at tila humupa ang ulan sa labas. ngayon na lang ata uli ako nagising nang ganitong oras. kadalasan mga 6am o halos 9am na. mahaba man o maigsi ang tulog ko sa mga nagdaang apat na buwan, masarap ang mga ito dahil sa pang-araw-araw na natupad na panaginip.
6months and 9days na ako ngayons a St. Mary’s Choir. maraming dapat ipagpasalamat na dulot na rin ng pagsali ko doon. nagbago na ang buhay ko.
nagugutom ako. kakain ako ng lugaw maya-maya. pero balak kong ma-consolidate ang phonebook ko ngayon. ah, anim na buwan na rin halos ang xperia ko. at napa-repair siya bago mag-anim na buwan, pagkatapos ng huling hulog sa hsbc. haha. sulit? medyo bagong phone na rin kasi pinalitan ng motherboard. medyo mamimiss ko naman ang myphone ko na pinalitan ko na rin ng nokia c2-00. sa unang pagkakataon, tila magkakaroon ako ng synced na phonebook sa pagitan ng dalawang cellphone. ito na bale ang pangatlong 2-phone setup ko mula nung binili ko ang sony ericsson k300 noon.
sayang, wala yung xperia ko noong nakaraang linggo, mas malinaw sana ang pics noong 3-day celebration. nakuha ko noong araw pagkatapos, noong biyernes, at salamat sa halfday, extended celebration. naging 4-day celebration ang 4th month. ang saya.
limang taon na ako sa kumpanya at 55 years na ang dccd. at iba na ang pakiramdam ko doon. mas may detachment na sa mga tao. marahil dahil wala na ako sa estado ng buhay ko na gusto kong gumimik at sumayaw. well, ayoko naman talagang sumayaw.
hindi ko maalala ang huling tinola jam. pero malamang next week meron. kfc jam, sana mabalik pa. tingin ko, hindi naman mawawala yun. ngayon, mas may outlet at impluwensya ako sa musika. pag bumalik na kami sa mga jam session, sana iba at mas magandang tugtugan na. masarap din balikan at mas pagandahin ang nagparamdam sa akin ng saya at lungkot ng pagtugtog sa stage.
sa loob ng ilang oras, papasok na uli ako. sana ligtas ang mga tao. malakas ang bagyo. wala nang pasok sa mga school, e. tila maunos sa metro manila. at tila tapos na ang unos sa buhay ko. nagkaroon nga pala. salamat at nalampasan. kung may darating, salamat sa lakas na angkin at syempre, sa biyaya at pag-asang hatid.+
No comments:
Post a Comment