ilang oras na lang at tapos na ang january. magastos, nakakapagod, makaka-senti, magulo, pero ok lang. di ganun kamalas.
mula noong bday ko, nanlibre, nangulit, tinamad atbp. nothing big. pinakamalaki na ata yung mga problema sa isang project. tila resolved naman na.
January 26, 2009, nire-install ko ang windows 98 sa testtype. panibagong extended service life. pero kailangang palitan ng battery. kanina, binalikan ko ang gilmore kung saan binili yun mga 8 1/2 years ago. sinamahan ko si domeng para mag-canvas ng bagong high end pc.
medyo mahirap mag-pc shop hopping na may dalang gundam. yung virtue pa. pero kaya pa. very minor ang annoyances. binili ko kasi sa greenhills branch ng greattoys. nagkita din kami ni cara para sa isang gashapon transaction.
nagsara ang greattoys makati at lahat ng iba pang shop sa goldcrest noong fateful day ng january 26, 2009 (01/26/09). huli akong dumaan at bumili doon noong 23. malungkot ang glorietta dahil sa saradong kalahati. di ko pa alam kung kailan ako magagawi sa g5.
feast day nga pala ngayon ni don bosco. di ko alam kung paano ko naco-commemorate ang aking bosconian history. sa kasamaang palad, may isa akong bosconian friend na parang ayoko nang ituring na kaibigan.
No comments:
Post a Comment