Saturday, September 26, 2009

269 2009

ang bilis naman nitong mga nagdaang araw, di ko masyadong napansin na 269 na pala busy, lazy, depressed, pressured. the usual.

tumigil na rin ang ulan dito. humuhupa na ang baha. bukas, di kami tuloy sa enchanted kingdom para sa gig. malaking bagay yung gig na yun. nabubuhay uli yung banda. at bukod pa sa jam sessions with mike bantol last week, nakadalas din ng praktis kasama sina thad at dogi. nakainom din last monday. kahit konti. kahit light lang.

sa trabaho naman, medyo nagiging mas ok kumilos. medyo hindi rin. haha. at lumuwag na rin yung mesa ko dun dahil sa bagong monitor sa wakas. tapos nakabawi ako sa pag-inom ng light nung monday kasi nakapag-pale pilsen nung thursday dahil ok yung bisita namin sa petron noon. sa monday, todo pressure na sakin para dun at sa iba pang project na medyo nagkakasabay ang urgency�chevron at pacific star.

ready na ata ako para sa hectic next week. yata. konti pa siguro. haha.  medyo nag-work out na naman ang mga bagay sa aking pabor nitong mga nakaraang araw. ewan. swerte siguro. ito yata yung sinasabi kong swerteng gusto kong i-share. kagabi, sabi ko malungkot ako kasi walang dapat ikasaya. meron din pala. o at least, sabi ko pala, walang bago. at yung luma, yung dati, yung wala na, ewan, wala na nga ata talaga. queue: look at the bright side. yin-yang ang 69 sa 269 at ako yung dos.

(isa na naman sa self-motivational thoughts ko. hahahahaha.)

No comments: