Monday, December 26, 2011

pasok pagkatapos ng Pasko

8:41 ang login ko kanina sa opisina. matagal ko na ring hindi nagawa yun.

relax mode. medyo nakakahiya nga kay tristan at sa mech cubicle kasi after 1pm, pagita-gitara kami ni iris. maya-maya, ina-access ko na ang home pc, nagdo-download at nag-i-install ng printer/scanner drivers, nagtitingin ng lumang mga retrato, at nagcha-chat.

hindi ako nag-halfday dahil di natuloy ang lakad namin nina cara at hindi na rin ako tumuloy sa pagpunta kay best. bukas na lang ang malate friends at sa friday ang best friend. baka bukas na lang. iniwan ko na rin muna si gina sa opisina kasi mukhang papasok pa rin ako sa umaga.

pagkaalis nang bago mag-6, at dahil wala namang pupuntahan, dumaan ako sa pcx at binili ang internal memory card reader. sa waltermart, dumaan akong grocery para sa ilang items. marami na ring wwjd sa pcbs at ganun na lang ang tuwa ko. sayang, sana pala bumili ako ng backup pero ayos lang din kasi para mas alagaan ko ang binili ko para sa akin. nakabili rin ako para ipanregalo.

may pizza mula kay ninang edna pagdating pero malamang bukas ng umaga ko na lang kakainin. paksiw na lechon ang ulam kanina. panalo. after-dinner snack, tinoast na doritos dahil kumunat. sinamahan ng cheez whiz para mabawi ang alat. uminom ng coke dahil masarap. next week, dapat makabalik na ako sa healthy eating. walang junk food at softdrinks.

mahirap pero fulfilling ang pagsetup ng card reader sa cm 690 ii. kaso hindi pa magagamit. sinubukan ko kung gumagana dito sa x3-pc at gumana naman nung naitama ko ang pagkabit sa usb header. sablay lang, hindi kayang ilagay sa centurion 5. oh well. mukhang pang-fdd lang talaga yung 3.5 bay nito. may card reader naman yung hp aio.

maraming mini-adventure ngayong araw na ito. pero ang pinakamalupit, sa panahon ng ka-Paskuhang ito, naramdaman ko ang mapatawad at magpatawad. ang sarap.

No comments: