Thursday, December 31, 2009

one last for 09

yep. ilang oras na lang? dalawa halos. salamat sa Diyos sa bawat saglit ng nakaraang taon lalo na sa mga lungkot na lalong nagpatindi ng mga ligaya.

next year na bukas. maligayang bagong taon. at medyo tulad ng kapag sa ym�

6.. 09

Friday, December 25, 2009

Happier Christmas

masaya talaga pag maraming pinagpapasalamat. dumating na nga ang Pasko at patapos na ang taon. kahit pagod at sumakit ang ulo ko kagabi, ayos lang. nakangiti nga yata ako nun, e.

at salamat nga sa nagdaang taon. pakiramdam ko, kaya mas masaya ako sa araw na ito kasi kahit sa mga ordinaryong araw, masaya ako. nahanap ko na uli ang aking ngiti. at tama nga, masaya ngang maghanap ng ngiti para sa iba. nahahanap mo rin kasi ang sa iyo.

Wednesday, December 16, 2009

that was fast

things happened too fast though some are quite slowing down already. funny how i can take the drama.

Monday, November 30, 2009

remember and smile

yep, a lot to remember and smile about this month. at the best na ata ngayong araw na ito. best nga.

Thursday, November 19, 2009

maligayang kaarawan cake

happy kaarawan ni mama ngayon. tuwang-tuwa ako na makakita ng makati cake para sa kanya. syempre, masaya ring makita siyang masaya.

Friday, November 06, 2009

stage cleared

nasa text ni papa kanina kay ate, salamat sa Diyos. ayun, salamat nga po.

Saturday, October 31, 2009

composition

ilang years ago na yun nung nagpunta akong mambucal? 8 years at least. ayun, sabi ni fema, buti di ako nakakalimot. naalala ko, nagsusulat pa ako ng tula noon. gusto kong makapagsulat uli. sana makagawa na ako ng kanta sa lalong madaling panahon. mga kanta. lalo na dahil nakaranas ako ng mga lungkot at saya nitong buwang ito. at pambawi na rin para sa medyo sablay na tugtog namin kahapon. haha. pero kahit nanghihina ako kahapon, ok naman. swerte din na may nagpapaalala sakin na dapat maging masaya ako.

Tuesday, October 27, 2009

plot device

ito yung parang sine curve na movement ng emotion sa kwento. dalawang weekends lang ang nakakaraan, ang saya tapos ngayon, may tendency maging, kung hindi pa sobrang malungkot. tapos sa work-related stuff, medyo kabaliktaran. ah, ok lang pala. may balance kahit papaano.

last week, wednesday, naramdaman ko yung adrenaline rush. sumunod na araw, stress ng pretty much expected bad news. medyo break in an excapist kinda way yung friday. haha. friday, i�m in love. almost regretful ang sabado pero konswelo. sablay nung sunday pagkatapos magsimba. lunes, hindi pinakamabuting simula ng work week pero ayos naman nung pagabi na. kanina, hyper? haha.

kung iisipin, di pa naman sobrang down. at salamat talaga sa nanay ko, it�s not getting as bad as i would expect.

pero panalo pa rin talaga yung october 16, 17, 18 weekend. parang summer of sixty-nine.

Wednesday, October 14, 2009

pull ups

yep, it�s true, Jesus does a good job of pulling me up when i�m down.

Monday, October 12, 2009

splitting headache

to think na marami akong posts last month (well, relatively), ngayon lang ako nakapagpost uli at dahil badtrip ako at sumama ang pakiramdam ko, di nakapasok, at lalong sumama. maayos-ayos naman na ngayon. sana bukas umayos nang todo. parang yung dalawang nagdaang linggo. ay, di pala masyado.

may dumating na package para sa akin nung sabado. cd case. mga dvd. binalik na. tipong natatanggap na bagay na ikinalulungkot, pero salamat sa isang kaibigan, tingin ko, di na ako masyadong malulungkot. kaya malamang totally unrelated tong sakit ng ulo ko kaninang umaga.

badtrip. na-interrupt yung pagbabagong buhay ko na walang sakit ng ulo. oh well. restart bukas. parang pc lang yan. and speaking of pc, bukas yata ilalabas yung ati radeon hd 5700 series. nadiskubre ko kanina. exciting. kailangang pag-ipunan. unti-unti nang nabubuo ang susunod na desktop ko.

Wednesday, September 30, 2009

sleep early

di talaga pwedeng walang pun sa kantang yun. at dahil medyo pagod ako, ako�y matutulog nang maaga. actually, dalawang kanta. memorable itong september, parang masamang panaginip na gumaganda-ganda para maganda ang gising.

katatapos ng trahedya, abangan ang susunod na kabanata. sana hindi yung usual na paglimot. at sana, at least, mabawasan ang plastic sa pilipinas. kahit wag nang dagdagan yung sinag ng araw. ay, kailangan ko palang mag-register para bumoto. last chance na. october.

Tuesday, September 29, 2009

smart

it was a smart move to go to confession today because it feels good. very good.

Saturday, September 26, 2009

269 2009

ang bilis naman nitong mga nagdaang araw, di ko masyadong napansin na 269 na pala busy, lazy, depressed, pressured. the usual.

tumigil na rin ang ulan dito. humuhupa na ang baha. bukas, di kami tuloy sa enchanted kingdom para sa gig. malaking bagay yung gig na yun. nabubuhay uli yung banda. at bukod pa sa jam sessions with mike bantol last week, nakadalas din ng praktis kasama sina thad at dogi. nakainom din last monday. kahit konti. kahit light lang.

sa trabaho naman, medyo nagiging mas ok kumilos. medyo hindi rin. haha. at lumuwag na rin yung mesa ko dun dahil sa bagong monitor sa wakas. tapos nakabawi ako sa pag-inom ng light nung monday kasi nakapag-pale pilsen nung thursday dahil ok yung bisita namin sa petron noon. sa monday, todo pressure na sakin para dun at sa iba pang project na medyo nagkakasabay ang urgency�chevron at pacific star.

ready na ata ako para sa hectic next week. yata. konti pa siguro. haha.  medyo nag-work out na naman ang mga bagay sa aking pabor nitong mga nakaraang araw. ewan. swerte siguro. ito yata yung sinasabi kong swerteng gusto kong i-share. kagabi, sabi ko malungkot ako kasi walang dapat ikasaya. meron din pala. o at least, sabi ko pala, walang bago. at yung luma, yung dati, yung wala na, ewan, wala na nga ata talaga. queue: look at the bright side. yin-yang ang 69 sa 269 at ako yung dos.

(isa na naman sa self-motivational thoughts ko. hahahahaha.)

Wednesday, September 16, 2009

discount

swertehan sakin makahanap ng pantalon. o at least hindi lang kasi ako matiyagang maghanap. at gusto ko lagi, sale. haha. nakabili ako sa landmark nung isang gabi. medyo minalas nang konti kasi iba pala yung nabigay sa akin (dark blue imbis na black) at medyo matagal yung proseso ng pagpalit. feeling ko demerit pa yun sa nag-assist sa akin. bumalik ako kanina para naman sa polo. pwede na. kaso di ko masyadong trip. yung iba kasing medyo mas trip ko, masyadong kapareho na ng meron ako. hassle kasi, wala yung advisor ko sa damit. kaya rin di ko binili kaagad kagabi sa waltermart yung damit. e dahil hanggang kagabi na lang sale dun, at hanggang kanina sa landmark, e di sa landmark na.

nakakatuwa na 3 straight nights na uli ako nakakasimba. masarap ang pakiramdam. at buti naipagdarasal ko ang ilan sa mga gusto kong ipagdasal. may ilan lang din na nakakalimutan. dami kasing request, e.

sa pagdadasal at sa pag-iisip sa kung anong dadasalin, pinakamaganda atang na-realize ko yung sinabi sa akin kahapon tungkol sa nanakaw na bagay�iniisip na lang na may nangangailangan. yun ang isang dapat ipagpasalamat, kabutihang loob at pagpapatawad. kulang yun sa mundo, e.

