matapos ang isang weekend blast sa opisina, ako’y hindi pumasok ngayon. tinatamad at masama ang pakiramdam. ala-una na nung bumangon ako. palagay ko naman ay kumikilos nang maayos ang mga kagrupo ko sa opisina. kaya nila yun.
nasa baba ako ngayon gamit ang x3-pc sa “bago” nitong casing. salamat kay adette na naki-ride sa trip ko. di ko naorasan, mga isang oras siguro ang ginawa kong paglipat mula sa 690 ii ko nga mga parts papunta sa centurion na ito.
sana matuwa naman sina mama at papa at mapakinabangan nila ito.
may panghihinayang sa kahapon dahil bday ni lola at hindi man lang ako nakasama sa pagrorosaryo. andito pa naman ang poon ni Mama Mary para sa block rosary. di bale, ito ang linggo bago mag-Pasko at may apat na araw pa ako para maging ayos na ayos.
naisip ko lang, kahapon, ang busog nga ng bday ni lola. nakapag-agahan ako ng spaghetti, nananghalian ng lugaw, meryendang ramen, at kfc para hapunan. masaya rin malamang ang party sa taas.
mamaya, susubukan kong i-reset ang body clock ko para mas maayos na ang pang-araw-araw na buhay ko.
No comments:
Post a Comment