Friday, July 25, 2008

digital getbacker

panalo yung GetDataBack na program. good as worthless lahat ng sinabi ni domeng tungkol sa file security. di ko in-expect na ngayon ako mamalasin sa partition operation gamit ang partition magic. medyo delikado pala ang merge o baka nagkataon lang. di ma-access yung mga file sa "merge folder."

buti nakahanap kaagad ako ng solusyon gamit ang yahoo search at ang torrentz search. hehe.

ayun, nung na-access ko na. kinopya ko na lang yung laman ng dating Z Drive sa bagong Z Drive. di ko pa rin ma-delete. siguro nakuha sa defrag, nabura ko na halos lahat. dalawang file na lang ang di mabura ngayon:

"Z\jomic\My Pictures\psd\Lica scans.psd"
"z\pebuilder3110a\BartPE\I386\SETUPLDR.bin"

interesting. nasa folder x na sila, naghihintay mabura.

medyo matagal pala yung acronis backup. iba-backup ko sana yung drive minus inaccessible folders, re-reformat yung partition, at ibabalik. buti medyo gumana na yung pagbura pagka-defrag. pero medyo lang.

aliw. kakasabi pa naman sa akin ni adette kagabi, bago ko malamang corrupted yung files, na "hindi talaga nabubura yung files. inaalis lang yung pointers."

yebah. medyo mas malapit na ako sa pagiging digital retrieval specialist. parang specialist specialization. hehe.

susunod sa aking after eXPerience vista, (pagkatapos ng post na ito, actually) migration naman sa windows mail. medyo tatlong araw na akong hindi nakaka-download ng email. huling beses ata noong july 22. 23 ako nag-install. tamang-tama, tugma yung date ng migration.

Thursday, July 24, 2008

ultimate

maganda rin ang nabasa ko tungkol sa vista. partida, xp fanboy ako. pero look forward nga naman. na-realize ko rin na mas konti naman na ang panget tungkol sa vista kaysa maganda. pinakamalaki na sigurong kapangitan ay yung hardware requirements at yung game and program compatibility na panalo sa xp noong ni-release siya noon. otherwise, kung anong kinaganda ng windows 95 kumpara sa 3.1, parang ganun din ang vista.

mula kagabi, na-reassure ang positive thoughts ko sa vista. hehe.

Monday, July 21, 2008

paalam testtype

eva was supposed to live forever. tila hindi kinaya ng mobo. 8 years. ang
naaalala ko, may noong huling ginamit at noong huling beses na nakarinig ako
ng error beep.

na-confirm na sa text ni tito rey noon umaga. isang museum piece na naman sa
bahay ito. ibabalik niya bukas ang unit.

pinag-iisipan ko pa rin kung bibili ako ng pentium e based computer para
pamalit, para may unit 01 pa rin pero ewan ko lang. bahala na.

Wednesday, July 02, 2008

69 nodes

ayos. pag may mine-merge akong nodes, pag may 69 sa isa, yun yung
importante. hehe.

5:33 na at medyo bored na ako pero medyo motivated dahil patapos na ako
talaga. sana. kasi medyo isang buwan na ata akong patapos sa ginagawa kong
ito.