Monday, May 30, 2005

end summer

natapos na nga ang bakasyon. pangalawang linggo na nga ng klase. tag-ulan na. maraming hindi nagawa, hindi natapos, ni nasimula. bukas, bukas, bukas... masarap mabuhay nang naniniwalang may bukas pa. pero tila mas masarap kung parang wala na pero mayroon pa talaga.

Tuesday, May 17, 2005

email lessons

kanina (pero kahapon na talaga), tinuruan kong mag-check ng email si mama. nakakatuwa.

Sunday, May 15, 2005

liturgical calendar update

we celebrate pentecost today, the day the Holy Spirit descended upon the apostles according to the scriptures.

Tuesday, May 10, 2005

internet paranoia

nadagdagan ang pc paranoia ko. noong una, sa system resources lang ako conscious, pero dahil sa isang recent hijack (na either mula sa isang porn site o mp3 site--the second more likely) na na-repair ko naman gamit ang delete button at windows scanreg restore, ang mga binibisita ko site ngayon ay may kinalaman sa internet security. sinet ko na rin ang ie security sinusunod ang mga tip mula sa isang site. kung hindi lang mabagal ang startup ng mozilla firefox sa testtype, gagawin ko nang default browser, pero gaya rin ng sabi sa napuntahan kong site, kahit hindi gagamitin ang internet explorer, kailangan ding gawin itong secure.

babanatan ko sana ang microsoft pero wala naman akong karapatan at sapat na kaalaman--just some basic internet hobbyist's knowledge.

_______________________________________
EDSAMAIL. Internet the way YOU WANT IT.
www.edsamail.com.ph

Monday, May 09, 2005

band practice

band practice

dumating si thad nang mga 9, kaliligo ko lang. dumating si cholo nang mga 10, na-transform na namin ni thad ang kwarto ko na kinompliment ni mama ng paglilinis.

dahil hindi namin na-pactice ni cholo ang mga cover song na gusto ni that, nakapag-compose kami ng isa. halfway pa lang kasi wala pang drums at lyrics. ang tagal pala ng proseso. ang tanging break lang namin ay ang pagkain ng masarap na tanghaliang hinanda ni mama.

masaya. pero sana hindi ito gaya ng pagsusulat ko na hindi ko naayos para hindi makagulo sa ibang pangarap ko at hindi rin umunlad dahil doon.

lunes na pala

si papa halos ang nasa pc dahil sa trabaho kaya ngayon-ngayon lang ako nakagamit. nag-post ako sa avocados tungkol sa nakaraang weekend. doon ko 'sinulat' nang may kahabaan ang mga pangyayari. inaantok na ako. basta.

sabado

lucban, healing mass, grotto climb. kapagod pero fulfilling. minsan na lang ako bumyahe. ang hindi lang maganda, hindi kaya ng katawan ko ang biyahe. hindi ko nakondisyon ang sarili. resulta = ngawit.

linggo

mothers' day at ascension sunday. at pagpinta sa gitara. non-senti is good.

Friday, May 06, 2005

outside at last

nagpunta ako sa greenbelt para mangumpisal at magsimba kasi 1st friday. dadaan dapat ako sa anime event sa glorietta pero mahaba ang pila sa pakumpisal kaya pagkatapos kong mangumpisal, misa na. pero sumilip na rin ako sa mga pangyayari sa glorietta pagkatapos ng misa pero wala naman akong napala.

sinabihan ako ni mama na huwag maglakad kasi mapapagod ako... -_- pero dahil walang jeep at mahaba ang pila, naglakad ako hanggang waltermart at namili ng ilang items: spray paint, glue, masking tape, gatas, chocolait (hiwalay na ang nestlé at magnolia), at baterya. hehe. credit card. sayang ang miles.

pag-uwi, gutom ako. nakakain na ako pero gutom pa rin ako. kain na lang ako ng piyaya mamaya.

Thursday, May 05, 2005

araw ng isda sa lata

isa sa mga dahilan kung kaya ngayong gabi ko lang tinala ang tungkol sa katuwa-tuwang araw na ito ay dahil hindi ako mapakali kung sardinas o tuna. pero pareho. napansin ko ang kaastigan ng araw sa IM window ka-chat si odessa.

bumagal ang testtype. ewan ko kung mabagal na talaga o napansin ko lang ang kabagalan. nabanggit pa kanina sa explorations sa ngc ang tungkol sa pag-condition sa utak para mag-react nang kung paano.

sa explorations kanina, tinalakay ang tungkol sa utak ng tao at sa development. hirit dun sa palabas ang "in the year 1000... in the year 2000... in the year 3000..." sayang, hindi ako aabot sa 3000. parang ang ganda pa naman ng advancements sa teknolohiya. at ang gusto ko sa palabas na iyon, hindi siya necessarily kontra sa pananampalataya ko.

kadararating ni papa galing cebu at hanggang ngayon, team building pa lang ang gawain ko sa labas. sana tuloy kami sa lucban sa sabado. sa lunes naman, kahit hindi sa labas, sana tuloy ang semi-band semi-practice namin dito -- semi-acoustic session. haha.

naalala ko ang si lica, kung paano niya inisipan ng profoundness ang kalokohang kasabihan. ang araw na ito, symbolic. sa init ng panahon at hindi ko paggalaw, isama na natin ang kakulangan ng kakayahang gumalaw dahil sa kondisyon ng bulsa at katawan, para nga akong isang isdang nalagay sa lata.

happy canned fish day!

Wednesday, May 04, 2005

stuck and bored at home

that's what vacation is all about.

kahapon, inatake uli ako ng migraine at halos buong araw na masama ang pakiramdam ko. kanina, pinlano kong linisin ang satellite at resonance. hindi pala pwedeng burahin ang mga post sa tabulas nang ganun lang. pinag-hirapan ko pa namang i-back up ang mga comments (kailangang burahin) sabay hindi ko rin mabubura ang posts. owel. that's that.

pero wala pa rin akong napapalang masaya sa summer. or so i think. ang init.

Monday, May 02, 2005

hello internet

ha! gumagana pala ang dlsu dial-up kahit bakasyon at kahit Windows Family Logon ang Primary Network Logon. this is good.

migraine

ang sakit ng ulo ko... everything seems fine, but there are things i have to fix. pero kailangan ko munang matulog pa. kailangang makalma pa lalo.

Sunday, May 01, 2005

1 Pt 3:15-18

This Sunday's second reading

1 Pt 3:15-18

Beloved:
Sanctify Christ as Lord in your hearts.
Always be ready to give an explanation
to anyone who asks you for a reason for your hope,
but do it with gentleness and reverence,
keeping your conscience clear,
so that, when you are maligned,
those who defame your good conduct in Christ
may themselves be put to shame.
For it is better to suffer for doing good,
if that be the will of God, than for doing evil.
For Christ also suffered for sins once,
the righteous for the sake of the unrighteous,
that he might lead you to God.
Put to death in the flesh,
he was brought to life in the Spirit.
1

not feeling that good these past few days, i recall a certain livejournal user bashed by bugie, arun and a lot else.



1U.S. Catholic Bishops - New American Bible