Wednesday, December 28, 2011

pc-69/i5-pc

tanghali, nabili ko na ang mga sumusunod:

  • coolermaster silentpro m700
  • asus p8p67 le
  • intel core i5 2500k
  • g-skill ripjaws 2x4gb ddr3 1333
  • coolermaster v8

natapos din. hindi ko maikwento ang bawat detalye. nakakapagod. nakakakaba. sa ngayon, nag-i-install na ako ng windows sa bago kong pc.

kaninang hapon naman, sa opisina, kahit sa text man lang, nakagawa ako ng lakad para bukas. hindi pa ako kinakabahan. pero malamang, bukas, panic mode na.

kanina hapon iyon sa opisina. hapon lang ako sa opisina dahil tulog ako noong umaga. mga alas-dos na ata ako nakauwi mula sa aming pagtitipon nina john, cara, rachel at sunny.

incoherent ako ngayon. sa pagod siguro at saya. kailangang huminga nang malalim. at maghugas ng kamay. medyo madumi dahil sa trabaho.

sa lunes, balik na ang pressure sa opisina. kailangang tamasahin ang mga araw na ito. sa totoo lang, nagsimula na nga uli. maswerte ako at may mga maaasahan ako sa opisina tulad nina sir jonas at tristan. kung tutuusin lahat sila.

No comments: