Friday, March 28, 2008

redemption awaits

mas nakakapagod pag hindi lahat ng kailangan mong gawin ay natatapos mo. huling buong araw ko na sa trabaho ngayon bago ang aking break. sana. dapat. magulo sa opisina--sa panlabas at hindi.
 
may mga gusto akong mangyari para makabuti sa iba at ma-redeem din ang sarili ko kahit papaano. sana lang mangyari.
 
hindi ko man naalala na ngayon ang kaarawan ng pagyao ni lola hanggang sa pag-uwi. pagpalain nawa siya. buti hindi ako masyadong pagod kaya nakapagdasal pa.

Wednesday, March 26, 2008

escape

tumakas ako. duwag. di ko naisip noon na magagawa ko iyon. hindi nakakatuwa. delikado ako sa boss ko. nakakahiya na rin. sinisira ko na rin ang pangalan ko. parang nung college lang.

di ko alam kung saan ako huhugot ng sapat na lakas. kulang ang kung ano mang nakukuha ko. o baka kulang lang sa vitamins na nagpapagana sa natatagong lakas. baka nga.

on other things, masakit ang ngipin ko dahil para may kwenta naman ang pag-absent ko, natuloy na ang adjustment sa braces.

di na muna ako tumuloy sa refresher course. hindi pa ayos ang aking state of mind. kailangang tapusin ko muna lahat ng trabaho para matino ang refresher. focused and steady dapat. isa lang dapat ang mainstream na pinagtutuunan ng pansin para maayos ang iba pang sideline--nfs, banda, anime. tama.

may nagsabi sa akin na ok na ang lahat kinabukasan. pinagpaliban ko ang kinabukasan ko. kailangang ibalik ko.

Tuesday, March 25, 2008

back online

hindi ako nakabati ng Happy Easter nung Linggo. medyo na-extend din ang hindi paggamit ng pc dahil sa sira.
 
pero ayos na rin! at hindi ko kinailangang mag-reformat! woohoo! i rock. at salamat sa 6.9% useful stuff sa internet.
 
kailangan kong idetalye sa susunod kung paano ko naayos. for future reference. hehehe.
 
Happy Easter!

Wednesday, March 19, 2008

ouch

for the first time, nasaktan ang paa ko sa basketball. di ko nga alam tawag sa ganung muscle pain, e. hehe.
 
ilang taong overdue na ba ang healthy lifestyle ko?

Tuesday, March 18, 2008

Monday, March 17, 2008

message to the skies... to the heavens

kagigising ko lang. nakatulog ako nang mga 7 ng gabi. kailan kaya ako pupuntang dentista? hehe.
 
may mabubuting nangyari sa trabaho at nagpapasalamat ako sa langit. pero simula pa lang. marami pang kailangang ayusin sa mga project ko. di ko alam kung kaya ko sa nalalabing oras. sana.
 
nasira ko na rin sa wakas ang right earphone ng handsfree ng cellphone ko. di na maaayos unless operahan. to think may panibagong temporary fix akong nagawa bago ko pwersahin. time to move on. sana may mahanap akong genuine replacement.
 
and speaking of replacements, an irreplacable friend is remembered. di ko alam na ngayon. sabi sa friendster, e. ngayon ba? nakakalungkot din. happy birthday tol.
 
ikaw ba umalalay sa akin kanina? ikaw ba ang nagpakita sa akin ng nawala kong ballpen? salamats na rin.

Sunday, March 16, 2008

nails

bakit pakiramdam ko, maraming mangyayaring mabuti pag naggupit ako ng kuko?
 
pakiramdam ko dapat ko nang palitan ang image ng kanang kamay ko na classical guitarist dahil hindi naman ako magaling. hehe. siguro, pag kaya ko nang bumalik sa classical, hindi ko na rin kailangan ng "classical guitar nails". sana.

Friday, March 14, 2008

apoy/tubig

dalawang taon. maraming nangyari mula noon. maraming mabuti. oo, mas marami nga. pero bakit hindi ko nararamdaman? siguro ang apoy ay hindi pa namamatay sa akin. kailangan ko ng tubig.

ang pagpunta ko sa besavilla para mag-enroll sa refresher (na hindi ko rin nagawa dahil di ko dala ang id ko noon) ay nagdala ng malulungkot na alaala nang dalawang taon. buti na lang at hindi nagatungan at nakabili ako ng 3-guitar stand sa raon. syempre, nakakatuwa rin kasi ang experience na mawala (na naman) sa lugar na iyon. nakagaan din siguro ang pagpasok ko sa simbahan ng Quiapo kahit hindi nakapagsimba. sa SIP na lang ako nagsimba. mahirap na, baka mag-collapse ako. tanghali at maraming tao. at nawala pa ako sa raon pagkatapos. gutom na gutom tuloy ako pag-uwi.

buti na lang andito pa si mama pagdating. pagkakain ko, tsaka siya umalis para sa retreat sa Legion of Mary. God Bless them.

may na-accomplish man ako sa hindi ko pumasok ngayon di pa rin fulfilling. problemado pa rin ako sa sto. domingo. nakakauhaw nga.

Thursday, March 13, 2008

living on/over the edge

in the verge of a memo.
 
sabi na, late ako. last late bago mabigyan ng warning. hassle to. di pa nangangalahati yung buwan.
 
over the edge na rin ako pero wala pa naman sa point of no return. kailangang hindi umabot dun. pero para mas active, kailangang bumalik sa tamang landas. hehe.
 
ito yung parte ng kanta, "i'll find it again." kaya siguro di ko pa masundan ng pangalawang kanta yung lost it kasi yun pa rin ang kanta ng buhay ko. sana yung susunod na kanta, tungkol naman sa paghahanap na iyon at medyo matagumpay naman.

Wednesday, March 12, 2008

flowing thoughts na naman

nagpupuyat na naman ako. lumiliit yung chances na mauulit ko yung maagang pagpasok kanina, a. hehe. but all hope isn't lost. masaya rin maging una kung minsan kahit mas trip ko ang number 2 ranking. pero minsan, naiisip ko rin, ako ang piloto ng unit 01.
 
old school. katatapos lang panoorin ang episode 1 ng eva. mabagal ang download. pero ok lang. at least hindi ako mapapa-marathon.
 
mabagal din ang download ng outrun2006. bibili sana ako ng game kahapon pero isang daan na lang ang laman ng wallet ko. napa-withdraw tuloy ako pero di pa rin ako bumili. 200 na lang na-withdraw ko sa cash card, e. buti sweldo kanina at above average. pero sarado rin kanina yung tindahan. buti na lang. di ko nabili yung crisis. pero sana kanina lang sarado yung tindahan. kumpleto halos dun, e. mas ok din minsan bumili kaysa mag-download.
 
binigay ko kay mama ang bayad ko kanina sa cradit card. ang saya. P6,900+. sa saving ko kinuha ang pambayad para gumagalaw. at para may resibo akong P6,900. hehe. aliw din. may dalawang 2, dalawang 6, at dalawang 9 din sa mga digits ng natirang amoout.
 
sto domingo... bukas dapat may maipasa pati sa friday ng umaga. madali na yung tunneling. mag-e-enroll na ako sa refresher sa friday ng hapon. pressure.

Tuesday, March 11, 2008

parallel series

napansin ko yung icons ko ng nfs series. parang yung dalawang star wars trilogy--may parallelism. the irony: parallel series. haha. sinadya kaya ng `to developers o may skill lang ako sa pagpilit ng relations?
 
the need for speed (se) == nfs underground
parehong gulong yung icon at simula ng series. parehong may rx-7 (FD) at supra. di ko lang sigurado kung parehong generation yung supra.
 
nfs2 (se) == underground 2
parehong may 2 sa icon at hindi direct sequel in the sense na maraming malaking pagbabago na na-carry over sa next installment, i.e. knockout sa nfs2 at free roam underground 2.
 
nfs3 hot pursuit == most wanted (underground 3 na rin)
parehong bida ang police chases. sa hot pursuit din nanggaling ang term na most wanted.
 
high stakes == carbon
parehong masyadong kamukha ng sinundang installment. parehong may bagong special 1 on 1 mode. high stakes sa career play sa high stakes at canyon race sa carbon.
 
porsche unleashed == prostreet
parehong semi-sim. parehong nag-deviate. sa porsche, dahil puro porsche. sa prostreet, kasi parang hindi nfs kasi hindi illegal street racing.
 
out of place yung hot pursuit 2. pero yung icon niya, parang embosed lang ng icon ng high stakes. siguro tribute sa high stakes na parang original hot pursuit 2 or at least hot pursuit se. parang pinagandang graphics ng high stakes dalawa though nag-suffer yung gameplay. yung car lot, halos yung sa high stakes din kasi. ilan lang yung walang counterpart na upgrade/variation, hardtop/convertible, o similar (camaro==mustang). malamang din, kung may 13 titles, walang kapares yung pang-7.
 
and speaking of parallelism in game franchises, pati pala sa mechwarrior series. pareho yung trilogy ng 2 at 4.
 
main game: 31st century combat == vengeance
expansion: ghost bear's legacy == black knight
standalone sequel: mercenaries == mercenaries
 
yung mech3, wala lang sequel. ang wala sa mech 2 na meron sa 3 at 4 ay ang counterpart na mechcommander game. wala lang expansion pack yung mc2.
 
yung mechwarrior series, sequential ang timeline maliban sa mech2 mercenaries na nagsimula ang story bago ang clan invasion. ang focus sa mech2 ay nasa clans samantalang yung 4, minor story sa inner sphere. mas major yung kwento ng mech3 kasi yun yung operation bulldog.
 

Monday, March 10, 2008

one time

aliw. synchronized ang oras sa kwarto ko, sa cellphone, sa testtype at xxxg-01d sa bahay, at workstation ko sa office. pero late pa rin ako sa pagpasok, mga appointment, at sa buhay ko in general. kailangan siguro ng bagong battery. parang sa nfs prostreet lithium pack lang yan.

Sunday, March 09, 2008

pagbabalik ng mga tala

kalahating taon mula nang huling nagtala dito. marahil ay kailangan ko ito para sa wala-wala lang para maging hindi lang pawang wala lang ang mga bagay-bagay. labo.