Sunday, February 25, 2007

going to school... old school

mechwarrior
malapit ko nang makumpleto ang mechwarrior (for windows) collection ko. hehe. mech4 mercenaries na lang. old school pa rin kasi wala nang bagong game sa ganung series o genre man lang.

need for speed
isa pang ka-old-school-an, naka-install ngayon dito sa ang nfs 3 at 4. ok din yung unofficial patch sa high stakes para sa xp. pag nakumpleto ko na yung download ng nfs 1 se, kumpleto na ang nfs. haha. kokopyahin ko na lang mula sa isang pc yung nfs porsche at nfs 2 se, tapos kukunin kay joey ang nfs most wanted na dvd. ang gusto ko sa nfs 3 at 4, medyo madali siya pero medyo challenging din. pero ang kinaganda niya sa mga bago ay ang stright out racing gameplay. hindi naman problema sa akin kung exotic, tuner o muscle. pare-parehong astig na mga kotse naman. pero parang sa rock, mas trip ko ang ayon nga kay thad, straight out rock.

audioslave

oo nga pala, umalis na pala si chris cornell sa audioslave. tae. siguro nalaman na kino-cover namin sila. haha. ok, tatlo na nga lang ang current bands na gusto ko, mawawala pa yung isa. sana hindi lang one time yung upcoming reunion ng ratm sa april.

audi

anyways, kapapanood ko lang uli sa star movies ng the transporter 2. nagiging fan na ako ng audi dahil featured dun ang audi A8. hehe. hindi ako mahilig sa gt cars gaya ng bmw at mercedes models. mas trip ko ang supercars at roadsters. (fineature dun sa transporter 2 yung murcielago roadster. yeah!) pero nagsisimula akong maastigan sa audi. ok din pala yung R8 (lemans quattro) na "star car" ng nfs carbon kahit na o.a. ang e.a. sa performance nun.

No comments: