Sunday, March 04, 2012

15 day shutdown

gabi ng 2012-02-18 noong huli kong ginamit ang desktop na ito ayon sa event viewer. wow, dalawang linggo. tingin ko, sulit naman yung oras na sa ibang bagay ko nailaan. marami-raming nangyari, sa linggong ito pa lang.

lunes, medyo parang yung eksena sa my sassy girl. medyo lang. at mas bilang best friend kaysa ex.

hindi ko rin pinalampas ang araw na hindi naitatanong kahit sa text lang ang isang mahirap-hirap na tanong. martes, operation lipat bahay and house warming.

miyerkules, ika-29 ng pebrero, ako raw ang bahala. ayun, hindi ako nagba-backout at itutuloy ko.

tila mula lunes hanggang miyerkules, nag-out ako nang maaga-aga at bumalik sa opisina para magtrabaho. martes, pinabayaan na akong wag nang bumalik.

march 1 deadline, naabot namin nang march 2. initan ng ulo, iyakan, problema sa miami, pagkapikon sa joke, marami pang iba. buti na lang, todo ang lakas ko noon. simula raw ng pagdurusa pagkatapos ng toast nung hapon sabi ni danilo. pero kaya.

biyernes, umuwi ako nang tanghali, nakaidlip, bumalik sa opisina, sinulatan ang italyanong mentor, nakipag-usap sa boss na ok lang ang lahat, at mukhang natapos naman nang maganda ang linggo sa opisina.

out makalipas ang 6pm, greenbelt kasama nina lyan, anne, gen, kitch, daisy, midz, marly, at barry. masaya kahit hindi ako nakatulog nang maaga para makabawi ng puyat. greenbelt chapel, mcdo, legaspi park. fun fridate.

sabado, nasa ortigas ako nang tanghali. napakain ng masarap na ampalaya at naghugas ng pinagkainan (at pinagtawanan). mukha namang nakapagpasaya. ako rin, masayang hapon. napakasayang hapon. at ibinili ko pag-uwi ang nanay ko ng coffee chillz.

gabi, imbis na mag-practice, music theory. ang sarap. bibo konti. hehe. di lang ganun ka-ok kasi may nagkainitan. bago matulog, nag-propose ako na gumamit ng kuya powers. mukhang magagamit ko ngayong darating na linggo.

kanina, araw ay nagsimula nang hindi pa ako natutulog at tinawagan ni april para biruin at at makapag-usap kami ni mhae. pagkagising ko sa tanghali, andun uli. natagalan lang ang paghihintay dahil sa ot pero ayos lang.

medyo mas maigsi ang oras pero ayos lang. sana nakapagpahinga siyang mabuti. bago umuwi, dumaan ako sa pcx at bumili ng avr na gami ko na ngayon. sana hindi na masira.

bago magtapos ang araw, ang linggo, kanta sa MIsa at konting ensayo pagkatapos. marami ngang nangyayari sa buhay ko na labas sa pagharap ko sa pc. maganda. masarap. mukhang nagbabago na uli ako. masaya. salamat po sa Inyo.

No comments: