hindi ako nakapasok sa engecon kasi gumawa ako ng assignment para sa struct1. nagawa ko naman ang assignment at na-gets ang lesson hanggang sa residual stress. kailangan ko sigurong mag-consult o mag-aral tungkol doon. naturuan ko pa si lica tungkol sa lesson namin noong dalawang beses na hindi siya pumasok.
lunch, bale bago mag-struct1, kasama ko sina ray at reggie (as usual) sa mcdo. astig kasi mai ibang dahilan si reggie para pumunta doon. ginawa na naman akong instrumento ng tadhana.
pabalik sa loob ng campus, nadiskubre ko ang potential ng cap ko na maging dangerous weapon. nasugatan ko si reggie nang hinampas ko sa kanya ang cap na 'regalo' sa akin ni loi. reggie, kung nababasa mo ito, sorry talaga. hindi ko sinasadaya.
medyo na-gui-guilty kina ray at reggie kapag hindi ako makasama sa kanila kapag nagyayaya kasi kasama ko si lica. pero alam ko namang naiintindihan nila ako (kahit yung hindi ko paglibre sa kanila ng sampung beer). naisip ko rin kasi na baka magtampo sila sa akin kasi naalala ko ang tungkol sa ilang kaibigan na medyo badtrip kasi nagkaroon ng gf ang isa nilang kaibigan at hindi na sila nakakasama kapag may pagkakataon. alam kong iba sina reggie (hehehe. astig pakinggan yun, a... ceena-reggie...) at ray. isasama ko na rin si cara kasi hindi na ako nakakapunta sa cara nights, si arun kasi wala lang, at si sunny kasi wala lang din.
ililibre sana ako ni ray kanina sa gp para sa pagtulong ko sa kanya last week sa engcal2 kaso hindi ako nakapunta kasi kasama ko sina lica.
commercial: UNIFORM RESOURCE LOCATOR ang ibig sabihin ng URL. salamat arun
sinamahan namin si patrick sa red ribbon para kumain. kumain na rin ako ng cinamon roll. nakita nga pala namin sina louie at odessa doon.
tinext ko sa mama ko na uwi ako nang late kasi nanlibre si ray at pag-uwi, sinabi ko kung ano ang kinain ko. sana balang araw, hindi ko na gamitin ang misleading "skill" ko.
sana rin, maging coherent ako sa blogging. hindi nag-i-improve ang aking narration skills. paker, may quiz pa pala ako envieng bukas. teka, naalala ko, natuwa sina arun sa paraan kong ito ng narration kapag minsang napansin nila na ganito ako magkwento. iba lang ang purpose noon. ito, spontaneous lang kasi. ano pa ba. wala na. the end.
No comments:
Post a Comment