Wednesday, January 18, 2006

ngayon

kanina, gumising, nagmadali. nagsimba.

kanina, inanyayahan sa isang laro bukas. masaya.

kanina, nabadtrip, napagod, walang napala. strc. thesis.

kanina, nanlibre, nabusog, inawitan. lica, vicky, jacq&gelo, jhude, sheila, patrick. masaya. medyo. badtrip lang talaga yang badtrip na yan.

pangkaraniwang araw na walang ginagawa pero may kailangang gawin. pero isa sa tatlong pinakamasaya sa taon ayon sa akin base sa buong nakaraan.

may mga bumati. nakapagpapangiti.

kanina, hapunan, masarap. mama, papa, ate at buds.

ngayon-ngayon lang, bamboo, light peace love. ok pala. salamat kay ate.

ngayon, na-c-cr, nilalamok. tulog na muna.

Saturday, December 24, 2005

day before

Christmas. maaga-aga ang Pasko sa amin ni Lica nang wala kaming nakuhang bagsak sa school. halos 1.0 at pinakamataas na ang 2.5 pero kaysa naman may kahit isang 0.0
 
may mga pinagdaanan akong mga bagay sa nakaraang taon na masasabi kong nakatulong sa pagiging mas mabuting tao. kahit tila mas maraming pagkakamali kaysa tama, ang mahalaga ay may natutunan.
 
hindi na nga ako mahilig magsulat. hindi ko na kayang magsiwalat. siguro ay dahil sa ngayon, tinitingnan ko ang nagdaang mga araw, linggo, buwan, sa isang kabuuan.
 
katatapos lang ng simbang gabi. ilang oras na lang, Pasko na. Maligayang Pasko sa mundo.

Tuesday, November 15, 2005

dulsi

mga major na pangyayari sa nakaraang mga linggo: bday ni lica at pag-upgrade sa testtype.

hindi pa rin tapos ang turning point sa buhay ko. magulo pa ang ikot ng mundo ko. nagsimula ang lahat sa paghahanda para sa kaarawan ni lica. kung kailan matatapos, hindi ko pa alam. malalaman ko na lang kung maayos na ang lahat, kapag wala nang problema, kapag masaya na ang buhay.

sa mabilisang salita at dahil umiiwas ako sa detalye, masaya ang kaarawan ni lica. ang mga sumunod na araw ay napuno ng tunggalian sa loob ko.


tungkol sa testtype, mukha ngang kendi ang windows xp. hindi ko na maalala kung kailan, nag-uwi si papa ng salvaged na 60x cdrom pamalit sa bulok nang 40x na nakakabit dito noon. dahil dito, nakapag-upgrade na ako sa windows xp.

bumagal nga ang pc pero at least hindi na kailangang patayin para umayos. nakakatuwa. gamay na gamay ko ang pag-ayos nitong testtype. kanina lang, napagana ko ang asus na videocard ko.


sa "buhay" sa harap ng pc at sa totoong buhay, medyo magulo. tsaka ko na lang siguro ikukwento sa blog ang mga pangyayari kapag maganda na ang mga kwento, kapag tama na ang pagpapaikot ko sa aking mundo, kapag nagiging kwento na nga ang buhay ko.


oo nga pala, napanood ko na ang ff7 advent children. baka sa susunod, gagawan ko ng entry. nagbabalik din ang aking hilig sa anime. sa eva at gundam. turning point nga. umiikot lang pero hindi talaga ikot kasi may nagbago na sa dating nadaanan.

Sunday, October 23, 2005

ang kasagutan

it's the crust. oo nga naman, hindi ko napapansin dahil nakakain ko na kaagad. may crust ang buko pie at egg pie. yung cassava cake, wala.

Thursday, October 20, 2005

pie at cake

matagal na itong tanong pero: bakit ang buko pie, pie pero ang cassava cake, cake?

masaya kanina ang assignment sa hydrology. magkasama kami ni lica, pumuntang namria sa binondo. nagtinging ng lumang mapa sa lumang library sa lumang building.

masakit ang likod ko lately. yung bag ko sigurong mabigat ang dahilan.