Saturday, April 14, 2012

driving session 15-16

unang sabado pagkatapos ng bakasyon. kung ganito ang mga darating na sabado, ayos na ayos sa akin. makakagalaw naman. basta, hindi trabaho ang gagawin nang sabado, walang problema.

baka gawin kong huling sabado na ng driving lessons sa susunod. tutal, sa greenbelt na rin ang start point nun, kunin ko na rin sa linggo ang huling dalawang oras. patalo moment of the day, pagkatapos ng driving session ko, closing time na ng arnaiz branch ng a1 driving school, at bukas, magsasara na sila. kaya sa greenbelt na ang huling apat na oras ko sa a1.

nag-panalo meal ako kaninang lunch kasama ang aking pinakamamahal. para dinner, nagdala ako ng pagkain mula dito sa bahay. umuwi pagkakain. tama nga naman si mama, umuwi agad pagkakain.

tingin ko, kaya naman, kayang maging maganda at maayos ang mga bagay-bagay sa buhay ko. sigurado naman palang kaya. hindi naman ibibigay ng Diyos kung hindi kaya. ang ibig ko palang sabihin, mas madali sa inakala ko noon. +

No comments: