Tuesday, September 14, 2004

stedi

pakiramdam ko ako si dracula. akala ko pa naman, ang aga ko nang nagising. akala ko, naunahan ko ang alarm clock at makapupunta ako sa school nang maaga para ayusin ang mga subjek ko. hatinggabi pa lang pala.

gumising ako at alam kong nasa loob ako ng kuwarto ko. alam kong kama ko iyon. walang umiikot kahit ang bentilador. sinubukan kong bumangon pero pinigilan ko muna ang aking sarili. naalala ko ang aking mga kasama. pumasok sa aking isipan ang bilog ng mga taong nagtatawanan. sinubukan kong alalahanin ang nangyari pero tumigil ang mga pangyayari. hindi ko maalala kung ano ang sumunod. sa aking pagpikit, umikot ang kuwarto kung saan kami nag-inuman. naging itim ang lahat at ang tanging natira ay mga paputul-putol na guhit na unti-unting nabuo hanggang sa maging isang guhit na pumalit sa pabilog ng mga magkakaibigan. dumilat ako at wala na pala akong kailangang alalalahanin. umalis nga pala ako nang maaga para hindi malasing. ang pilit kong inaalala pala'y hindi nangyari. sana nakauwi rin silang payapa at matiwasay gaya ko; may tama lang pero hindi sabog. ang sakit ng tiyan ko. kailangang bumangon para malaman kung stedi pa. stedi pa. ilalabas ko muna ang sama ko ng loob, pero hindi ko na kailangang isuka. nabusog kasi ako pagkatapos uminom. nasa kuwarto ko nang sarili ako nang umikot ang paligid. uminom lang kasi ako nang tama.

"red horse extra strong... ito ang tama!"

Saturday, September 11, 2004

charge

astig kanina. (quite. i don't completely agree with myself in that.) unang beses kong ginamit yung credit card. dapat sa blued sa quad kaso yung kay ate ang ginamit. e dahil gusto kong gamitin yung sa akin, bumili ako ng dalawang cap sa landmark. ok, ngayon, negative na ang pera ko. owel.

Thursday, September 09, 2004

prepaid internet

kauubos lang ng internet card ko. (hindi. hindi ko kinakin `yung card.) tila pang-apat na post ko na ito sa araw na ito. owel. tila may panahon akong offline para ayusin ang isang sulat at matulog pagkatapos para mag-adjust bukas.

erased

4:24 PM sa pc clock at cellphone clock. messages erased. no messages in inbox. ako pa naman yung hindi mahilig magbura.

dalahin

sa mga nangyari sa akin sa nakalipas na bakasyon, napaisip ako kung bakit itong mga taong nakikilala at nagiging mahalaga sa akin ang nakakatagpo ko sa buhay ko. bakit hindi yata ako bagay sa kanila kasi sila-sila ay may mga dalahing mabigat samantalang ako, kung mayroon man, nagagaanan ako? may problema ba sa akin kasi hindi ko nararamdaman ang hirap ng buhay? stupid questions pala.

naka-relate ako bigla kay Gyun-Wu."i want to take away her pain." kaso sa akin, ang dami at hindi lang her. basta kaibigan ko, gusto kong maalis ang sakit. hindi ko alam kung paano pero gagawin ko.

alam ko na ang mga sagot. ang corny ko talaga - ang bilis ko maka-gets. hehe.

kapag may dala kang bag na malaki at kailangan mong dalhin pa ito hanggang sa malayong lugar, hindi mali ang masanay ka at magaanan ka sa dinadala mo. doon ko nasabi na walang problema sa akin. tama lang ang nararamdaman ko. hindi ako delikadong magpakamatay. hindi ako magkakasakit. shet, pinapasinungalingan ko ang experts. (pero gaya ng mga konklusyon nila, ang mga konklusyon ko ay hindi ganap at maaari pa ring i-disprove.)

nakilala ko ang mga taong ito (ilan sa inyo ang nakababasa nito) upang makibuhat sa kani-kanilang mga pabigat sa buhay--hindi para pahirapan ang sarili ko, ngunit para pagaanin ang dala nila.

inisip ko kung paano ako nagkaganito. may grupo ng nilalang na pasasalamatan: pamilya, salesian congregation, group69.

masyadong malakas ang paniniwala ko sa masayang katapusan sa bawat kuwento. ano pa bang ibang mabuting gawin kundi ituloy ang sinusulat.