09-16-09 16-09-09. haha. sa dami ng 6 at 9, naaalala ko yung number ng brooklyn pizza. di ko pa nga pala naaabutan si mama para sa papizza niya nung sunday. at bukas, sayang, sa yellow cab na lang kami para mas convenient. pero depende, baka maisipang sa brooklyn na lang. mas mura nga ata talaga dun, e. ok yun. discount.

Sunday, September 13, 2009

encoding

ang tagal mag-encode to dvd format dito sa netbook. mas mabilis siguro at malamang tapos na kung ginawa ko nang maayos sa desktop. pero ok lang. aliw kagabi, nakapag-transfer (matapos ang isang cancel na walang point at maraming palpak na trial dahil sa drivers yata) ako ng video gamit yung ieee1394 sa wakas. buti na lang, kahit halos lahat ng plano kong gawin kahapon ay kanina ko nagawa, tinuloy ko pa rin kahapon ang pagkuha ng vidcam kay dogi at hindi ako nag-stay para sa rockband session.

sana maayos itong magawa para maibsan naman ang lungkot sa nawalang 5800. kahapon lang, pinag-usapan namin ang libreng cellphone. grabe. apektado ako. pero tama nga, dapat kinakalimutan na lang, parang ang ibang bagay na kinakalimutan ko.

si ate naman, may bagong phone c/o loyalty reward something ng sun cellular subscription ni papa.

pero ang tagal din nitong process sa netbook. ewan ko lang kung gaano kalaki ang improvement kung dun sa pentium d ginawa. pero may idea ako kasi yung audio encoding yata yung may basis for comparison. ok lang. mas tipid naman sa kuryente. hehe.

naaalala ko yung hirit ko sa atom brand noon. sabi ko, sablay yung intel kasi limit na yung atom. masyado nang ambitious kung quartz na ang itatawag nila sa mas maliit pang processor. ngayon ko lang na-realize, hindi naman pala pabagal kasi ang trend. sa katunayan, yung atom processor, palakas pa siya.

kailangan kong ma-push ang sarili kong magpraktis maya-maya o kahit sa madaling araw. hehe. sayang, hindi talaga kumakanta yung 1/8 na miku at yung mga gashapon na songstress ng macross frontier. wah. gastos. buti na lang regalo yung gashapon set. mga ganitong panahon pala nung binili ko yung dynames. spare cash time.

ayan. medyo malapit nang matapos yung encoding. sana ok siya at ok ang bukas.

Wednesday, September 09, 2009

9/9/9

it�s supposedly a counter of sorts but i guess i didn�t capitalize on it. nothing that special today. just noting.

Sunday, September 06, 2009

headshot

ang sakit ng ulo ko. nauntog ako sa right side table ng kama ko habang natutulog. buti na lang bukol lang. di ko alam kung yung sakit ng ulo ay dahil doon o migraine. kung ano man, pasalamat na lang ako at buhay pa ako.

kagagaing namin sa labas. nanood sina mama at papa ng kimmy dora. ako, nagpuntang pc express at pinakabit ang binili kong deepcool alpha 200 hsf. binabantayan ko yung cpu temperature. ok naman. nasa 43 degrees celcius ngayon. naririnig pa rin yung fan pero hindi kasing-ingay ng dati. nasa 2149rpm.

long weekend. sobrang short week yata last week. may hinihintay akong email. sana nabasa na though doubtful ako. buti na lang nakapag-pizza ako nung thursday. happy/sad kasi hindi ko naubos. next time.

9/6/9 pala ngayon sa m/d/y format, tapos 6/9/9 kung d/m/y.

Wednesday, August 26, 2009

august 269

isa ito sa mga hindi mabuting araw para sa akin. napa-halfday nga ako sa sakit ng ulo. medyo bawi dahil nakabili na ako ng netbook, itim na neo vivid v1195. itim. hindi puti. hehehe. neo. buy pinoy. hehe. kulang lang ng bluetooth pero sulit na. may cdrking naman sa malapit, e.

sellout. bumili ng laptop. pero balak ko pa ring bumili ng desktop next year, pag lumabas na yung core i5, usb 3.0, pcie 3.0, at yung mid-generation update siguro ng high end na radoen hd5000 series.

wala pa akong pangalan para dito. raiden siguro mula sa virtual-on cyber troopers. check ko na lang mamala model number nun para consistent sa naming scheme sa mga pc.

umabot na ako sa 269 posts sa blog na ito. medyo natagalan. mas madalas na siguro akong makakapag0blog ngayon. netbook. notebook. kaya naman naaayon na i-incorporate ito sa pagsusulat.

malakas nga talaga ako sa taas. kahit sablay ako, kung tutuusin, good day nga ngayon. sana matuto na akong siguraduhing good day para di ko sisisihin ang sarili ko pag masama ang araw ko. magandang gumising na alam mong mabuti ang gising mo. malamang.

Friday, July 31, 2009

late post

predated itong post para may laman ang july. late gaya ng project ko at gaya ko sa ibang araw. nasa edge na naman ako. buti may gulaman para di maisip ang ibang bagay. di lang naman kasi deadline ang nami-miss.

Tuesday, June 09, 2009

kilometer

sa wakas, nakuhanan ko rin ng retrato yung 69 km station point sa star expressway.

Saturday, May 30, 2009

labas

maambon sa labas ngayon. patapos na nga ang summer. di gaya nung sabi ng pagasa noon na simula na ng tag-ulan tapos kinabukasan, ang init. pero di mo sila masisisi. climate change nga.

end may. end summer. end stress. bakit parang transitionary dapat lagi sa akin ang bawat buwan? siguro kasi monthly na lang ako mag-blog. hahaha. at hindi ako naniniwala na new year dapat magbago.

Wednesday, April 29, 2009

climate change

kailan lang, ang init at nagkasakit pa ako sa sobrang init kasabay ng unhealthy lifestyle. isama na rin natin ang stress ng ibang tao. na na-a-absorb ko at naisasama sa sariling stress. tapos puro ulan naman. sabay sablay pa yung payong.

at least kahit may nakakanselang lakwatsa at nami-miss na gulaman, ang laging nareresked na muling pagkikita ay medyo nangyari naman na kahit papaano.

hindi ganoon ka-relaxed ang paligid. buti kaya ko pang mag-relax. isang linggo. tatlong project. tama. bibigyan ko ang sarili ng isang linggo para sa tatlong yun. pero next week na yun. di ko na mahintay ang bakasyon sa makalawa.

Tuesday, March 31, 2009

advanced celebration

matagal ko nang naisip na kung may makakapagpangiti sa akin, siguradong makapagpapasimangot din. napaaga yata ang april fools day.

Saturday, March 14, 2009

3 years of safety

tatlong taon na mula nang maligtas kami mula sa sunog. ayun lang tungkol dun.

march 11, medyo nasira nga ang aking routine. bumalik ang "challenge" sa buhay. nasira kasi yung system nitong pc nung 10. ok na siya ngayon maliban sa system restore.

may bagong bluetooth dongle at webcam ang pc ngayon. regalo ko sa kanya dahil ok na siya. haha. ubos na naman sweldo ko sa susunod na buwan. napupunta kasi sa ipon. teka, magandang bagay pala yun.

ayokong mag-withdraw dahil na rin may 69 sa account ko. mali ang diskarte ko nung sabado sa pera. napabili ako ng mga blank dvd nung nagpunta kami ni michelle sa parksquare habang nagpapalipas siya ng oras at ako naman at nagpapa-late sa usapan. buti sanay na si yaluts. kasi naman, dumarating na sa oras. hehe. buti kamag-anak ko si venjo. late din pero nauna pa rin sa akin. partida, bahay ko na yung meeting place.

nilibre ko pa kasi sila ng shawarma rice pagkatapos mag-futbol. nakakapagod. kulang pa rin pala ako sa stamina. pak. naalala ko, kailangan ko pa palang bumili ng futbol gear. tapos malapit nang mag-summer vacation season. gastos. pero ok lang naman siguro. for good clean fun and sports naman, e.

parang yung weekly basketball. kasali si sir edwin kagabi at buti good mood. medyo na-impress ko pa sa aking depensa. wala talaga kasing opensa. buti rin sampu kami. hindi na nakakapagod masyado. pero parang mas napagod nga ata ako kasi ang bilis ng laro ni sir edwin. pero ang pinakamaswerte yata ay yung hindi ako nakitang kasama ni michelle nung iniwan ko sila ni mike para mag-simba.

kung tutuusin, maraming magandang nangyari. sana ma-maintain ko next week. sana maayos ni boss dan yung proposal dun sa project ni kuya edward. at kailangan kong matapos yung mjc bukas. medyo wala na naman akong napala sa overtime kanina. ang pinaka-napala ko na siguro ay yung naayos ko yung workarea ko.

Thursday, February 26, 2009

1st day of the rest of my life

nothing special sa 2/26/09. o siguro avoidant lang akong isiping special ang ibang bagay na special siguro sa akin dati.

aha! alam ko na. unang araw/gabi na nagsimba ako na walang okasyon. sana matuloy-tuloy ko. pambawi.

Sunday, February 22, 2009

gaano kasarap ang bawal?

di ko alam. noong biyernes , naka-ilang bawal din pala ako. pineapple juice, softdrink, at beer. di naman kasing sama ng epekto ng inasahan. buti naman. hindi parang pag kape ang niinom ko. oo nga pala. bawal na pag-ibig pa.

Saturday, January 31, 2009

1/26/9++

ilang oras na lang at tapos na ang january. magastos, nakakapagod, makaka-senti, magulo, pero ok lang. di ganun kamalas.

mula noong bday ko, nanlibre, nangulit, tinamad atbp. nothing big. pinakamalaki na ata yung mga problema sa isang project. tila resolved naman na.

January 26, 2009, nire-install ko ang windows 98 sa testtype. panibagong extended service life. pero kailangang palitan ng battery. kanina, binalikan ko ang gilmore kung saan binili yun mga 8 1/2 years ago. sinamahan ko si domeng para mag-canvas ng bagong high end pc.

medyo mahirap mag-pc shop hopping na may dalang gundam. yung virtue pa. pero kaya pa. very minor ang annoyances. binili ko kasi sa greenhills branch ng greattoys. nagkita din kami ni cara para sa isang gashapon transaction.

nagsara ang greattoys makati at lahat ng iba pang shop sa goldcrest noong fateful day ng january 26, 2009 (01/26/09). huli akong dumaan at bumili doon noong 23. malungkot ang glorietta dahil sa saradong kalahati. di ko pa alam kung kailan ako magagawi sa g5.

feast day nga pala ngayon ni don bosco. di ko alam kung paano ko naco-commemorate ang aking bosconian history. sa kasamaang palad, may isa akong bosconian friend na parang ayoko nang ituring na kaibigan.

Sunday, January 18, 2009

the celebration

magsimba, matulog, kumain, mag-internet. mamaya, trabaho naman. hehehe. parker.

panalo pala, binigyan ako ni yonni ng kotse. supra.

Tuesday, January 06, 2009

169

sakit ng ulo.

pagsusuka.

paghingi ng saklolo sa magulang.

pagtulog sa sala.

pag-absent sa trabaho.

pag-email ng trabaho.

madalas talagang malas ang simula ng taon sa akin. pero ultimately, maayos naman ang araw na ito bago matapos. dapat lang. 1/6/9 ngayon, e.

Sunday, January 04, 2009

gifts

i got quite a lot of gifts from myself since toycon. that ferrari 550 maranello scale model started it all. next, ferrari 360 modena model kit. then gunpla. dynames, eva02, serpent custom, eva01, d-hell custom, eva 00'.

today's acquisition: exia 1/100

today's reservations: evangelion portraits g; evangelion 1.0 gashapon

last day of Christmas season, The Feast of the Epiphany. as significant as gifts are in today's celebration are realizations. haha. i can't come up or at least verbalize a good one. oh well. so much for profound entries.

[edit]

hindi pala last day. next week pa pala.