Marahil wala ako sa focus nting Disyembre dahil sa napipintong pagtatapos ng taon at ang pangangailangang magawa ang ilang bagay, o kahit isang mahalagang bagay lang, bago ang patatapos na ito. Malumanay at masaya naman ang simula ng buwan sa S&R Pizza at pagsisimula ng panahon ng Adbyento sa Simbahan. Medyo naayos na ang mga kakantahin at hihintayin na lang ang hectic na Simbang Gabi na nakakakaba rin—baka hindi magising sa oras o baka magkalat sa pagkanta.
Pagsapit ng ikalawang linggo ng buwan, Sabado, isinagawa sa SIP ang Parish Christmas Party at mini concert ng Music Min. Pwede nang compromise pero sana mas nakita ito nang mas maganda. Minarapat kong maghapunan na lang kina Mhae noon kasi hindi ako at-home sa crowd, o baka pagod lang talaga. At ito na, fast forward sa Miyerkules, naisipan kong tawagan na ang binigay ni Yaluts na contact para sa singsing. Maayos ang pag-uusap namin at palitan ng email at text. Pero syempre, kabado pa rin kahit papaano. Break muna sa main event, pagkatapos ng ilang hapong pagpractice ng DCCD choir, nag-Misa na ng Christmas Thanksgiving sa chapel sa likod ng SJB church. Bagong strings sa gitara, ngayon lang ako kinalyo sa buong buhay ko ng pagtugtog. Buffet 101 and lunch ng SEMP, at kinagabihan, SEMP Christmas party naman hanggang alas-dose. Hindi nanalo sa raffle pero naka-100 naman sa videoke kahit hindi una, at nakatugtog rin kahit papaano sa SEMP Band 2017 edition.
Loaded ang ika-17 para sa amin ni Mhae, mula sa pagkanta sa Simbang Gabi nang madaling-araw, deretso sa Lingguhang pagkanta nang 6:30am, nagpunta (muntik ma-late pero umabot sa awa ng Diyos) sa SM North para sa Star Wars pagkapahinga’t tanghalian, tapos Buffet 101 dinner naman para sa bday celebration ni Yonni at Kuya Joemer. Hatak siguro ng stress at kaba ang tampuha kasi may maliit na tampuhan kami noon papuntang SM North, at isa noong dumating na Miyerkules pagkatapos ipatingin yung samsung na laptop. Kung anuman, Huwebes, nakuha ko na sa contact yung singsing. Mukhang maluwag pero ipapaayos na lang sa January. Walang pagsisinungaling sa lahat ng text at kwento, kahit may mga konting kulang na detalye. Konting pilitan para itago ang kaba, niyaya ko si Mhaelord mag-Amici kinabukasan. Humingi na rin ako ng tulong sa mga kabarkada sa pagkuha ng video. Nakapagpa-reserve na rin ako sa Amici pagkatapos ng lunch meeting. Biyernes ko binurn sa lumang stock na CDR kasabay pa ng acer laptop ni papa/mama at nag-undertime para dalhin yun sa Amici. Medyo matagal bago nakarating ang tropa at medyo masama ang pakiramdam ni Mhae. Buti bumuti na ang pakiramdam at bati na kami. Sinundo ko si Mhae sa Waltermart at bumalik na sa Amici. Nag-abang si jeff sa parking habang nililibang si Mhae ni Rori. Nagsimula nang tumugtog yung music at tinawagan ko na si Jeff. Medyo napabilis pero ayos lang. Nag-video na si Dogi pagkaabot ni Jeff ng singsing sakin, libang pa rin si Mhae kay Rori. Kalabit. Luhod. Tanong. Oo. Palakpakan pati yung mga nag-Chi-Christmas party. Tapos dumating si Kevin, ang late na photographer. Ayos lang. Masaya ang dinner. Dumaan kaming dalawa dito sa bahay pagkatapos para maipakita kina mama at papa ang aking mapapangasawa.
Kinabukasan pagkatapos ng engagement, isa ring dahilan kung bakit noon ginawa, papunta sina Mhae nang bicol para doon mag-Pasko at bagong taon. Last-minute shopping kami, unang lakwatsa sa mall bilang engaged couple. Marami-raming pinamili para sa bicol at para dito sa bahay at ilang para sa akin. Medyo efficient ang aming shopping time, nakadaan pa kaming Amici para ipagpalit ang CD na mali ang naibigay noong nakaraang gabi. Pagkababa sa bahay ng ilang gamit, nag-ayos na sila sa apartment para lumakad. Nag-grab kami pa-bus terminal para hindi masyadong hassle at ayun, nagtungo na silang Bicol. Medyo matagal ang biyahe at ako naman ay nakarami ng tulog at tambay pagkatapos ng una sa tatlong solong pagkanta. Ika-69 na monthsary nga pala naming ngayong buwan. Medyo nasakto ang engagement. At ayun, tila masaya naman ang papancit at mga aktibidades nila doon, kahit inuubo at napagod sa nagdaang byahe. Medyo simpleng kainan lang din ang Pasko ng mga Calimon sa Mey Lin. Chillax lang ang bakasyon kinabukasan at may mga katiting na trabaho sa opisina. Nag-undertime ako dalawang beses, una para papalitan yung radyo ni mama na sira yung function button, at pangalawa, para ubusin ang mga sodexo na nakay mama. May isa pang natititra dito sa akin, yung bigay ni Mhae para ipang-mcdo ko. Gagamitin ko mamaya sa iced mocha kahit inuubo ako. Kahit papaano, nalampasan namin nina Froi ang madugong paghahanda para sa huling Misa ng taon. Maya-maya, maghahanda na si mama at si papa (sana makatulong ako) para sa bagong taon. Ako, mukhang huling ilang araw na ng todong pag-tambay, at ang papasok na unang mga buwan ng taon ay maiuukol sa mas matinding paghahanda na pinaghandaan hanggang ngayong taong ito. Kaya ito. Kayang-kaya.+