Tuesday, April 30, 2013

vacation mode april (part 2)

balik opisina matapos magpahinga nang sabado at linggo. medyo nagiging seryoso (o mas nagkakaroon ng pangangailangang magseryoso) sa project sa opisina, pero hindi maipagkakaila ang pagka-excite ko para sa outing sa darating na sabado. pero bitin sa pahinga at tinatamad pang magtrabaho, panalo talaga na holiday kinabukasan. pahinga mode uli.

miyerkules, nakipagkita ako sa isa sa mga tinulungan kong mapuan para kunin ang bayad dun sa ginawa ko. ok yun, dagdag stability pangontra sa mga darating na cash out. huwebes, nakabili ako ng spare battery para sa xperia ko (na nung ginamit ko na, hindi rin nagamit ang +/- 90 percent charge. dapat ata dinrain ko muna bago ko inunang charge. ok lang. kahit papaano, nagamit naman.) biyernes ng gabi, nag-empake na ako at nagtungo kasama ni yaluts kina dogi. special mention, hinatid kami ng mga magulang ko. hehe. baby.

umidlip-idlip ako nun sa harap ng pc ni miro. nakapag-skype muna panandali para makita’t makausap ang mhaehal ko bago ang trip dahil walang internet/siguradong power source sa pupuntahan. ayokong matulog sa kama, e. hehe. ilang oras pagkaraan ng estimated time of departure, nagtungo na kami sa zambales.

medyo energetic akong tinulungan si kevin na manatiling gising kasama ni goey at venjo habang tulog sa tabi ni venjo si cez, tulog sa likod sina dogi at ced, at patulog-tulog si yaluts sa front passenger seat. pagkatapos ng stopover sa chowking, dun na ako sa likod at natulog na unan ang sleeping bag habang akap ang bass speaker ng crosswind nina kevin.

pagdating sa destinasyon, iniwan ang sasakyan sa Luzon at nagbangka papuntang Magalawa Island. setup camp, pasaing ng 2kilong kanin (na hindi rin namin naubos hanggang kinabukasan), lunch, at swimming sa ma-seaweed na mababaw na dagat. syempre, reporting maya’t maya. hehe. theme song ko nun, wish you were here ng incubus. pagkatapos ng hapunan, naappreciate ko ang public restroom doon sa isla. nang bumalik na ako sa campsite para samahan sila sa inuman / joey’s hotseat session, hindi na ako nakatangging uminom at hindi na ako nakainom ng ventolin. oo nga pala, pakiramdam ko hinihika ako nung linggong iyon mula nung bumlik ako mula Bicol. buti na lang at umayos din pakiramdam ko. easy inuman ng whiskey sa nakalatag na dalawang sleeping bag sa beach. ibang klase talaga, ang sarap kasama ng mga kabarkada ko.

at bumuhos ang ulan. takbo sa mesa/tambayan namin. maya-maya, takbo na sa tent. naging refugee tent ang red tent dahil hindi pala water proof ang party tent. ako na naman ang unang nakatulog. mga 3am, tumawag si mhae. lumabas ako ng tent at sinagot. kwento konti sa ginaw. maginaw nun. may halong panghihinayang na sa telepono/skype lang kami nagkausap pero hindi mawawala ang tuwa na malayo mang, parang kadikit lang ng pisngi sa lapit.

noong umaga, tumambay kami nina dogi, venjo, kevin, at goey sa floating tambayan hanggang sa mag-aagahan na. pagkakain, hindi na ata ako lumublob at naging taga-document na lang ng jellyfishing nung apat habang nagkatambay with technology sina ced at si yaluts at hindi ko alam anong whereabouts ni cez noon. maya-maya, nasa tent na ako, tulog. pagkagising, malapit nang mag-12 at aalis na kami. nag-bathroom requirements ako at tumulong sa pagliligpit. nang maka-pa(c)k up na at dumating na ang bangka, group picture muna tapos alis. ayon nga kay venjo ilang araw pagkatapos, “another one for the history books.”

pagbalik sa Luzon, naglinis ng mga mabuhanging paa at nag-ayos ng mga gamit sa sasakyan, tapos biyahe na uli. kasama na namin ang mga nahuling dikya. syempre, iniwan na namin ang sinunog ni venjong dikya. naawa ako pero naisip ko, bahagi lang yun ng vendetta niya. sana hindi naman makasama sa mga species ng dikya ang ginawa nilang panghuhuli. at namatay na ang xperia ko. wala. oh well. tumagal naman ng 8 hours yung spare battery. pwede na rin.

nag-stopover kami para tingnan ang kumakalampag sa mga gamit sa ibabaw ng kotse at kumain ng ice cream. hindi naayos yung kumakalampag na marahil ay galing sa bag. tumigil kami isang beses pa para tumingin ng mangga pero walang natripan. isa pang stopover, nakabili na ng mga pasalubong. bumili ako ng 35pesos na mga singkamas na bilin ni mama. naalis na rin ang kalampag ng strap ng bag nun.

nag-celebrate kami sa subic sa xtremely xpresso. challenge ang pizza. sakto, yung dalawang xtreme size na pizza, 6 na slice ang natira dun sa isa at 9 sa isa. smooth riding na nun pauwi. binaba namin sina dogi at ced sa bahay nina dogi. sumunod na dropoff sina venjo at cez sa kfc/caltex/petron. doon na ako sa SIP nagpababa bago ihatid ni kevin sina yaluts at goey. panalo, nakaabot pa ako sa 8pm Mass. ang sarap. next year uli. sana kasama na si mhae next year.

vacation mode april (part 1)

and it’s spring time—well, summer here in the philippines. and i hear spring’s pretty messed up in europe. eitherway, it's easter.

april entered with the usual april fools “celebration” and i found myself jaded about the practice. but the first week of april was more about something else to me.  wednesday night, april 3rd, i was on my way to Bicol with gen and dingdong’s father and grandmother. went there to be his ninong in his baptism. quite tiring trip—bus ride until the next morning, overheating tricycle ride, good tricycle ride, and motorcycle ride—to mhaelord’s family’s home was worth it. relaxed for most of the thursday. slept, watched a pig get…umm…prepared for it’s life’s purpose, played kick ball with the kids, and relaxed a bit more. since we weren’t able to see each other via skype, mhae called from time to time using a skype call to mobile subscription.

friday, the Mass and Baptism was in bikolano but i think i absorbed most of it. back home, a fiesta celebration. i’ve had great food since i arrived the day before, but it was during lunch time that i had the papaitan i’ve been wanting. alas, it was great. had a couple of shots of gin with the father and later a couple of shots of emperador light with the brother and their respective friends. went home later, escorted by gen to the bus station. bus was to leave much later than expected so i let her head home before dark. my xperia’s charge was low but good thing the friendly kuya kalbo at dltb let me hang out in the sales office place something to charge my phone.

maybe 3/4 the way home, i thought to myself, i’m cool being able to go on a 10 hour provincial bus ride alone. well, spoke too soon. 2 or 3 hours later, i missed my stop, mantrade. no worries, got off at a more convenient place, osmeƱa cor. arnaiz, and my father picked me up with my box of pasalbong at the nearby 7eleven. and it was saturday. later that day, after even more sleep, i asked the choir to assist me in finishing the suman, green bananas, and casava rolls. they were very helpful. i loved having a day and a half without cellular signal, the not so warm feel of the province in the mountains, but still, i’m a city boy who has his love abroad. ah yes, skype. what joy it brought to see her again online after just phonecalls and texts. and i felt she was really very happy with me going to her province.

Sunday, March 31, 2013

4 days of prayerful song to close the month

happy Easter! natapos din ang mga practice at ang Chrism Mass at Triduum Mass na pinaghandaan nang isang buwan. masaya. isa nga naman ito sa pinakamasayang araw sa taon. sumakto din, huling araw ng buwan. pang-happy ending talaga.

nakakapagod pala talaga yung Marso. mga practice para sa Chrism Mass, kasama dun ang paglampas sa babaan sa Guadalupe, mga paghahabol sa oras pero halos sakto pa rin ang datin, at mga enjoy na kainan at bonding kasama ang SMC. mga practice sa joint choir kung saan tingin ko naging mas kakilala ko na ang taga-ibang choir, at least yung mga tenor.

sa trabaho at sideline, nag-level up din ang pressure pero tila kulang pa rin ang tulak. nagpapasalamat din ako at natapos ko kahit papaano yung pagtulong ko dun sa mga mapuan sa thesis nila. medyo ok din na na-extend ang deadline sana namin ni tristan nang mga isang buwan pa. sa martes na sana. at kahit papaano, mas may nakikita kaming progress kahit marami-rami pang kailangang gawin at ayusin.

wala masyadong activity sa pagbabanda dahil sa mga na-cancel na jam session. tinanggihan ko rin ang alok na sumubok sa MaHaSa dahil hindi ko talaga kaya. pero nakakatuwang maimbitahang mag-audition. inaantay ko rin yung isang project na velvet revolver coverband. naaalala ko tuloy yung mga panahong andun yung drive namin nina Thad para mag-banda. medyo nabubuhay naman sa pag-aaya nina Goey at Dogi. sana matuloy. medyo mababakante na ako dahil tapos na ang mga mabibigat na choir practice. level up na uli yung ibang avenue ko ng musical expression.

at speaking of level up, tuluy-tuloy lang ang pag-level up ko sa nfs world at umabot na uli ako ng 1,800,000+ igc sa pa-treasurehunt-treasurehunt lang at konting hot pursuit at team escape. sakto, easter sunday game gift, aston martin dbs. bond car. hindi ko pa lang napapalitan ng kulay. at naadik na rin ako sa candy crush. naimpluwensyahan ng mahal ko at naging pamparelax (at pang-distract) ko habang ginagawa yung school project. at dahil ok na ngayon yung project, guilt-free na ang paglalaro. inaantay ko na lang ang tickets sa next episode.

ang hindi ko lang masyadong naayos ay kung saan ko ilalagay ang rebuild-pc. nabuo ko rin matapos ang challenging purchases. kulang na lang ay usb switch at isa pa sigurong avr para mas madali at mas madalas magamit. tigil muna sa paggawa ng pc. basta alam ko na ang next project. next year na siguro o bandang dulo ng taon—amd apu-based build. may case at dvd writer na ako para dun. isa pa palang kailangang gawin sa lalong madaling panahon, ipagawa ang ion netbook nina ate na akin nang na-arbor. ayun, mas maja-justify na yung i-o-offer kong bawas sa kailangang ibayad sa akin.

repair na naman. buti hindi na kailangang i-repair ng xperia pro ko. pagkakuha ko matapos ang mahigit isang buwan sa service center, laging nagrerestart. buti nung binalik ko isang linggo pagkakuha ko, naayos naman sa software level at hindi na ako nagbayad. baka bigyan pa nga ako ng additional warranty period. bale pangatlong IMEI ko na ito at tila refurbished board pa dahil mas mababa sa original IMEI. yung unang palit, mas mataas kaya baka bago pa yun nun. owel, basta gumagana. nakakaaliw din kasi itim na yung takip ng hdmi port. medyo halatang narepair na.

ilang beses din sa nagdaang buwan, nabuhay muli ang ugnayan sa mga kaibigang nakilala nung college. sulit ang paglalakad ko mula libertad taft hanggang pasong tamo para dahil sa prusisyon para makarating nang medyo on-time sa pagkikita namin nina Reggie, Deo, at Dei. ligaya ko ang makipagtitigan sa nakadilat na buwan. sakto, full moon noon. at nasimulan ko na uling makaugnay sa facebook ang mga SCA friends ko. hindi ako makapaniwalang wala akong ka-facebook sa kanila. nakatulong din siguro yung involvement ko sa choir dahil naalala ko sila. at ang una kong naka-catchup at si Pau na dating miyembro ng choir nina Kuya Yet.

marami palang hirap, pag-aayos, pagbabalik-tanaw, at pag-unlad nung nagdaang buwan. pero kinaya. prayer and song. sakto pala, nitong buwan ko napanood uli yugn sound of music. kasama ko ang SMC nun at si Jed na sana’y natutupad ang panalangin. at kasama ko rin pala ang SMC nung anniversary namin ni Mhae. may pagka-sakto nga yung kantang With A Smile, hindi lang sa relasyon namin ni Mhae kundi pati sa mismong buhay ko. sana lang maabot ko na yung mga nota.

sa darating na buwan, ang kailangan ko namang abutin, driver’s license at mas marami pang oras na bonding sa nanay at tatay ko. sayang naman yung hindi pagka-busy. at siguro malagyan na ng progress yung recordings namin ni Mhae (at pagnood namin ng walking dead). salamat po Panginoon sa pagligtas sa amin at sa mga biyayang nararamdaman at hindi napapansin. panalo Ka talaga. +

Thursday, March 28, 2013

it was a happy 3-day 1st year

And the 3-day celebration is over. 24, 25, 26. I’m not sure when we decided to celebrate that turning point in our lives for 3 days, but I still think it’s cool. And yes, in this busy world, a day doesn’t seem enough to celebrate.

I wish I had prepared more, though. I guess the work and not work and procrastinating took a toll on me. I’m thanking God I can still go on with most of the things I need to do. And I’m also so thankful to be on the receiving end of surprises this time. The guilt that is from the fact that I wasn’t able to give as much to commemorate the past year was wiped away by the appreciation of what she had prepared for us to celebrate and the thanks she gave for my staying up until morning just to see her.

I do have the best girlfriend ever. Cake and greatings with out friends. Slideshow movie with her lovely voice. Long distance is difficult but she does know how to make use of technology and communication to make it easy. A happy anniversary indeed. Best girlfriend ever award goes to  Maria Lourdes R. Fortich.

Thursday, March 14, 2013

7 years after the fire

na-commemorate ko lang sa pagkain ng handa (pina-deliver na martin’s na pagkain) at isang maigsing dasal. pero muli’t muli, salamat po. +