Hindi madaling baliktarin ang mga pangyayari para sabihing maganda ang simula ng Oktubre. Sa unang linggo ng buwan ko nalaman ang hindi pagkakaunawaan (na mukhang maayos-ayos naman na) dahil sa mahirap na proseso ng pagbenta ng lupa sa Balut at pagpapaalis sa mga nakatira doon. Noong linggong iyon din namin natuklasan—dahil sa instagram at twitter—ang problema ng unang mag-asawa sa aming barkada. Pero hindi naman puro problema at di pagkakaunawaan. Nakumpleto ko na rin ang naisip ko na dating eva rebuild collection sa pagdating ng inorder kong revoltech eva-02. Nakapag-ramen din kami ni mhae sa aligato at nakakain ng puto bungbong pagkakanta sa misa. Nagsara ang unang linggo (bale sa pangalawang Linggo) ng buwan sa birthday party ni Rori na masaya’t mabigat dahil sa matagal na ring hindi pagkikita-kita ng barkada.
Naka-ilang Grabcar transaction din ako dahil sa G70 meeting nina mhae at ang aking pagsundo sa kanya. Medyo nasusulit ko ang mga libreng data allocation sa globe. Natuwa rin ako kahit papaano na makita ang kakaiba nang bgc sa nakasanayan ko lima hanggang sampung taon nang nakalilipas. Sa harap naman ng computer, may mga bagong season na ang mga DC tv show at big bang theory, pero hindi ko pa natuloy-tuloy pagkatapos ng kani-kanilang mga ep.2 (maliban sa big bang theory). Lumabas kami ni mhae nang sabado para bilhin ang matagal-tagal ko na ring pinag-isipang midnight blue na coat. Naudlot yung pagbili namin noong nakaraang weekend. Per yun nga, nakabili na rin sa landmark (kasi hassle sa sm makati) ng coat, pasadong compromise na pantalon (na hindi rin masyadon maapansin kaya panalo na rin) at bagong necktie. Napansin ni mhae na matagal din kaming hindi nakalakwatsa nang ganun at natuwa naman siya’t nagawa namin uli. Isang bonus na hindi madalas mangyari, may medyo tinulungan siyang turista sa jeep habang papunta kaming mcdo mcs para sa mcspicy at twister fries. Nakita nga pala namin sa mcs noon si kuya toyet/alex cardinal. Cameo. Hehe. Pagdating ng Linggo, sa wakas, nakakuha ako ng gusto kong kuha ng altar sa SIP pagkatapos naming kumanta nang Linggong iyon. Nakahanap na rin ako ng bagong barbero (pabs, malapit kina mhae) na nakuha ang gupit sa akin ng yumaong si mang isko. Isa palang update sa pagpapabakod, ayun, mukhang makakapag-budget naman para doon ayon sa unang estimate ni dara (hindi pa nagbigay si mig). Pero napagpasyahan kong sa enero na simulan para hindi maudlot ang trabaho.
