Saturday, April 30, 2016

Start with 143, Close with LP640

Nagsimula ang buwan sa opisina sa eureka moment sa tulong ng dunkin donuts. Umuusad nang maigi ang NLA Workshop namin ni chammy sa tulong nina nappy, tristan, pati na rin ni eldrich at carl. Lumalaki ang mga meeting sa MegaWorld projects at nalalapit na ang malupitang finalization ng design at mga drawing. Sa TV5, ayun, naaksidente ako papunta sa isang meeting. Salamat naman at minor lang ang injuries ko kahit na kinailangang umabsent kinabukasan at umika-ika nang ilang araw. Nakuha ko rin ang gusto ko sa meeting kaya sulit na rin ang pagtuloy ko sa site matapos ang aksidente. Sana, ngayong tatlong linggo na halos ang nakalilipas, ok naman si manong driver ng taxi at ang kanyang pamilya. Mabait na driver ang matanda at nakalulungkot na naaksidente kami. Naghilom na ang mga sugat, at kanina, naalis na ang langib sa sugat ko sa kaliwang tuhod. Hindi ako sumama sa outing kaya wala masyado tungkol doon. Naaliw ako at nagamit ko naman ang pagkakataon para mag-software upgrade sa ilang PC.

Sa mga relaxed na panahon, nakapanood kami ni mhae ng Dawn of Justice noong unang linggo ng buwan. Marami rin kaming tambay time ni mhae sa kanila dahil umuwi sa bikol ang mga kapatid niya. Ayun, nag-delivery boy uli ako nang ilang beses. Ang mga linggo naman nang umaga at tanghali ay nabigay namin sa pagkanta (may isa lang siyang absent pero kumanta naman kami nung anticipated street Mass). Sa mga weekend pagkatapos naming manood ng Dawn of Justice, pinanood namin ang Man of Steel para masagot ang ilan niyang tanong at The First Avenger bilang paghahanda sa Civil War. Isang Tuesday, pagkatapos ng lakad (literal) para sa pagproseso ng pagpapalit sa nawalang (nasunog kasama ng basurang ) atm card niya sa chinabank paseo de roxas, nanood na rin kami ng Winter’s War sa greenbelt.

Dito naman sa bahay, chill. Napapa-aircon nang madalas at natutuwa sa fun times kasama sina mama at papa at sa padalaw-dalaw ni ate.

Balik sa pagkanta, mukhang magsasara ang isang bahagi ng aming buhay pagkanta. Pero magbubukas ang panibagong mas maliwanag. Tsaka na ang detalye.

Nakuha ko kanina sa wakas ang Starmobile na phone na hindi na nagawa. para hindi sayang ang lakad, nagawi ako sa Megamall at nabili sa wakas ang matagal nang hinahanap na Maisto 1:24 Lamborghini MurciƩlago LP640 (orange).

Ayun.

No comments: