Saturday, October 31, 2015

Returning Music

Sinimulan ko ang Oktubre na kumakanta at umaasang mapagbubuti ko ang pagkanta ko para sa Diyos. Mukhang…kailangan pang pagbutihin. Uminom ako kanina ng royal—sana huli ko na yun hanggang sa susunod na linggo siguro. Kailangang maibalik and pagkawala ng softdrinks sa sistema ko. Ang kape, ewan ko kung kakayanin mawala ngayong nasanay na ako sa dalawang tasang kape kapag may pasok. Dala na rin marahil sa hindi maayos na oras ng pagtulog at paggising ko.

Sa pagpunta sa mini-workshop ni Sir Lester, na-reinforce ang ilang naituro na sa akin nina Jonathan at Ryan. Nakumpleto ko rin (sa ngayon) ang Misa Delgado series sa pagbili ng Book 7 na sa Marso ko pa sana bibilhin.

Naka-ilang pagkanta rin kaming PEMC nitong buwan dahil bukod sa regular na 6:30am, may street Mass, Friday night Mass bago ang living Rosary, at Misa sa yumao. Dalawang 8pm ata ako hindi nakakanta kasama ng SMC, una, dahil sa pagod sa byahe mula Bicol, at pangalawa, dahil da pagdalo sa kasal ni Van. Panalo nung nakaraang Sunday, umakyat si Kiko at halos lahat ng mga nawala kasama niya. Sayang, one-time-big-time lang yun.

Bumili kami ni Mhae ng pamalit sa iPhone 4s na bumigay na ang baterya. Pwede na at naaliw nga ako dun sa LG Magna. Kung tutuusin pala, LG G4c din yung specs nun maliban sa CPU at antenna at iba pa sigurong maliit na pagkakaiba.

Sa kabila ng stress sa opisina, nakatakas ako papuntang Bicol kasama ni Mhae nang tatlong araw. Panalo ang biyahe sa bilis. Sulit ang 1,050 na pamasahe sa bilis, sa ginhawa ng upuan, at pagkakaroon ng CR sa bus. Sa Bicol mismo, tulad ng inaasahan, ang sarap matulog. Nakakatuwa ring makita ang mga pagbabago, kaunti man, sa bahay nina Mhae. Hindi lang nakapaglibot masyado maliban sa sandaling pag-ikot sa sentro. Pero sabi ko nga, pagpapahinga ang punta namin dun lagi.

Dito sa bahay, bumubuti-lumalala ang pag-ubo ni papa. Buti, nagagawan naman ng paraan ng sa gamot at alternatibong gamot na sinimulan kanina. Salamat at may supportive kaming nanay ko at napagpapala naman kami para magastusan ang mga pangangailangang pang-araw-araw at pag nagkakasakit. Wala, e, masipag kasi tatay ko. Sayang, di ko nakuha sa kanya yun nang lubos. Yung stress sa trabaho ang nakakapagpalala ng sakit na dulot ng paninigarilyo niya noong matagal na panahon na ang nakalilipas. Naiintindihan ko yung stress dahil nararamdaman ko rin ang ganoon.

Pagdating sa TV5, full blast ang construction at pahirapan ang monitoring, checking, rechecking, at approval. Halos inaako ko kasi lahat pero panalo pa rin at natutulungan ako ng tatlo kong teammates pag paspasan na. sana lang maging mas swabe na ang lahat, at syempre, ligtas, ngayong papasok na buwan. Halos nangangalahati na yung building, may ilan pang hindi ako sigurado. Haha. Kaya to.

Sa ibang aspeto ng trabaho, highlight ata sa MegaWorld projects ang “glutten-free acclamation” ng architect galing Singapore. Salamat kay chammy, may napasaya kaming glutten-intolerant na tao. May pahirapang mga SD submission kaso maiiwasan sana kung mas efficient ang trabaho. Kakulangan ko rin, ako ang mas nakakaalam at may kakayahang ipakita sa kanila paano gagawing mas efficient ang trabaho. Di bale, mukhang mapipilitan kaming pagtuunan yun ng pansin ngayong mga darating na linggo.

Nakuha ko na rin ang Pope Francis coins mula kay Francis Goey. Nakuha na rin namin ang imbitasyon para sa kasal ni Dogi sa Disyembre. Halos isang buwan na lang. mag-eensayo na kami ni Mhae ng kanta. Tamang-tama, kahit may klase siya nang sabado, nakapagpaalam na siya sa prof niya kanina. May swerte rin siguro yung paghatid ko sa kanya. Di, magaling lang talaga si Mhae, at siyempre, Siyang nasa taas.

May utang pa nga pala akong basslines at lyrics para sa pagbabalik sana namin nina Thad sa pagtugtog.

Wednesday, September 30, 2015

done with 3 quarters and looking good

so september ends with the fortich apartment enjoying a brand new abs-cbn tvplus / mahiwagang black box. it’s refreshing to have that much fun from waltermart to their home after ara, mhae, and i participated in a battle of hot headedness not even a week ago. it incidentally led to mhae having a 2-day pizza and pasta birthday/monthsary celebration.

at work—in the office and at the site—things are getting a bit more fast-paced, a little stressful, but still getting better. i still have a bunch of submittals and rfi on my office desk, some uncertainties in the design and drawings, but i can see things will indeed close out in the best way soon.

ovetime time got better during the first half of the month but not maintained until the end. i hope the OT pay calculation will keep me in the plus zone when it comes to my target savings. oh, i meant ‘put’ since ‘keep’ implies i’m already there. haha.

apart from regular work stuff, i got a skill upgrade of sorts learning revit. and since i brought my spare pc to work, i got to tidy up my table even just a bit. quite a bit.

last weekend i also got the wonderful chance to attend sister emma’s prayer healing and it was a very uplifting experience for mhae and me. it helped make mhae’s birthday more special. also, after a couple of months, i got to go to confession. last year, i tried to go every month and quite achieved that. this year, i missed a lot of months. maybe i’ll target a bi-monthly “schedule” so as not to disappoint myself, too.

i got a bit sentimental in a good way realizing that around mid-month, my partnership with ryan (with our corresponding better halves, of course) in leading the 6:30 am service has already lasted a half year.

there was a sentimental loss, though, in one of my towelets—one that was thicker than most and with vines(?) as a design, mostly green. apparently, that was my lola’s. i think i lost it going to an afternoon music ministry meeting. at least i lost it during one of my tasks related to my service to the Church.

at home, i’m still hoping to be of more help. i have so many ideas in my head on how to improve my room’s and my parents’ room’s organization but i have yet to lay them out and make them real. i also hope my finances do get managed better that i may also be more helpful financially at least.

doing this end-of-the-month blogging thing, i realized that the year has gone 3 quarters. this isn’t a game of basketball that may go into overtime, though, and has a break between quarters. as in one of the messages in the film heneral luna, our greatest enemies are ourselves. and also quoting green day (not from wake me up when september ends), “i’m my own worst enemy.” i think i (the positive one) is winning, though. yeap. good job. keep it up or make it better.

Monday, August 31, 2015

full 2 hands

naka-dalawang long weekend ngayong Agosto at nasulit ko sa tulog. bumaba ang bilang ko sa overtime ko, mukhang kailangang bumawi sa papasok na buwan. kailangang gawan ng paraan.

mukhang nakarami ako ng hawak na trabaho, tatlong project. hindi ko nabibigyan ng kaukulang pansin lahat. ito na yung challenge ng increase sa sweldo. kaya. swerte rin ako at maayos-ayos ang mga kagrupo ko. maayos-ayos, may room for improvement para mas maka-focus ako. basta, kailangang mag-OT, para sa pagtapos ng trabaho at OT pay. haha. napagastos din kasi sa bluetooth headset. hehe. pero sulit naman. sa October ko na lang ipapaayos yung sirang earphone jack ng phone ko.

ang date night namin ni mhae noong “munchary” namin, sa amici. comedy kasi nagkamali ng hain at bill sa amin pero di namin napansin. sayang lang, hindi namin nabuo yung triple blue cheese.

nagugutom ako. sa wakas, napapalitan ko yung resibo sa hsbc. noon kailan ba yun, napapalitan ko rin yung sa eastwest na matagal ding natago sa wallet ko. baon ni mhae yung 2-pc. chicken (na medyo hinanda sa init ng ulo na napawi na ngayon ng mga sorry at kiss at hug) ng pancake house at kakainin ko maya-maya ang 3-pc hotcake.

kailangan kong maging mas-vigilant sa akong pag-iwas sa softdrinks gawa ng nahihirapan ako sa pagkanta. dahil nirerecord ko ang mga pagkanta namin sa Misa at ensayo, naririnig ko kung gaano ako nawala sa ayos sa pagkanta. maayos-ayos pa rin naman pero alam ko mas ok dati. at mas hirap ako ngayon kahit na mas masaya ako sa bagong choir.

nagsimula ang buwan sa binyag ni baby mishka. nagkaroon din uli ng liturgical seminar ang MM (na parang yung dati rin ang natutunan ko). kahit alam ko naman na halos lahat ng mga nakuha ko, iba pa rin yung marinig muli at mapaalala ang sarili sa paninindigan bilang Kristyanong nagsisilbi.

nagugutom na ako. bitin na naman flashback ko. kung tutuusin, bitin nga yung agosto kasi kahit parang ang haba sana niya, at mas may napala ako, mas marami pa sana. pero ayos lang din yun, yung wanting to be much better. sulong lang.

maligayang buwan ng wika at araw ng mga bayani.

Friday, July 31, 2015

7 ate 9, so 10

maganda ang simula ng hulyo, masarap ang pagkanta sa Misa, masarap ang makapangumpisal, may pag-asa na matapos na nang mahusay ang proyekto sa opisina. tapos wala, andun talaga yung tendency na bumalik sa nakagawian. pero hindi, hindi talaga wala. magsasawa ka rin pala talaga sa pagbagsak at napipilitan ka, kahit hindi mo alam kung paano mo gagawin, mapipilitan kang maging mas ok.

sa mas hindi malalim na pag-iisip, sa flashback mode, pagkatapos ng happy meal minions craze ay ang mismong minion movie crazy. suilt sa panonood at syempre, napanood na rin namin ni mhaelord ang minions sa sinehan na magkasama. unang pelikula namin yung depsicable me pero sa xperia pro ko yun at sa bus pa namin sinimulan habang hinahatid ko siya sa opisina niya noon sa ortigas.

naka-dalawang practice din ata kaming PEMC sa bahay nina ryan at zai. kahit hindi kumpleto, nakakatuwa pa ring makapagpractice uli. sa SMC, kahit papaano, yung medyo practice bago at matapos ang Misa, pwede na rin. pero balik sa tunog-6:30am, ang sarap nga talagang kumanta na bukal sa kalooban mo ang paglilingkod na nawawala ang inis at hindi pagkakaunawaan.

umuwi na si ara kasama si erwin at ang masasabi ko, hindi ito ang pinakamasayang balik-bayan experience at pagbisita sa pilipinas. syempre, nasa mga tao rin yun kung paano nila susulitin ang mga panahon sa buhay nila. sana lang, mas may naibibigay ako.

nakakatuwa naman din na sa kabila ng stress sa mga bagay-bagay at sa pagod sa school, 3rd top employee of the year pa rin si mhae. may plaque pa nga siya. nakakalambot ng puso na maka-inspire ng isang taong nakaka-inspire rin sayo at sa ibang tao.

sa techie stuff, RTM na ang Windows 10 sa dalawang desktop ko dito sa bahay at kahapon nang madaling-araw/umaga, na-upgrade ko na ang transformer ko.

sa mga kwentong kainan/inuman naman kasama ang mga (dating) kaopisina, kasama na ang kasal ni daryl kanina, ang sarap lang ng pakiramdam. at panalo rin na pasok sa aking boyfriend duties schedule.

balik sa pagmu-muni-muni, pagkauwi mula sa paghatid kay mhaelord sa opisina, gusto kong tulungan yung dalawang koreanong nadaanan namin na nalingon lang namin kasi nagmamadali na kami. pero naramdaman ko rin yung pagod. ang tanging nagawa ko ay magdasal nang konti at magsisi na wala akong nagawa. medyo yun yung sinasabi ko, kahit parang bumabalik ka lang sa pa-easy-easy, sa pwede na, sa ilang pagkakamali, sa hindi paggawa ng mas tama, hindi ka na makukuntento, magsasawa ka rin. iyon ang mayroon ako ngayon, ang pagkasawa.

pero sa ngayon, pahinga muna. overtime bukas. buwan ng wika na bukas.

Tuesday, June 30, 2015

happiness with 10 minions and more

the year’s almost halfway and i gladly have my z1 compact back for looking back at the past few days, weeks, and months through pictures and recordings. last month ended with g69’s summer outing. (yeah… i think i was supposed to blog long about that, but oh well.) in the days that followed, i got to look back again at our past outings and gigs. on foundation day, 6/9, i got myself to post past pics recording our group outings—from our la union trip to last month’s batangas trip. fun to see how the group has grown in size and number.

just today, i thought of texting TJ and made me realize again how old we’re getting with most of the updates being about kids and marriages.

on the lighter side of things, because i’m avoidant in a way, mhae and i got 10 new minions. the pre-order event was a bit dramatic, but the smiles and laughter opening them mage everything worthwhile. very very worth the trouble, cash, and that bit of drama about 2 weeks prior.

and speaking of two weeks, in the past two weeks, i seem to have spent more time at the office than in recent months. still less than the slfm days. near completion of one and starting another project, it gives me more reason to work properly. haha. and i am lucky to have very capable teammates. i think they see me contributing a lot but i know i have much more to give and i have yet to give that. there’s a certain sense of pride in being able to impart knowledge from experience and see it put to better use that i have.

another positive about more work hours is a more positive cashflow. i sure wish i can maintain and improve this rate based on my refined expenses workbook. yeah! excel for expense monitoring and income projection.

almost halftime, i still have much to accomplish like renewing ID’s and driving. i have also yet to go to confession. last time i did was last december. gotta do something about that. i’ve been feeling better, and i’m glad mhaelord is also, with our 6:30am choir. there are politics and conflict around but i think things will get better soon. action. for everyone around, and for me, the keyword for the coming weeks should be “action.”