Tuesday, January 18, 2005

nag-post ako sa angprosa pero hindi prosa. tila iibahin ko ang title nun.

happy day

mahaba-habang post ito.

nagsing ako sa kanta ng nanay ko. maaga akong nagising para magsimba. maginaw. malamig ang enero. maginaw talaga. halos hindi ko makayanan. nanibago ako. hindi ako madaling ginawin noon.

pumasok ako pagkakain ng agahan. sa buendia, habang naghihintay ng jeep, nainip ako at gininaw kaya naglakad na ako papuntang school. wala pang tao sa booth kaya umakyat muna ako sa office kung saan naghahanda sina carlos, nopc, jo, at aleck para sa booth, at nagbasa ako ng article para sa rels pero ang boring ng article kasi hindi ko ako nagagalaw ng language na ginamit.

nagtrip kami sa booth nina reggie. ang paborito ko ay ito:

i will love you endlessly joy sia
singh

pumasok na ako kaso wala si mr pavlovic. dumating si lica at may inabot sa aking paperbag na ang laman ay sketch ng gradpic ko na naka-frame sa mga popsicle stick. gawa niya. lost for words.

nag-signup kami para sa leap. pagkatapos ng mahigit isang oras, napagkasunduan na soccer ang papasukan namin.

nilibre ko sina lica, sheila at patrick sa pizza hut tapos pumasok na kami sa struct2. medyo badtrip ang resulta ng diagnostic test (kasi medio ang score). patalo talaga. napagpalit ko ang dalawang values. tama naman ang lahat ng ginawa ko pero iyon pala ang dahilan kung bakit mukhang ewan ang moment diagram ko.

sa discussion, tinawag ako sa recitation at hindi ko nasagot ang tanong. (pinagawa ako ng fbd na isang equation lang ang gagamitin para makuha ang...shet...nakalimutan ko ang tawag...basta, required force.) sa sumunod na example, bumawi ako. nagtaas pa ako ng kamay. bibo. hehe. sabi ko kay wang, ma-pride akong tao, e. later example, syempre, mas mahirap. (o mas trickky. hindi naman mahirap, e.) walang gustong sumagot. tinuro ko kay lica kung paano. nagtaas ako ng kamay tapos nagturuan nang tumingin si sir, nagturuan kami. hehe. sya ang pinapunta sa board. syempre, hanga silang lahat sa girlfriend ko.


salungat sa trip ko, maraming may alam na bday ko ngayon, lalo na sa sca. ang daming nag-text. hindi ko inasahan. oh well. masayang mabati. nakakatuwa ring isipin na medyo maraming beses din akong binati habang naglalakad kami ni lica.


bago umuwi, nagpasama sa akin si lica sa red ribbon. i expected something pero nakalimutan ko. marahil ay dahil dumaan muna kami sa booth at nandun si arun--maraming katatawanan. dumaan nga pala kami sa booth kasi kinailangan kong kausapin kahit sino tungkol sa spo cup games na tinext sa akin ni ck nang madaling araw. (sa kasalukuyan, hindi ko alam kung anong nangyari.)

dumaan kami sa red ribbon, pinaghintay niya ako sa bench tapos pagdating niya, "happy birthday," habang inaabot sa akin ang isang box ng cake. chocolate mousse. paborito ko.

dahil dun, hindi na ako naglaro at ayoko namang maglaro. umuwi na ako at tinext ang mga tao na hindi ako makakarating.

dito sa bahay, lahat ng tao ay naaliw sa drawing sa akin at sa cake (syempre) at sa nagregalo.


ang saya ng araw na ito. babalikan ko ito bilang isa sa pinakamasayang araw sa taon. tama nga ako sa sinabi ko noon sa kamag-anak ko. may tatlong pinakamasayang araw sa taon at ang kaarawan ko ang isa doon.

(darn. hindi pala happy ending. pero umaasa pa rin ako.) may na-miss lang ako. ang daming may alam na bday ko ngayon, kahit sina bogs, kahit sila sa malate. pero dati, isa lang sa malate ang alam kong nakakaalam ng bday ko...at na-miss ko siya. tapos oo nga pala, may galit pa ako sa kanya. sana humupa na. wow, may birthday wish ako. wow, may wish ako. wish granter ako para sa iba. sino kaya ang wish granter ko?

Monday, January 17, 2005

reformat

galit pa rin ako sa kanya. bale may ibang paraan na ako para manatili siya sa puso at isip ko. (ilalagay ko rin ang next sentence sa zorpia ko. astig kasi, e. hehe.) sa pagtanim ng galit, kasama pati alaala.

kinakabahan ako pag ginagamit ko ang testtype. parang masisira. medyo ang tagal na nitong pc kahit na medyo well maintained. flashback lang. dalawang 20gb hd na ang nasira dito; mula sa s3trio3d/2x hanggang sa s3savage4, naka-asus v3800m nvdia tnt2 m64 na ito; ilang 200watt at power supply na ang bumigay (tatlo yata) kaya naka-350watt (yata) atx; (on periferals) napalitan na ang dating serial mouse na may third button sa gilid; na-scrap na ang dating epson printer na hindi ko na maalala ang model.

antagal na nitong testtype. kung madali lang ang pera, naka-2.2 GHz P4 na ako, 256mb ram, ati radeon 9...something...something, cdrw / dvd-rom, 80 gb seagate barracuda, flatscreen lcd monitor, optical wireless mouse, hp 3 in 1, altec lansing speakers, logitech wingman, windows xp home na orig, bluetooth, infrared, webcam, mic, 56k modem na gaya ng sa testtype (conexant msp3880..o aztec ba yun?), creative sound blaster sound card, astig na casing at keyboard pero hindi black, at ide cables na pabilog. teka, hindi ko na-specify yung board. basta, kung ano man ang pwede yung above at syempre, agp 8x capable. syempre may floppy drive yan at isa pang hd na 10 gb siguro. kung nagtataka ka nga pala kung bakit 2.2Ghz at 256mb ram lang, iyon ay dahil ang hypothetical statement ay sa hypothetical past. pero mahal ko itong testtype. patatagalin ko pa ito.

years from now, buhay pa rin itong now almost 5-yr old pc. p3 600E MHz sa zx98-at na tomato motherboard (may tomato motherboards pa ba ngayon?), 128 sdram, 32mb asus v3800m tnt2 m64, als4000 16bit soundcard, aztec/conexant 56k internal modem, 20gb hd, 4gb hd, generic floppy disk drive, 350watt atx power supply, at-mini tower casing, likom 15" monitor, violet win98 keyboard, standard a4tech two button ps/2 mouse, hp deskjet 3550. yung cd rom, ewan ko lang. hehe. oo nga pala, violet ang keyboard ko pero hindi yung bading na violet. yung dark na violet kaya rin tinawag kong testtype ang pc na ito.

matagal na nung huli akong nag-reformat. sana hindi ko kailanganin. nung huling sira, pinag-isipan ko pero hindi na ako sanay mag-reformat. teka, nakaka-dalawang reformat pa lang ata itong hd na ito. sana hanggang dalawa lang.

on the other had, 11:05 na pala. sabog na ang sleeping and waking habits ko. sana ang buhay ay parang harddisk na kapag sobra na ang problema sa system, pwede mong i-reformat. hindi lang sleeping and waking habits ang sabog sa akin. pati thinking, dreaming, writing. sana, ma-reformat ko ang buhay ko. bukas, another turning point. malapit na. una sa tatlong pinakamasayang araw sa isang taon. sana nga.

neat freak

gising pa ako dahil natulog ako nang hapon at medyo matagal din ang pagtulog ko. naisip ko na kaya pala ako natulog ay dahil badtrip ako sa isang kaibigan. totoo na ito. (sinabi ko kasi dati sa sarili ko na badtrip ako sa kanya pero lumaon din. ngayon, kung mag-uusap man kami, di na ako magsisimula; kung magkikita kami, hindi na ako ang maghahanap.)

anyways, para akong may sakit. inayos ko kagabi ang mga gamit ko para sa klase mamaya. what's happening with the the world?!

susubukan ko nang bawasan ang katamaran at mas pairalin (pero konti lang kasi nakakatakot) ang aking inner perfectionist. malapit na ang kaarawan ko. resolution ko siguro ito. it's final then--di ko siya kakausapin, hahanapin. sorry. kapag nasaktan ka talaga, masakit. (wow, words of wisdom.)

Saturday, January 15, 2005

this is...mortifying

pero bago iyon, may basag sa salamin ng relo ko. sa bandang 6, sa loob. maayos pa ang surface kaya nagtataka at naaaliw ako sa basag.

ito...

nabuhay ako sa katangahan! grade six yata ako o highschool na nang palitan ang mga coins ng bangko sentral ng pilipinas (aka boy scouts of the philippines). hanggang kanina, ang paniniwala ko ay 5sentimo ang pinakamaliit na denomination. pero hindi pala! may isang sentimo pala! bakit?! bakit ngayon ko lang nalaman?! bakit ngayon lang ako nakakita, nakahawak ng isang sentimo?!