Saturday, March 24, 2012

epic days and nights part 1

nasa bahay lang ako nung huwebes ng umaga hanggang hapon. nagbasa ng mga kwento(?) ni rolando b. tolentino at nag-ensayo para sa gig kinagabihan. kinabahan din nang hindi makuha ang p.o.t. cover na panaginip. kinabahan lalo nang malaman ang ibang mga tutugtog na banda. alam ko na bago nun na tutugtog ang sinosikat? pero nun ko lang nalaman ayon sa post sa facebook ng southern project na pati pala ang p.o.t., at hijo.

text text text din at konting relax. gabi, hinatid na ako ni papa sa roaa. nagising din sa mga sandaling iyon si sleeping beauty at napanaginipan daw ako. pinraktis namin ang dalawang orig at yung say hello to heaven.

gig time, medyo binunyag ni kuya jho ang surpresang pagpunta ni mhaelord sa gig. dumating kami nina louie at maaga kaming maisasalang sa stage. ok yun. sinundo ko sina marly at amelia sa caltex/petron. mamaya, dumating na sina kuya jho at mhae. medyo sablay sa cover song, dun sa solo part. maling chord pattern ginawa ko at wala ako sa timing. maganda ang kuha ni marly gamit ang phone ko.

masarap ang pakiramdam ng gig dahil andun ang mga bagong kaibigan, ang sinisinta, para iyon sa isang mahusay na yumaong mang-aawit, suprota kay krys na kapatid, nakatugtog ng originals ng sonic space tinola, at may mga nasundan at kasunod na mga mahuhusay at sikat na banda.

naunang umuwi sina marly at amelia pagkatapos ng set. inantay ko pa si o.b. para iligpit ang percs niya habang pinatago ko muna kay louie si abbey. umuwi na sina kuya jho at mhae at nagpaalam na ako kina kc. hindi na ako nagtagal sa gig.

pumunta ako sa 7eleven sa evangelista-pasay road para uminom at mula doon, tumungo kina mhaelord para antayin siya at ihatid sa ortigas. umalis kami mga pasado 1:30 at dumating sa opisina mga lampas 2:00. masarap matulog sa biyahe.

pagbalik ko sa bahay, naghihingalo ang orasan sa pader, 1:32 tumigil. nakatulog ako katext si kitchie, binabalik ko ang pagbibiro niya sana tungkol kay mhae. medyo tinanghali na ako ng gising. di ko maalala kung anong oras ko napansin na umandar pa pala yung orasan pero hanggang 2:10 na lang ang kinaya ng baterya.

1:32 hanggang 2:10, tumigil, bumagal, at tumigil uli ang oras.

No comments: