Sunday, September 13, 2009

encoding

ang tagal mag-encode to dvd format dito sa netbook. mas mabilis siguro at malamang tapos na kung ginawa ko nang maayos sa desktop. pero ok lang. aliw kagabi, nakapag-transfer (matapos ang isang cancel na walang point at maraming palpak na trial dahil sa drivers yata) ako ng video gamit yung ieee1394 sa wakas. buti na lang, kahit halos lahat ng plano kong gawin kahapon ay kanina ko nagawa, tinuloy ko pa rin kahapon ang pagkuha ng vidcam kay dogi at hindi ako nag-stay para sa rockband session.

sana maayos itong magawa para maibsan naman ang lungkot sa nawalang 5800. kahapon lang, pinag-usapan namin ang libreng cellphone. grabe. apektado ako. pero tama nga, dapat kinakalimutan na lang, parang ang ibang bagay na kinakalimutan ko.

si ate naman, may bagong phone c/o loyalty reward something ng sun cellular subscription ni papa.

pero ang tagal din nitong process sa netbook. ewan ko lang kung gaano kalaki ang improvement kung dun sa pentium d ginawa. pero may idea ako kasi yung audio encoding yata yung may basis for comparison. ok lang. mas tipid naman sa kuryente. hehe.

naaalala ko yung hirit ko sa atom brand noon. sabi ko, sablay yung intel kasi limit na yung atom. masyado nang ambitious kung quartz na ang itatawag nila sa mas maliit pang processor. ngayon ko lang na-realize, hindi naman pala pabagal kasi ang trend. sa katunayan, yung atom processor, palakas pa siya.

kailangan kong ma-push ang sarili kong magpraktis maya-maya o kahit sa madaling araw. hehe. sayang, hindi talaga kumakanta yung 1/8 na miku at yung mga gashapon na songstress ng macross frontier. wah. gastos. buti na lang regalo yung gashapon set. mga ganitong panahon pala nung binili ko yung dynames. spare cash time.

ayan. medyo malapit nang matapos yung encoding. sana ok siya at ok ang bukas.

No comments: