hindi ako nagising nang 6:09. mga 8 na ata nun. 9 dapat, nasa dentista na ako pero nagtext si dra beth na 10 na lang. nakausap ko rin si mhae, sabi niya, extend siya hanggang 12. ayos talaga tumiming ang tadhana. napapadali ang pagsulat ko. medyo naaayon sa gusto ko ring mangyari ang pag-edit ng tadhana.
nagpaalam ako sa nanay ko na pagkagaling sa dentista ay susundo ako. mahigit isang oras din ako sa dentista. 3 months pa bago uli alisin yung top braces kasi medyo sumablay sa tagal na di naayos. sa tawiran sa highway, yung poste ng kuryente, nakabagsak at tila delikado. makakatawid naman nang ligtas. kinunan ko ng picture.
bigotilyo ang playlist ko habang nasa jeep, mrt, at labas ng ministop. pag-uwi, tila mas mahigpit na ang kapit ko sa ngiti. buong hapon ako at umidlip pa sa apartment, kasama sina kuya jho at gen.
dumeretso na ako sa practice sa sip mula doon. late kaya tumakbo na rin sa ulan. may payong naman.
masayang-masaya ang araw na ito. may question mark pa rin pero ang pangarap, susubukang kamtin nang magkasama.
No comments:
Post a Comment