Saturday, June 18, 2005
day 169
but in every bad, there is more good. today is day 169.
wala akong maisip na isang salita
// two weeks
third week na ng pasukan. sa nakalipas na dalawang linggo, wala masyadong ginagawa. nothing urgent and important kaya hindi stressful. (natutunan ko yan sa leadership training seminar noong sabado bago mag-pasukan.)
kung may responsibilidad man ay ang pabalot libro ng ces last week at ang weekly meeting ng core tuwing thursday ng gabi. masayang magbalot ng libro kasi hindi kailangang high quality. ngayon ko rin lang nabalutan ang sarili kong libro at medyo malapit naman sa gawa ni papa.
ok sana ang pagiging officer ng ces pero nabawasan na rin ako ng magkano dahil sa late at tila mag mga hindi pagkakaunawaan sa loob na masama ang madudulot at wala akong magagawa. isang bagay ang maging concerned pero iba ang maging epal.
this week naman ang malate recruitment. mas kaunti ang responsibilidad. wala nga talaga, e. hiya ko na lang iyon sa isang samahang malaki ang nabigay sa aking katauhan. mas nakakahiya pa dahil sa tinext sa akin ni soyster noong minsan na isa akong senyor na patnugot.
tungkol sa amin ni lica, ang masasabi ko lang ay nag-e-enjoy kami sa aming relasyon. ngayong araw na ito, susubukan kong hindi muna isipin ang malayong hinaharap. ang mahalaga sa ngayon ay ang ngayon. bukas na ang bukas.
kina thad, sa banda, naudlot ang unang praktis ngayon dahil hindi nakakapag-practice si joey. mula next week, dadalasan namin ang practice sa euphony. naisip ko, ok na ang P50/week kung gusto naming gumaling at umunlad bilang isang banda, at balang araw, may marating dahil doon. //
walang akong maisip na isang salita sa sakto sa nakalipas na tatlong araw. pero sa mga nagdaang araw, sira ang switch ng avr kaya ayokong buksan dahil sa spark `pag sinasaksak. kapag minsan lang, ok lang pero `pag dumadalas, delikado na.
huwebes
late akong dumating sa rcprins at masama ang pakiramdam ko pagkatapos dahil sa di kasiguraduhan sa quiz.
napasali ko si lica sa sca at sumali din siya sa englicom para raw may mailagay sa yearbook. ako naman, kukuha na rin ng yearbook dahil kukuha na rin sila. nag-usapan uli namin ni lica ang aming relasyon bago siya umuwi.
hindi ako nakapag-lunch dahil hinintay ko sina sheila pero hindi rin kami nag-lunch. kami lang ni sheila ang gumawa ng experiment sa lab dahil nawala si george. nang dumating si george, ginawa niyang mag-isa ang experiment. gutom na gutom na kami. bago umuwi, kumain muna kami sa agno. hindi na ako pumunta sa meeting ng ces core. kwelang kasama sina sheila at george. pagkain ang pinag-uusapan namin ni george habang naglalakad.
biyernes
late akong dumating sa thesis seminar na hindi ko naalala at nawawala ang salamin ko. mas mataas na lebel ng kakupalan ang mayroon sa cethics. gumawa kami ni lica ng write-up para sa isa't isa habang klase. kinuha ko sa kodak ang pinarecopy niyang picture habang nasa quanmet class siya para makumpleto na requirements niya.
tinuloy namin ang pag-uusap namin at ok pa rin naman kami. medyo magulo lang gumalaw sa mundong may mga termino para sa mga bagay-bagay.
hindi ako naka-attend ng unang prayer meeting dahil tinatamad ako at hindi pa ako handang bumalik. baka kasi ma-culture shock ako o baka hindi na lang ako sanay. buti na lang dahil mukhang sasakit ang ulo ko dahil sa hindi ko pagsuot ng salamin.
pag-uwi, nagluto ako ng instant pancit canton para pampakalma na rin dahil umiinit na ang ulo ko sa nawawala kong salamin. maya-maya, pagkatapos ng hapunan, nahanap rin sa ilalim ng platerang pinaglagyan ko noong huwebes.
mainit ngayong mga nagdaang araw. sa hindi paggamit ng pc at para hindi maging badtrip ang ok na, nag-aircon ako sa pagtulog. nakatulog ako kaagad sa tulong na rin ng kahinaan ko sa brandy. konting nakaw na inom lang sa baso ni papa, nag-iba na kaagad ang pakiramdam ko. ewan ko kung hindi na lang ako sanay o napatunayan ang napatunayan na noong mga pagkakataong sumuka ako pagkainom ng brandy.
nakakahinayang ang hindi ko pagkaalam ng inuman pero ok na rin kasi matagal na akong hindi nakakainom at delikado na. may quiz ako noong araw pagkatapos.
sabado (169th day of the year)
sayang ang pamasahe at mali pa ang nakuha kong sukli. mahirap ang nakakalimutang wala palang dalang barya. magbabayad sana ako para sa g&w pero sarado ang accounting office. kesa hintayin ko, umuwi na lang ako. wala rin ang bibilhin ko na lang sanang notebook. ang naging saysay na ng biyahe ko ay ang casing ng cellphone ni ate.
tinatamad pa akong mag-aral kaya sumama na lang ako kay papa sa raon sa pagbili niya ng switch ng avr. paker. sana pala talaga bumili na ako ng strap kasama ng bass. P200 yung fernando na strap na nabili ko. hindi pa matawaran. mahina rin ako sa ganun. kaya ngayon, P4000 ang gastos ko sa pagiging bassist. mukhang malabong P6900 lang ang magagastos ko sa lahat-lahat. sana may mahanap akong magandang bass amp na papayag na 2900. bahala na.
gusto ko sanang magsulat tungkol sa mga pangyayari sa bansa ngayon. pero pwede namang sabihin na lang na magulo. hindi pa sayang sa oras.
Sunday, June 12, 2005
Thursday, June 09, 2005
6-9
anniversary din nina tita chato at tito nonong. pagkatapos ng medyo nakakapagod na araw, masarap kumain ng handang lasagnia kahit hindi ko alam ang baybay.
dahan-dahan lang sa mga bagay-bagay
exciting and challenging. pero tila napasobra sa challenge ang rcprins na subject. sa kabilang dako naman, kalahating badtrip ang ceflula dahil tinanong ba naman ako ng prof, "di ba tapos ka na?" masaya ang pasado ka pero bagsak sana gaya ni anina sa strenth pero mabigat sa kalooban ang pasado sana pero bagsak. extremes. sa gitna naman ang cencomp na may sapat akong kaastigan at katangahan. sinusubukan kong sulitin kahapon ang libro habang hinihintay si lica na matapos ang quiz1 part1 sa quanmet. sa kasamaang palad, tila hindi maganda ang resulta ng quiz niya at hindi rin mabuti ang kalagayan niya sa rcprins.
Friday, June 03, 2005
dlsu survey
1. What is your student number?
10215719
2. Did you pass or were you waitlisted?
pass
3. How did you hear of your entrance exam results?
i didn't
4. Was DLSU your first choice?
no
5. Do you know your score in the DLSUCET?
no
6. What was your first choice in terms of degree program?
BS CIV
7. Second course?
Com Eng yata
8. What's your course now?
BS CIV-STE (haha. nag-level up)
9. Did you plan to shift/think about shifting?
i have nowhere to go
10. Are you Chinese? Or do you have Chinese features?
1/4
11. Are you from LSGH or DLSZ?
fortunately yes! (no offense meant... well, not a lot. peace out.)
12. Did you enjoy in the SALIKSIK?
quite. happy moments don't last long, though. (shet! bakit naaalala ko pa.)
13. Which gate did you use to enter the DLSU campus on your first day?
south yata
14. Have you ever resided in a dorm?
no
15. Have you ever had a 0.0?
yes
16. Have you ever had a 4.0?
yes
17. What was your highest grade?
yes
18. What was your lowest grade?
yes
19. What was your worst experience in DLSU?
optimist ako, e... marami
20. Do you always attend your classes?
as much as possible
21. What were your organizations?
MLF, SCA, CES
22. Do you have a scholarship?
i wish i did
23. How many units have you passed?
marami
24. Did you dream about graduating cum laude?
i can't recall
25. When will you graduate?
2006 (pero 2007 ang march)
26. Who was/were your favorite teacher/s?
ayoko ng may favorite teacher kasi ayokong may favorite student
27. Who was/were your worst teacher/s?
di ko na pinag-iisipan yan
28. What is/are your favorite subjects?
mechanics subjects
29. What is/are your worst subjects?
ie subjects
30. What is your favorite landmark in DLSU?
sa makati yun, di ba?
31. Favorite building?
tatlo, e. velasco, sps, at MM
32. Favorite eating establishments?
Z<sup>2</sup> dati. ngayon, wala.
34. When riding a jeep, do you pay the student fare?
minsan
35. Are you always in the library?
dati *sad*
36. Did you go the clinic once when you were sick?
yes
37. Do you have a crush around campus?
yes
38. Are you single or attached?
single pero may ibang meaning yan. haha
39. Do you plan to pursue a Master's or Doctoral degree?
plan to graduate muna
40. What were your P.E. courses?
pedance, peindiv, peteams (mas madaling i-type, e)
41. How was your frosh block?
no comment
42. Have you ever watched a graduation ceremony in DLSU?
no
43. Have you memorized the Alma Mater Song?
i don't like where this is going to...
44. What about the Rektikano?
whokey...
45. The Bumakaya?
hindi na maganda ito...
46. LaSalle Spelling?
eto na...
47. Are/Were you a member of any varsity team in DLSU?
sabi na, darating at darating din tayo dito. badtrip.
_______________________________________
EDSAMAIL. Internet the way YOU WANT IT.
www.edsamail.com.ph