Thursday, December 31, 2015

Mabilisang Pagsara sa 2015

Sa pagsasara ng 2015, alam kong maraming hindi natapos ngunit maraming dapat ipagpasalamat.
Mabilisan itong post na ito.
Ang pinakamalaking dapat ipagpasalamat ay ang mabuting kalagayan ni papa. Hindi pa tapos ang laban pero malaking bagay na naagapan ang pulmunya. Itong papasok na taon, itutuloy na ang angiogram at may awa ang Diyos, bubuti na nang todo ang kalusugan niya. Syempre, dagdag ingat pa rin.
Bago matapos ang taon, napa-relax sa mga project sa opisina pero hindi nangangahulugang hindi na uli hihirap ang trabaho. Pahinga lang konti, tapos sabak na uli.
Sa aking pagkanta sa Misa tuwing Linggo, nagpapasalamat ako sa aking narating kasama ang dalawa kong choir. Syempre, andun ang saya na makasama si Mhaelord sa pagkanta tuwing Linggo nang umaga.
Sa mga lakwatsa, ang pagnood ng pelikula na ata ang pinakamadali at pinakamadalas naming nagagawa. Panalo itong taon na ito sa ganda ng mga pelikula lalo na ang huli naming napanood ngayong taong ito, ang Episode VII.

Nakarami ako ng tulog nitong buwang ito. Oo, nakapahinga, ngunit marami pa ring hindi nagawa. Tatlo na rito ang makapangumpisal, mag-ayos ng kwarto, at makapagpapalit ng lumang pera. Tila mabilis ngang magsasara ang 2015 pero parang ang uso sa mga pelikula, hindi ito magsasara na ito lang. tama nga naman, tuloy-tuloy itong mga kailangang gawin hanggang matapos nang maganda at mapaganda pa lalo ang mga bagong darating na gawain.

No comments: