Christmas Countdown: 69 Days to go
it's as much about Christmas as it is about the number 69. sa barkada, na-establish nang sign of hope yung number 69. pag may exam kunyari. pag nasagot mo yung number 69, ok na yun.
biyernes at lunes, di ako pumasok dahil sa sakit ng ulo. badshot na talaga ako sa prof ko sa recodes kaya hindi dapat sisikat ang araw nang di ko nagagawa nang malupit ang requirement namin. pinaka-bulok na grupo yung sa amin. kailangan kong dalhin.
kanina, may pinasukan na uli akong klase at masaya naman dahil sa kahit nakaka-bobo yung lesson sa struct3, kayang-kaya. inspired pa akong gumawa ng computer program para doon.
noong biyernes at kahapon, kahit di ako pumasok, nagpunta pa rin akong schoool sa hapon. medyo pointless yung kahapon dahil umuwi din ako kaagad dahil bumalik ang sakit ng ulo ko. noong friday, prayer meeting.
pagkatapos ng klase ko kanina, uuwi na sana ako pero sinamahan ko muna si adi sa pagkain dahil napadaan ako sa sca tambayan at walang tao. the alternative is always to eat. mga 4:30 pm nun. lunch niya, breakfast ko. pero nag-lunch na talaga ako, di lang ako nag-breakfast. tinulungan ko na rin si net-net na mag-edit ng gawa. hopefully. i was never good with poetry.
crossposting. dati ko pa pinag-iisipan ang crossposting. ito ang unang crosspost ko sa blogger at tabulas gamit ang crossposting option ng tabulas. haha. naaalala ko noon, noong may oras pa akong mag-blog, sinasalin ko sa english o tagalong ang entry.
and 'speaking' of memories, i can't believe i missed greeting yot a happy birthday. partly due to the lack of eyesight brought about by migraine. excuses. owel.
BELATED HAPPY BIRTHDAY TO HER HIGHNESS.
No comments:
Post a Comment