mula noong biyernes hanggang nitong martes, ang credit balance ng smart sim ko ay P69.00
hanggang kahapon, hindi ko na alam kung kailan pa, ang oras sa wallclock ng kwarto ko ay 8:53:54. kung babasahin nang pabaliktad, 6 seconds before 6 minutes before 9.
sa envieng, nalaman ko pa na RA6969 isang hazardous waste something act.
kanina, walang jeep kasi strike. marami akong nilakad: bahay -> school; namria -> the fort; ayala -> mcs (para kumain ng itlog) -> bahay. ito ang nagastos ko sa buong araw:
candy sa may buendia - P2.00
1 pc. Burger Steak Meal - P36.00
bus fare mula the fort papuntang ayala mrt - P9.00
itlog (kwekwek) at palamig - P12.00
dalawang limang pisong mani sa may amin na binilin ni mama - P10.00
total - P69.00
sa totoo lang, patalo sana si ray kasi binigyan ko pala siya ng piso noong nasa jolibee kami, pero not counted na lang kasi donation nga pala iyon.
syempre, hindi mawawala ang mga sasakyang may 69 sa plaka habang naglalakbay.
Thursday, November 25, 2004
Wednesday, November 24, 2004
2-3
madalas, napupuwesto ako o pumepwesto sa row 2, column 3 o column 2, row 3 kapag quiz, regular class, sa library, etc. napansin ko uli kanina (tuesday) nung nag-quiz kami sa envieng.
2-3 ako nung 2nd yr.
4-6 ako nung 4th yr.
g69 ang pangalan ng barkada ko.
astig ang kapalaran sa mga numero.
2-3 ako nung 2nd yr.
4-6 ako nung 4th yr.
g69 ang pangalan ng barkada ko.
astig ang kapalaran sa mga numero.
Tuesday, November 23, 2004
sign in shit
kagabi, sa tabulas, na-log in ako bilang si nopc. habang sa blogger, na-sign in si arun bilang ako. nagpalitan kami ni nopc ng mensahe sa chikka habang in contact kami ni arun sa ym. astig.
day out
sumama kami ni lica kina patrick sa market market sa the fort kasi may binili sila para sa hydrolo. sa totoo lang, hindi dapat ako sasama kahit kasama si lica kaso akala ko may maitutulong ako. turns out, nag-spend time together kami ni lica kasama ni masi. ang sayang kasama ni masi--ang daldal. dahil dito, naubos ang pera ko sa wallet. may pera sa wallet ko kaso hindi sa akin.
hindi pa pala nila alam
ang buong akala ko ay alam na nina ray ang tungkol sa akin. turns out, napaka-vague ng mga binigay kong clue sa kanila the past few days.

Monday, November 22, 2004
samahan
hindi ako nakapasok sa engecon kasi gumawa ako ng assignment para sa struct1. nagawa ko naman ang assignment at na-gets ang lesson hanggang sa residual stress. kailangan ko sigurong mag-consult o mag-aral tungkol doon. naturuan ko pa si lica tungkol sa lesson namin noong dalawang beses na hindi siya pumasok.
lunch, bale bago mag-struct1, kasama ko sina ray at reggie (as usual) sa mcdo. astig kasi mai ibang dahilan si reggie para pumunta doon. ginawa na naman akong instrumento ng tadhana.
pabalik sa loob ng campus, nadiskubre ko ang potential ng cap ko na maging dangerous weapon. nasugatan ko si reggie nang hinampas ko sa kanya ang cap na 'regalo' sa akin ni loi. reggie, kung nababasa mo ito, sorry talaga. hindi ko sinasadaya.
medyo na-gui-guilty kina ray at reggie kapag hindi ako makasama sa kanila kapag nagyayaya kasi kasama ko si lica. pero alam ko namang naiintindihan nila ako (kahit yung hindi ko paglibre sa kanila ng sampung beer). naisip ko rin kasi na baka magtampo sila sa akin kasi naalala ko ang tungkol sa ilang kaibigan na medyo badtrip kasi nagkaroon ng gf ang isa nilang kaibigan at hindi na sila nakakasama kapag may pagkakataon. alam kong iba sina reggie (hehehe. astig pakinggan yun, a... ceena-reggie...) at ray. isasama ko na rin si cara kasi hindi na ako nakakapunta sa cara nights, si arun kasi wala lang, at si sunny kasi wala lang din.
ililibre sana ako ni ray kanina sa gp para sa pagtulong ko sa kanya last week sa engcal2 kaso hindi ako nakapunta kasi kasama ko sina lica.
commercial: UNIFORM RESOURCE LOCATOR ang ibig sabihin ng URL. salamat arun
sinamahan namin si patrick sa red ribbon para kumain. kumain na rin ako ng cinamon roll. nakita nga pala namin sina louie at odessa doon.
tinext ko sa mama ko na uwi ako nang late kasi nanlibre si ray at pag-uwi, sinabi ko kung ano ang kinain ko. sana balang araw, hindi ko na gamitin ang misleading "skill" ko.
sana rin, maging coherent ako sa blogging. hindi nag-i-improve ang aking narration skills. paker, may quiz pa pala ako envieng bukas. teka, naalala ko, natuwa sina arun sa paraan kong ito ng narration kapag minsang napansin nila na ganito ako magkwento. iba lang ang purpose noon. ito, spontaneous lang kasi. ano pa ba. wala na. the end.

Friday, November 19, 2004
tatlong dahilan para magdiwang
sign of hope ang 69 sa g69. may dalawa akong sim card at kanina, parehong umabot sa P69.00 ang natitirang credits.
ika-19 ng nobyembre, may tatlong dahilan para magdiwang. una sa lahat, kaarawan ng nanay ko. pangalawa, nanalo si adette sa bible quiz bee na ginanap kanina sa dlsu. pangatlo, masaya ako. hehe.
pauwi, bumili at kumain ako ng tatlong tokneneng sa halagang P5.00.

Saturday, November 13, 2004
the g.a. (hehe, da ga)
nagpaalam ako kay mama na lalabas ako kasama ng mga kaklase ko.
late akong nagising at nakapunta sa condo ni sheila para tulungan dapat si patrick na mag-aral para sa struct1 quiz 2. noong umalis na si patrick para sa klase, dumating si lica at nang malapit nang mag-time, sabay kaming pumunta sa klase. mahirap-hirap ang quiz. kopyahan at tanungan na ang mga tao. pagkatapos, kumain kami kasi hindi pa ako nakakapananghalian.
pagkatapos ng hydrology (na medyo gets ko pero malabo-labo talaga), pinuntahan ko si lica sa mm pero sina louie at odessa ang nakita ko. pinuntahan ko si lica sa eng walk para magpunta sunod sa condo ni sheila. si odessa, umuwi na. kami nina lica at jeff, naghanda para sa g.a.
nauna kaming tatlo sa the venue kung saan gaganapin ang g.a. may nahiram akong gitara at nagtugtugan kami ni lica. ang mga naaalala kong kanta, magasin, huling el bimbo, truly madly deeply. maya-maya, kasama namin sa mesa sina jacq at gelo at masi na parang lasing.
bago umalis sa g.a., naghati pa kami ni lica sa kalahating strong ice na galing kay mond. (sa totoo lang, nanghinayang ako sa tinira kong beer kaso kailangang lumarga.)
itutuloy...

Thursday, November 11, 2004
LRT means happy
hindi mabuti sa akin ang aking propesyon bilang professional crammer. napakakonti ng kinain kong almusal - isang sandok ng kanin at isang pirasong chicken nugget (muntik ko nang i-type ang nuggets pero isa nga lang, e). napa-taxi pa ako papuntang school. powtek, gastos. buti na lang magalng si sochan. buti rin late nagsimula ang klase kaya noong ako na ang mag-re-report, hindi ko na kailangang mag-report. things get better. binalik ang quiz 2 namin sa envieng at 69 ang nakuha ko.
nagkita kami ni dek paglabas ko. hehe. astig. sayang, hindi ko nakwento sa kanya na kagagaling ko lang sa cresta monte.
pagdating ko sa ground floor, naka-wasted look na ako dahil sa longsleeves na hindi naka-tuck at magulong pagkakasuklay (tama ba ang term?). nakita ko si lica pababa ng hagdan kaya sabay na kaming sumakay sa LRT.
dahil magkahiwalay kami ng car (tama ba?) na sinakyan (kasi may hiwalay na car para sa mga babae), nagmadali akong bumaba para hanapin siya at makasalubong uli ng tingin bago umandar ang tren. nakapag-byebye na naman ako sa kanya. ang ganda niya talaga.
----------
outfit of the day: light blue long sleeves na naka-untuck, black slacks, socks and shoes, and cap.
----------
napag-usapan namin ni lica na masarap matulog kasi umuulan. pag-uwi ko, kain, tulog. pagkagising, kagat ng lamok. binasa ko ang mga mensahe, hinahanap ni ray ang gitara ko para hiramin. ang kaso, binigay ko kay rose nang isang linggo. hehe. ang display image ko ngayon sa ym ay isang panda na kumakain ng bamboo.
kailangang magtipid kaso nakababad na naman ako sa pc. grrr... sh*t, naalala ko, may quiz pa ako bukas.
nabasa ko ang blog ni odessa. hindi ko ma-articulate ang gusto kong sabihin tungkol sa kaibigan kong yun kaya wag na lang.
bilang huling hirit, ang sarap ng brandy. tapos bukas, balak mag-inuman nina lica pagkatapos ng ga ng ces. syempre, kasama ako.

Wednesday, November 10, 2004
panic
sa kasalukuyan, ako ay in panic kahit na mukha akong kalmado sa harap ng testtype. may report kami bukas. wala pa akong report. wala pa akong write up. wala pa akong presentation. ang tamad ko, sobra. di ko pa alam kung anong gagawin. o baka takot lang talaga akong gawin kasi ayokong magkamali. badtrip. hindi totoo ang "i know not fear."
Monday, November 08, 2004
biyernes hanggang linggo, malate annual writers' workshop. ang natutunan ko: mali ako kung iisipin kong manunulat ako pero mas mali ako kung iisipin kong hindi ako manunulat. ang sarap malaman na mali ka. ang sarap malaman na kaya mong gumawa ng tama.
sa kabila naman ng pagkatha, masaya ako sa mga nakasama kong tao. yun lang.
bagsakan
mental block ang palusot ko sa nangyari kanina sa engecon quiz. pagkatapos ng quiz, hinintay ko sina odessa at reggie at cara atbp. sa paborito kong mesa sa may enggate. kailangan ko ng kasama sa pagkain ko.
sinamahan ako nina reggie, cara, at odessa sa mcdo. kinuwentuhan ako ni odessa tungkol sa crush niya. ito ang sinabi ko sa kanya dahil pinakilala siya ng crush niya sa gf niya: mahalagang magkakilala ang girlfriend at ang crush. i should know. hehe.
pauwi, sinundo ako ni yonni. hehe. astig marunong nang mag-drive si yonni.

Saturday, November 06, 2004
elevator
sumakay kaming dalawa ni lica sa elevator na hindi pa tapos gawin. may mga tao na sa loob. sumara ang pinto ang nagsimulang umakyat ang elevator. tumigil ito sa 2nd floor. bubukas na ang pinto nang biglang nagdilim.
binuksan ang pinto. hehe.
binuksan ang pinto. hehe.
Tuesday, November 02, 2004
kahit anong ligaya, may lungkot pa rin
ligaya:
isang "uy, thank you," at ngiti kapalit ng isang pulang rosas at "happy birthday".
request ni jhude.
mga papuri mula kay pb tungkol sa akda.
paghingi sa akin ng tulong ni odessa
lungkot:
kabiguang mahanap ang nawawalang id at atm card ni odessa.
pighati ni ray.
pera... ubos...
cemetre research...

Monday, November 01, 2004
1st of november and the weekend before
all saints' day ain't as...fun...as before. quite enjoyed boredom, though, at the loyola memorial park with ate and yonni.
the past weekend was funny though quite disappointing but funnier in that sense. (i really ain't sure. my mind's offset at the moment.) looking back on last saturday, i played badminton for the first time and lost, accompanied ray in a song (it might be you) at his cousins' (twins) debut, missed the beer, missed reiann's holloween party.
got depressed and said stuff to rose which helped a lot. fate was playful. sunday afternoon, i met the reason for my depression and felt it lost.
salamat rose.
bukas, kailangan kong maisip kung anong kulay ng rosas ang pipiliin.

Subscribe to:
Posts (Atom)