Jeepney strike ang balita sa pagpasok ng linggo at naapektuhan ako nang bahagya. Nakatulong ang pagpapasakay ng isang adventure ata sa evangelista pero doon ata ako nagsimulang sipunin, o sa paglalakad pauwi galing kina mhae. Pag-uwi noon at noong miyerkules, inayos ni mama ko ang mga laylayan ng mga pantalon ko para sa mga event nang Martes at Biyernes. Ok naman sa akin ang una kong pagsama sa clients’ night sa okada, pero hindi talaga para sa akin ang ganung mga sosyalan. O at least hindi pa ako sanay. Medyo nasasanay naman ako sa grabcar at malaking tulong iyon sa aking pag-uwi nang naparami ang inom. Sa ginta ng linggo at dahil sa pakikihalubilo kay Ar. Pantangco noong clients’ night, sinama ako sa meeting sa Alex III, morato, para sa isang bagong project. Nakilala ko rin doon si Engr. Flordeliza na tatlong kanto lang pala ang opisina/bahay(?) mula dito sa amin. Pagdating naman ng employees’ night, medyo mas naenjoy ko naman pero hindi tulad noong bago ako. Malamang dahil hindi na ako ang bida, pero natutunan ko noon na pwede pa rin namang matuwa kahit hindi ka bida. At ayun, 10-year recognition at mga trophy sa chess atbp. Pinaka-panalo siguro ang makita ko si kuya jun doon sa event na bumalik noong linggong iyon matapos ang ilang linggo ring pagkawala sa opisina. Masaya naman akong dumaan kina mhae pagkatapos ng event bago mag-cinderella time dahil hindi pwedeng hindi ko mapakita sa kanya ang formal look ko noon. Ang mismong Sabado naman ay nilaan sa pagpapahinga dahil sa delayed effect ata ng decolgen forte ng mga nagdaang araw. Buti, nahatid ko pa si mhae sa school sa huling araw ng pasok niya. Pagdating ng Linggo, ang tambay time pagka-almusal pagkakanta nang 6:30 ay nalaan sa paggawa ni mhae ng mahabang final requirement sa law subject nila. Nakakaaliw ang galing at sipag niya. Hindi ko maalala at alam kong hindi ako ganun kasipag at kagaling noong ako ang nag-aaral. Ang sayang lang sa mga nagdaang araw ay ang patuloy na pagkaudlot ng bbq Saberday.
Biglaang napa-present ako sa mwci para sa lamesa improvement proposal namin kasama ang royal haskoning. Hindi ko alam gaano ako kasaya sa project na ito at sa pagtatrabaho uli sa isang mwci project, pero at least positibo naman ang pakiramdam. Nairaos naman nina mama ang living rosary noong ika-24 at masaya naman akong nakibahagi kami ni mhae kahit papaano doon. Sembreak na nina mhae at sa hindi ko inaasahang mga pangyayari, palabas na ang Thor 3. Tulad ng madalas, sinamantala namin ang kawalan ng assignment at ang kakontian ng tao sa waltermart. Na-availe din namin ang promo pala ng pancake house na 2 for 390 na sulit sa sarap at busog… kahit nakapag-popcorn pa rin kami sa panonood ng sine. Nagkaroon ako ng bagong tungkulin (na hindi ko pa nagagawa) sa Simbahan sa pag-take ng minutes para sa Formation Team sa pamumuno ni Fr. Alex. Mukha namang on-track kami dahil sa kanya pati sa LitCom ng SIP. Bago matapos ang buwan, napagpasiyahan ni mhae na pagpuntang bicol para pagbigyan ang request ng mga magulang niya at para masa maka-relax. Syempre, parehas kaming medyo malungkot pero alam naman naming hindi naman iyon magiging problema. Noong sabado, sinamahan ko si mhae sa pagbayad ng tuition. Pinagpa-bukas muna namin ang star wars time (Ep.6 na, nakapag-Ep.3 kami 2 linggo bago nito) pagkatapos ng Sunday birthday lunch nina Tita Chato at Ate Ge sa Alex III, greenhills. Nagkaproplema ang PC ko sa volsnap.sys pero naayos ko naman din kinabukasan. Nakatulong siguro yung shakeys promo cramming lunch namin. Kagabi, matapos kong mag-halfday at iwang nag-u-update ang pc ko, hinatid ko sa bus terminal si mhae at napaluha bago matulog pag-uwi. Salamat sa Diyos at maayos naman siyang nakarating sa kanila sa bicol kanina, kahit late umalis ang bus kagabi, lumipat ng bus kanina, natagalan sa biyahe, at umuulan pa doon. Ngayong holiday, nakaka-flashback ako nang medyo ok dahil din sa medyo nagawan ko ng ko ng paraan sa notepad ang hindi ko nagawang excel log. Hindi ko na natuloy ang pag-assemble sana sa MG DS pero tsaka na yun. Sana masulit ko ang robinson’s rewards card mamaya sa handyman. Oo nga pala, ngayong darating na buwan, may mga planong kailangang matuloy.
No comments:
Post a Comment