Friday, April 29, 2011

g69 summer outing 2011

packing up, and almost ready to go. primary objective, have fun.

Thursday, April 28, 2011

new light

mas maliwanag na ngayon sa kwarto ko. halos doble ang lakas ng ilaw. kung dati na sigurong ganito ang ilaw, mas maliwanag ang mga kuha kong retrato sa mga scale model at gitara ko. ewan ba. may pagkahumaling ako sa dim lighting dahil na rin sa aking migraine na madalas mangyari noong college. isa pa, ang pagtulog ko nang nakabukas ang ilaw. malamang ngayon, mas mapipilitan akong patayin ang ilaw bago matulog.

naaadik nga ako sa angry birds sa netbook ko at ngayon, dina-download ko na dito sa desktop. $4.99. pwede na.

nalutas ko na rin kagabi ang aking suliranin sa credit card. hindi marunong magbasa. credit pala, hindi ko pala kailangang bayaran. lumalabas, nadoble ko pa ang pondo ko sa account ko.

umuwi akong maaga-aga dahil hindi ko kaya sa trabaho. sabi ko nga, ang laki ng responsibility ko ay mas mataas sa level ng capability ko. nahihirapan ako at kinakabahan. kailangang mag-easy.

bumili ako ng siopao pauwi dahil sweldo kahapon at tila gutom ako. pero lagi naman akong gutom pag ganung oras. malamang mas maaga lang akong nagutom dahil chicken sandwich sa burger king lang ang kinain ko noong lunch kahit nakakabusog din naman iyon.

madali akong naengganyong kumain sa burger king (kahit ang kinahinatnan ay nag-takeout lang kam). ok din sa trip si ailene, large onion rings at maraming catsup.

isa siguro sa malaking pinroblema ko ngayong araw ay ang pera. sa totoo lang, may kawalan at kakulangan sa pag-asa sa paligid pagdating doon. matagal ko nang pinoproblema at hindi pa rin nalulutas. pero pag kausap ko si best, kahit may sarili akong problema, parang hindi ko masabi sa kanya. gusto kong ipakita sa kanya na hindi ako nawawalan ng pag-asa. at pati sa mga kalungkutan niya, hindi dapat mawala ang pag-asa ko na sasaya siya at sasaya rin ako balang araw. kapag nawala na ang pangangarap, mawawala na rin ang katuparan.

Wednesday, April 27, 2011

restart and repair

successfully fixed windows for the pentium d pc by installing the harddrives to this athlon ii x3 pc using disc wizard to restore an old backup.

with that done, this athlon ii x3 pc had some problems starting windows. restarts, settings, and the sign of the cross got it. amazing really.

Tuesday, April 26, 2011

paulit-ulit para masanay

kani-kanina lang, inulit-ulit ko ang salitang mais para hindi makalimutang kailangan kong ipasok sa ref ang mais pagbaba ko.

hindi ko nakain ang binili kong lunch dahil nagbayad ako sa metrobank para sa aking hsbc credit card. ang malungkot pa doon, late payment. hindi ko nagawa kahapon bago mag-12 ng tanghali.

hindi ako nakakain sa opisina dahil 1pm ang meeting sa shangri-la site. sakto, pagdating dun, on-time, mayroong may kaarawan at may pakain. kaya pala inusog nang 1 ang meeting.

umabot ng halos ika-6 na ng gabi ang meeting. mahaba pero hindi nakaka-stress. pauwi galing sa opisina, bumili muna ako ng 2 order ng takoyaki, kumain ng 2 isaw, at nag-uwi ng 2 tokneneng. pag-uwi, pinatikim ko kay mama at kay papa ang takoyaki. ayos lang daw.

mahina-hinahon ang araw na ito. salamat po. bukas, malamang level up ang challenges pero dapat, level up din ako. pero bukas na yun. sa ngayon, angry birds muna. haha. baka bukas o sa makalawa, bilhin ko. ok din yung 24hr trial period ng intel appup. napapagastos ako. credit card. $4.99? ok na siguro. haha.

Monday, April 25, 2011

alternatives

sinimulan ko halos ang araw kanina sa pag-eehersisyo. nakakapagod. masarap. sana epektibo. sumakto at nabasa ko sa yahoo ang ilang paraan ng paghubog ng katawan na tingin ko, kaya ko namang ipasok sa oras (at disiplina) ko. haha. kailangang magawa nang tama.

maraming problema ang ibang tao at kung gaano dinala ng Diyos ang problema ng tao noon, kahit kaunti sana, nais kong magaya iyon. pero mahirap. at sa totoo lang, kanina, iniisip ko kung gaano nga ba ako nakakatulong, kung tama ba ang paraan ko ng pagtulong, o kung may mas maganda bang paraan ng pagtulong. sana masagot na. mahirap ito.

magaang magulo ang trabaho ko. kinakabahan ako. hindi ako sigurado sa mga ginagawa at kailangan kong gawin. good luck. sabi nga namin ng best ko, kaya ito!

mayoon akong nabalitaang maganda, isang kaibigang natanggap sa gusto niyang kumpanya. napapaisip ako at napapatanong kung ano ba ang career path ko. ang sagot ko, hindi pa ako kuntento sa mga narating ko. hindi ko pa naaabot ang mga inaasahan ko sa sarili ko. darating din tayo dun. dapat. pansamantala, level up muna. parang sa nfs lang yan. haha.