Sunday, February 25, 2007

going to school... old school

mechwarrior
malapit ko nang makumpleto ang mechwarrior (for windows) collection ko. hehe. mech4 mercenaries na lang. old school pa rin kasi wala nang bagong game sa ganung series o genre man lang.

need for speed
isa pang ka-old-school-an, naka-install ngayon dito sa ang nfs 3 at 4. ok din yung unofficial patch sa high stakes para sa xp. pag nakumpleto ko na yung download ng nfs 1 se, kumpleto na ang nfs. haha. kokopyahin ko na lang mula sa isang pc yung nfs porsche at nfs 2 se, tapos kukunin kay joey ang nfs most wanted na dvd. ang gusto ko sa nfs 3 at 4, medyo madali siya pero medyo challenging din. pero ang kinaganda niya sa mga bago ay ang stright out racing gameplay. hindi naman problema sa akin kung exotic, tuner o muscle. pare-parehong astig na mga kotse naman. pero parang sa rock, mas trip ko ang ayon nga kay thad, straight out rock.

audioslave

oo nga pala, umalis na pala si chris cornell sa audioslave. tae. siguro nalaman na kino-cover namin sila. haha. ok, tatlo na nga lang ang current bands na gusto ko, mawawala pa yung isa. sana hindi lang one time yung upcoming reunion ng ratm sa april.

audi

anyways, kapapanood ko lang uli sa star movies ng the transporter 2. nagiging fan na ako ng audi dahil featured dun ang audi A8. hehe. hindi ako mahilig sa gt cars gaya ng bmw at mercedes models. mas trip ko ang supercars at roadsters. (fineature dun sa transporter 2 yung murcielago roadster. yeah!) pero nagsisimula akong maastigan sa audi. ok din pala yung R8 (lemans quattro) na "star car" ng nfs carbon kahit na o.a. ang e.a. sa performance nun.

Wednesday, January 31, 2007

end january

nagsimula sa dengue noong jan 2, nagtatapos nang may ojt ngayon. nakakuha na rin ako sa wakas ng kopya ng mech2 31st century combat titanium edition, mech 2 ghost bear's legacy titatium edition, at mech4 black knight. medyo stable maliban na lang sa board exam review tsaka di pa nagre-resume ang bad practice. pero kaya `to. steady at medyo balanse na ang buhay ko. di ko na lang iisipin ang iba pang bagay muna. feb na bukas. haha.

kapistahan din ni Don Bosco ngayon. di namin napansin nina gelo at jonas kanina. nagkwentuhan pa naman kami tungkol sa donbosco life.

Thursday, January 18, 2007

masaya ang araw

dahil nagsimula na ako sa ojt. saktong regalo. hindi ko na lang iniisip na tatlo sa katrabaho kong engineer ay mga dati kong kaklase at napag-iwanan na ako. at na pag hahabulin ko sila, baka mahirapan ako. pero basta, gagawin ko na lang ang kailangan kong gawin.

nakakatuwa din naman sa trabaho kasi nga naman, kasama ko sina jonas, gp, at gelo. kaya gusto kong magpakahusay at pumasa sa may para makapasok doon. may katunggaling magagaling pero dapat kayanin.