Sunday, June 05, 2011

upgrades complete

matapos ang mabilis na proseso ng pag-backup, reformat, at install ng windows, matagal na proseso ng pag-update hanggang sa makagawa ako ng “fresh install” backup. o.c. rin kasi, e. ang nagpahirap pa sa proseso, mainit. naglipat din ako ng files mula sa laptop ni mama papunta sa laptop ni papa.

ang hindi ko pa lang naayos ay yung setup ko sa email. inalis ko na ang pop3 account sa netbook pero hindi ko pa na-setup dito sa desktop. at hindi ko pa rin na-setup yung imap sa netbook. baka bukas na lang.

nakakaaliw din ang pag-carry over ng settings na tila napaghandaan ko naman nang tama. smooth lang.

malamig na ngayon sa kwarto ko dahil naka-aircon na. wala na rin masyadong activity sa pc dahil settled na. kulang na lang ay ang product key na ilalagay ko in 30 days.

feast of the ascension ngayon. sa totoo lang, ako mismo nag-down sa sarili ko sa nakaraang linggo. lagi na lang bumabagsak. sana magawa ko, sana sa loob ng anim na buwan siguro, masabi ko sa sarili ko, naiangat ko ang sarili ko palapit sa langit. at ang iba rin, silang mahahalaga sa akin. minsan, gaya ngayon, tingin ko nakakatulong naman ako sa pagbuhat ng mabigat na damdamin. sana hindi ako magsawa. at sana patungong langit din ang pag-angat na iyon.

Saturday, June 04, 2011

need for speed saturday

leveled up from 17 to 18 with free rented audi a1 clubsport quattro. wow. well, that�s done. I have to limit my gaming to an hour per day. I think I could have gamed more today but that would be just sad and could turn out bad.

I actually slept through the morning and didn�t spend most of the 24 hour rental time. I�m not sure about this estimate but I was online on nfs world last night for 2 hours, maybe another 2 in the afternoon and finally, 2 more hours tonight until the last minute of the �rental� after many team escapes, some lengthy and a lot of short pursuits, and a couple or three lost multiplayer races. I�m still at 69 wins with losses at 110 and counting. wow. I still think it�s a lot of time spent.

I woke up at around 12 since I wasn�t able to hold back on finishing the episodes that I copied from bianca (whose birthday is today). community is pretty ok. so much for watching an episode a day. I�m downloading big bang theory now. I hope I can limit that. I watched the pilot this afternoon.

on other techy stuff, my elm is not working well. I haven�t found a fix and lost P20 airtime load trying to troubleshoot. apparently, it�s a problem accessing secure websites or something. I guess I�ll be using snaptu for tweeting and opera seems to not be affected by the problem. still gotta fix this though. soon. but I�ll be patient.

outside my gaming (on my desktop), watching (on my netbook), and web connection problem solving (on my cellphone) which are rather lonely activities, my papa won a netbook today. it�s an asus 1015pem in matte black. hurray! awesome things about that, he won�t need to borrow my netbook when going to trips and my mother will have �full ownership� of the 14� acer.

techie day today. tomorrow, I�ll be reformatting my desktop and hopefully give more time for prayer and more physical activities. one thing, I need running shoes.

Friday, June 03, 2011

a1 ko ba

ewan ko. parang fail ang naiisip ko pag binabalikan ko ang araw sa office ngayon. at oo, hindi nga ako sanay makatanggap ng compliment. at medyo kinakabahan pa rin pag may higit pang nais sabihin bukod sa compliment. at tila masyado kong sineseryoso ang pagiging swabe kaya minsan, hindi nahihingi ang balak hingin. haha. player mode? ewan.

parang nung isang gabi lang, napansin namin ni venjo pareho yung audi a1 sa poster(?) sa audi sa fort. hindi nag-sink in sa akin na iyon nga pala yung libreng kotse ngayon sa nfs world. nangangatog ako ngayon pagkatapos ng isang successful evade sa hot pursuit kaya tinigil ko muna. medyo magastos nga ang hot pursuit (yung sa nfs world, hindi yung mismong game na hot pursuit na hindi ko pa nga pala uli nalalaro). magastos sa powerup. pati yung team escape kanina na muntik nang hindi ako umabot. nagpahinga rin ako pagkatapos dahil sa intensity. tila mapapalaro ako nang marami hanggang bukas para masulit yung 24 hour rental. sana makapag-level up man lang nang isa.

hindi ko pa rin alam kailan bagay gamitin ang nakuha kong 3-day rental ng r8 sa pagbili ko ng hot pursuit. sana masulit ko rin yun at maka-level up siguro nang tatlo. haha. freeloader. pero bakit ba? free to play naman, ah.

games. makapag-l4d nga uli sa mga darating na gabi. nabili ko na ang a4tech op-620d kahit mas mahal sa pinagbilhan ko nang 80pesos kumpara sa pc express. mukhang sa sunday ko gagawin ang reformat. tila marami akong oras sa harap ng pc ngayong weekend. dapat makahanap ng oras at sipag sa exercise at kanta.

medyo sad na gaming ang binoblog ko ngayon, pero kaysa naman trabaho. hahaha. kailangang maging fruitful weekend at kailangang gumimik next friday.

Thursday, June 02, 2011

start bad, end well

kahapon yata noong hinirit ito ni tristan. may sense nga naman.

bukas, patapos na ang work week. dapat tapusin nang mahusay. itong araw rin na ito, medyo hindi maganda ang simula. late pa sa pagpasok. pag-uwi, inasistihan ko si arianne sa pagpunta niya para makipagkita sa mga kaibigan para sa lakwatsa nila. pagkatapos, matagal ako sa waltermart, kumain ng shawarma, namili sa robinson�s, sa handyman, at sa cdrking.

halos dalawang oras din ako sa waltermart. napaabot ko ng at least 2,000 pesos ang pinamili ko sa robinson�s. medyo off lang kasi 2,400+ lahat at 400 lang ang isa. ayos lang. kailangan ko rin naman yung pantalon at maganda naman ang mahal na polo.

nakabili na rin ako sa wakas ng bumbilya para sa dining room. nakakaaliw ang spiral na cfl. mas maliwanag na. mukhang kasya pa rin naman yata kahit hindi spiral yung cfl pero ok na rin. ayos pa pala, 169 ang isang bumbilya. isa pang nabili ko sa wakas ay ang adaptor na may switch para sa laptop ni papa.

last stop bago umuwi, cdrking. bumili ako ng ps/2 to usb adaptor para gamitin sa lumang laptop sa office at tama ang sabi ni kuya marlon, 50 pesos lang. parang ok sana kung yun na lang binili ko dati para sa netbook pero ok na rin na usb keyboard ang mga binili ko noon.

pag-uwi, kain, kwento, dasal, aircon, internet. nakakainip ngang mag-weekend pero may isa pang araw para matapos nang maganda ang work week.

half jog

I think that was an ok jog/walk coming from an inactive daily routine. as per step counter, I did 10,000 more than my daily average of around 4,000. that�s the daily target in a bit more than 2 hours. I need to improve my pace, and stamina, though. and schedule my meals and prayers. I have yet to have dinner.

I got through that jog pretty well. that could count as a success for my cause. I hope my best will be back on track to being well. yosh. I need to go running not just for the milo marathon. gotta run for fun.