Friday, February 11, 2011

anti-rsi

bumili ako ng keyboard. oh yeah. naging nettop na ang netbook ko. kaso kailangan ko pa rin pala ng mas magandang mouse. hindi pa ako nakabili. kuripot, e. namahalan sa inalok sa akin. at hindi kasi a4tech. brand affinity. hehe.

ang hirap sa office, stressed mga tao. panic mode. hindi matinong mag-isip. medyo comforting na hindi lang ako ang nababadtrip. pero nasa kamay ko pa rin daw ang kinabukasan ng marami. maliit kamay ko at payat ang mga daliri. mahina-hina rin ang grip. (parang hindi bassist, ah. haha.) baka mabitawan ko ang mga hawak ko. sana hindi.

parang andami kong kinain ngayong araw na ito. nung lunch, dahil naiwang mag-isa sa team, nakasama ko uli sina dian at venus atbp na kumain sa labas. bagong diskubreng kainan sa may king�s court. mura at maraming kanin. palingon-lingon ako, baka makita ko si ate mia. pagdating ng mga kasama ko sa team, may dalang tirang fries at pizza mula sa shakey�s. syempre, hindi lang ako ang umubos. nagpakain din sina al at caren at mga M.E. wow, surprise. ngayong gabi, naghanda si tita. konti daw yung pero nabusog ako.

kabado ako sa maraming bagay na dapat gawin. may sobrang pending akong commitment sa labas ng office. hassle na trabaho sa office, sagabal sa trabaho na hindi sa office. haha. yung operasyon naman namin ni olai kanina, medyo nabibitin ako. sana yung ibang operatives sa misyong yun, maganda ang progress.

sarap mag-type. dapat magawa ko ring ganito ka-convenient ang buhay para ready na sa mga susunod na pagsubok.

No comments: