Tuesday, February 28, 2006

pagpapalit ng buwan, ng takbo ng buhay

ngayon at bukas sa pagtatapos ng pebrero at pagsimula ng marso.
 
sa mga nagdaang linggo, naranasan ko ang kahinaan ng isip, katawan, at kaluluwa. mabagal ang panunumbalik ng aking lakas na matagal nang tila naglaho na.
 
late, hindi nagpapapasok, hindi nagpapasa ng requirements sa bridges, sa presdes. malaking pagkakamali.
 
halos dalawang linggo rin akong nahirapan sa sakit ng tiyan dahil sa amoebiasis at UTI. katangahan.
 
napupuyat na walang pakinabang. sobra na ito.
 
pero parang sa banda namin, sa sarili ko ay hindi pa ako nawawalan ng pag-asa. bumubuti pa rin ang pakiramdam ko dahil sa pag-asa.
 
ganoong pag-asa rin at paniniwala ang iniingatan ko para sa mga mahal ko sa buhay.
 
maligayang pagdating flashdrive. paalam 3550. paalam XL nina tita.
 
o bansa, kay gulo mo. wala namang gulo. buti pa ang buhay namin, magulo talaga kaya maaari pang bumuti.

No comments: