

all is well now. sana lang, pumayag si mama sa pagbili ko ng bass. iyon na lang, ok na ang lahat sa akin. sa ngayon, tila kailangan ko munang matulog.

Wednesday, April 13, 2005

hindi ako naniniwala sa malas

huwag naman sanang maudlot kahit na may parang malas na kapag binabalita ang isang bagay o inaasahang lubos, hindi natutuloy. ok na sa akin ang presyo. baka sa sabado, bibilhin ko na yung bass sa raon. medyo kulang pa ang pera ko. pero may posibleng solusyon.

ang magpapaudlot lang noon ay ang hindi magandang resulta ng mga grade sa friday. kanina, pagkabili ng gatas pagkagaling sa raon, dumaan ako sa simbahan. iyon na lang ang kaya kong gawin sa ngayon--umasa sa taas.

si menard, nakabili na rin ng classical guitar. sa sabado talaga, babalikan namin `yung bass. not exactly. parang mas ok `yung isang black na may design kaysa dun sa plain na blue.


malas daw magbilang ng pera `pag gabi. ang tangging nakikita kong rason, madilim, baka magkamali. kaninang umaga ko sana bibilangin ang laman ng isa sa tatlo kong matataas na alkansya. (walang laman yung dalawa.) binalik ko rin maliban sa mga tig-25c na nilipat ko naman sa bote para sa pondo ng pinoy.

mataas na halaga na rin ang nabilang namin ni mama para sa mg barya-barya. hindi ko maalala kung kailan ko sinimulang lagyan iyon. pero nakuha ko iyon noong 7th bday ko sa jollibee. siguro, mga 4 years ago talaga ako nag-ipon sa alkansyan iyon.

pwedeng-pwede sanang pandagdag sa bass budget kaso korni ang alkansyang walang laman. ang balak ko, punuin pa uli pati ang dalawang iba pa. gagastusin ko na lang siguro ang mga ipon ko pag nagpalit na ng pera. emergencies considered but not expected. naalala ko tuloy `yung P690 ng 4th yr high school.

money, money, money. ang malungkot lang, sa mundo ngayon, kulang pa rin iyon. buti na lang, hindi ako mahilig doon.

Tuesday, April 12, 2005

about 2 and a half years high speed late

sa wakas, pagkatapos ng halos dalawa't kalahating taon mula sa pagkakalabas, na-unlock ko na ang lahat ng "unlockables" sa nfs: hot pursuit 2. partida, bulok pa yung graphics kasi hindi kaya ng testtype.

Monday, April 11, 2005

natapos na rin

sana nga. sana nga tapos na ang mga subject ko for this term. hindi ko pangarap ulitin ang kahit bahagya sa kanila. at hindi lang iyon. end of school year, and of another chapter sa buhay namin nina lica, patrick, jeff, max, at vic. (max = sheila; vic = vicky)

it feels good to have them as friends. parang ganito ang friendship ko sa kanila dati sa malate. which is good. kasi kahit na hindi na kami nagkakasama-sama, secure pa rin ako sa aming friendship. may mga pagkakaibigan na alam mong magtatagal.

course cards sa friday. i see me this week in prayer. sana hindi ito yung sinasabi nila na kapag may kailangan lang tsaka lumalapit sa Kanya. i see a good future ahead. umikot na naman ang mundo. tsaka na ako matatakot sa patuloy na pag-ikot.

Sunday, April 10, 2005

okey ito, a

nababawasan ko isa-isa ang mga problema ko. mula sa supposedly least important but mot bothering to the significant and more delicate.

only about 24 hours till soilmec and 12 before relstri deadline. kaya `to! amen.

Saturday, April 09, 2005

misyon, pangarap, at pangarap uli

doing today's mission with arun was fun. it didn't go as perfect as it could have been but at least the primary objective was fulfilled. the only sad thing is how misleading my answers to my mother's questions were. my only justification is that they were true at the least.

may mga pabigat sa akin recently. at kina lica, patrick, sheila, vicky, at jeff. marami at iba-iba. medyo gumaan na yung dala ko. si patrick din. sana si sheila, damay ni patrick. si vicky, mukhang ok naman. malaki pasasalamat ko kay vicky. nakakahawa ang faith niya. sarado katoliko ako pero hindi ibig sabihin, hindi ko pwedeng i-admire ang faith na makikita sa protestantismo.

monday, sabi ni vicky, aayusin ang mga bagay-bagay. there'll be two people exempted. ganoon lang talaga sila.




tumuloy ako sa sbt mula sa bicutan-sucat area. napalaro ako nang hindi naka-panglaro. may band room na kaming mare-rentahan. P200/hour pero P150 pa for one week daw, promo. asteg, napaka-convenient. sa makati square lang at kumpleto pa sa basic na gamit. nagtingin kami ng bass sa jb at rj. isa lang ang pasok sa price range with tolerance. di trip ni cholo ang hitsura, di nakita ni venjo, ko lang sa akin. medyo metal ang dating kaya medyo trip ko, pero medyo punk ako kaya hindi ganun ka-bagay, pero medyo deviant ako kaya ok. isang option pa lang yun at pwede pang mag-tingin sa raon. pero stereotypical lalaki ako sa pamimili, e.

hindi na ako sumama sa kanilang manood ng spongebob sa g4 kasi kailangan kong magpahinga at mag-aral. (isa lang ang na-accomplish ko sa dalawang yun. go figure.) kahit as usual ang sbt, dahil hindi naman ako madalas magpunta, at tantya ko, kahit mas madalas akong dumalo, hindi pa rin nababago ang pakiramdam ng tuwa.

sana lang, ganoon din sa isa kong pangarap.

[note to self: magsulat tungkol sa paghihintay sunod sa o bago o sabay sa pagsulat ng "tara"]




naalala ko lang. at least bawas na ang problemang maituturing sa matest kung saan naka-1.5 ako at sa matesla kung saan nabawi ko pa nang konti ang pride ko sa 2.5.

Thursday, April 07, 2005

sandali na lang

listahan ng requirements:

* relstri final "paper" (in quotation marks kasi email)
* soilmec special project due monday
* soilmec final exam on monday

additional:

* hanapin si sir oreta at siguraduhin ang pagpasa sa struct2

special:

* misyon sa sabado kasama si arun
* bonding with sheila
* catching-up with odessa
* rediscover red horse

super bonus:

* mag-post ng astig na pilosopiya. kaso talaan lang ito. meron pala sa avocados.

Saturday, April 02, 2005

Church crisis

the Church is in crisis as Pope John Paul II is in his final hours according to the Vatican. i pray the best for our Church.

i remember arun's post on prophecies. hindi ako naniniwala sa ganoon pero napaisip kaya ako. pero, in further thinking, hindi nga ako naniniwala sa ganoon.


on personal life, malapit nang matapos ang term. nervous. tila kailangan kong kumpirmahin ang estado ko. hindi ako dapat bumagsak. hindi ko na kaya.