hindi mabuti sa akin ang aking propesyon bilang professional crammer. napakakonti ng kinain kong almusal - isang sandok ng kanin at isang pirasong chicken nugget (muntik ko nang i-type ang nuggets pero isa nga lang, e). napa-taxi pa ako papuntang school. powtek, gastos. buti na lang magalng si sochan. buti rin late nagsimula ang klase kaya noong ako na ang mag-re-report, hindi ko na kailangang mag-report. things get better. binalik ang quiz 2 namin sa envieng at 69 ang nakuha ko.
nagkita kami ni dek paglabas ko. hehe. astig. sayang, hindi ko nakwento sa kanya na kagagaling ko lang sa cresta monte.
pagdating ko sa ground floor, naka-wasted look na ako dahil sa longsleeves na hindi naka-tuck at magulong pagkakasuklay (tama ba ang term?). nakita ko si lica pababa ng hagdan kaya sabay na kaming sumakay sa LRT.
dahil magkahiwalay kami ng car (tama ba?) na sinakyan (kasi may hiwalay na car para sa mga babae), nagmadali akong bumaba para hanapin siya at makasalubong uli ng tingin bago umandar ang tren. nakapag-byebye na naman ako sa kanya. ang ganda niya talaga.
----------
outfit of the day: light blue long sleeves na naka-untuck, black slacks, socks and shoes, and cap.
----------
napag-usapan namin ni lica na masarap matulog kasi umuulan. pag-uwi ko, kain, tulog. pagkagising, kagat ng lamok. binasa ko ang mga mensahe, hinahanap ni ray ang gitara ko para hiramin. ang kaso, binigay ko kay rose nang isang linggo. hehe. ang display image ko ngayon sa ym ay isang panda na kumakain ng bamboo.
kailangang magtipid kaso nakababad na naman ako sa pc. grrr... sh*t, naalala ko, may quiz pa ako bukas.
nabasa ko ang blog ni odessa. hindi ko ma-articulate ang gusto kong sabihin tungkol sa kaibigan kong yun kaya wag na lang.
bilang huling hirit, ang sarap ng brandy. tapos bukas, balak mag-inuman nina lica pagkatapos ng ga ng ces. syempre, kasama ako.
No comments:
Post a Comment