tulog ako halos ngayong sabado. stressed at walang nagawang mabuti at kapakipakinabang. kailangang baliktarin.
pero masaya kagabi. matapos ang work week, kumain kami nina arianne, iris, cesar, at tristan sa korean restaurant sa ortigas. masaya at nasarapan naman ako sa pagkain. at soju. nostalgic ang lasa ng soju. medyo nostalgic din ang pakikipaglaban sa mrt.
pagkatapos kumain at maglakad nang malayo pabalik sa edsa, nagtungo ako sa 77. natrafik lang sa cubao pagkababa ni tristan at sa gma ako bumaba. nawala nang konti dahil sa timog ako naglakad at nag-taxi na lang para makarating sa 77.
matao pala pero natagpuan ko rin sina cara, john, at kasama niya. panalo ang pagkain at naka-2 redhorse ako at kalahati nung green bottled san miguel beer na hindi inubos ni sunny na late dumating.
masarap ang kwentuhan. dapat nga gawin namin yun �once every convenient span of time.� sumabay ako kay john pauwi, at sa edsa, napansin ko ang liwanag ng buwan kahit may kaunting ulap.
No comments:
Post a Comment