Thursday, April 30, 2015

summer of `15

Summer na at Easter na. nagsimula ang buwan na patapos ang Kwaresma at medyo stressful maging bahagi ng choir. dumaan ang mga linggo at refreshing na rin salamat kay ryan at sa Padre E Maestro Choir. umaayos na rin uli ang pakiramdam sa SMC at salamat at nagkakaganoon nga matapos ang hindi ganun kagandang mga pagpapaalam dahil sa hindi talaga magandang tratuhan. pero yun nga, pa-ok na uli.

sa aking pag-active sa PEMC, nakasama ako sa ordination ng salawang paring Salesyano. ang sarap mag-practice uli na magagaling ang mga kasama at malamang may mga bosconian din palang kasama sa SIP Joint Choir.

Sa trabaho, pace up na at deadline na. sa meeting kanina, sabi ko nga, mas ok rin sa amin kung matapos na agad. sana nga matapos na at matapos nang maganda.

nakapag-outing na rin sa wakas ngayong summer. company outing na medyo sulit sa pahinga kaya medyo bitin sa babad sa tubig. di nga pala ako nakababad sa dagat. sa pool naman, nasira ang z1 compact matapos ang huling bayad sa installment. ayos naman kasi kahit papaano nakarami ng kuha bago lumublob sa tubig. sabi rin sa service center, covered naman ng warranty ang replacement parts. tila makaka-version 2 na naman ako ng xperia.

sana maganda boses ko bukas sa videoke/recording/inuman night kina kuya toyet. napapa-softdrinks ako lagi mula nung mag-Easter at naaadik naman sa kamillosan. basta bukas/mamaya, kailangang makundisyon.

Tuesday, March 31, 2015

Lucky 3

i’ve come to take the expression of good luck as a more casual way of expression blessing. the month of March always falls under the season of Lent. it is indeed a month of blessing.

there has been drama in the choir as usual, but the recent turn of events seem less theatrical but has a larger, more serious impact. today, i found myself singing “closing time” a couple of times. still, blessings. despite negativity, it is not difficult to see events as blessings for our growth, for us to move forward better.

most weeknights have been spent in joint choir practices. i find myself a lot more comfortable with the ministry after 3 years. being able to help, be it in managing the sheet music, to lending the keyboard, to singing during the 6:30am Mass (doing a solo entance song once), it feels good. i am able to fill, even just a bit, what i lack in the practice of my faith. with it, new friends, easier conversations, and a general feel of belonging.

one highlight of the year is our anniversary. for our third year, i think it’s the sweetest and simplest so far—us doing mhae’s accounting practice set. no need for dates and fancy dinners. pizza hut take out, silog, gulaman, and the usual hatid, plus quite a bit of homework make one uniquely sweet and fulfilling 3rd year anniversary.

work is well and relaxing. pressured but still chilling because of moving deadlines. although changes in schemes and schedules are usually bad news, this gives me more time to refine what i’m supposed to do for my projects.

many things may be easily seen as bad luck but also easily taken as blessings. a matter of perspective i seem to be mastering. not bad at all.

Thursday, March 26, 2015

three 3 three…

three years of celebrating 3 days of that 3rd month with my one true love. can't find the exact positive superlative, but the feeling is that. thank you so, so, so much, mhaelord.

Tuesday, March 10, 2015

Saturday, February 28, 2015

the month with 28 days

pag tiningnan ang kalendaryo, itong Pebrero 2015 ang “perfect 4 weeks”. nagsimula kasi nang sunday kaya saktong apat na linya lang ang apat na linggo.

ang unang linggo ay binati pahabol na pagdiriwang ng mga january birthday celebrant sa choir. nasabayan ito ng trahedya sa kapitbahayan nina apsy. pasalamat na rin kami dahil mga gamit lang ang nawala sa apoy at walang nabawing buhay. nakakalugod ding makita ang pagtulong sa kanila sa sumunod na linggo. nababalikan ang alaala ng naging sunog dito noon at nakagiginhawang isiping nagdaan iyon at nasa maayos na ngayon.

sa pang-araw-araw namang pagtambay sa bahay, bumalik na ang steady na internet connection salamat sa pagpalit sa modem. yun lang pala ang problema, napatagal pa nang maraming buwan.

kasabay ng pagdating ng pangalawang linggo ng pebrero ang paghahanda ng marami sa araw ng mga puso. sa akin, ang nangyari ay pag-ubos ng mga late sa office. palapit na rin nang palapit ang deadline ng TV5 at tila pa-easy-easy pa rin ako. haha. pagalingan na lang to sa clutch time.

naisipan ko na ring i-update ang main pc ko dito sa windows 10 technical preview. nagsimula na ok at nagkaroon ng mga problema hanggang sa naayos ko na rin matapos ang mahigit isang linggo siguro.

pagdating ng valentine’s weekend, kumain kaming pamilya sa labas. generally simple. napigilan ako ni mhae na magregalo ng bulaklak. ang pinaka-selebrasyon namin ay panonood ng pelikula noong linggo. iyon na siguro ang regalo ko sa kanya at natuwa rin naman ako sa simple at sweet na regalo niyang greeting card. naisip ko rin yun pero di ko nagawa. nakakatuwa kasi siya ang gumawa. panalo talaga.

sa ikatlong linggo ng pebrero, nag-leave ako nang ash wednesday para magpadentista, at holiday ang huwebes dahil sa chinese new year. dahil walang pasok, tambay time din yun sa apartment nina mhae. nangyari din nung araw na yun na nagkasunog na naman nang malak dito naman sa malapit-lapit sa amin, malapit kina jeorge. pasasalamat din para kina jeorge, ralph, at kanilang mga kapamilya na hindi sila inabot. nadali lang ang ilang gamit pero mas maigi na yun.

nakatatlong 6:30am Mass na kumanta kami ni mhae. nalahat din ni kuya jo ang mga 8pm Mass sa kabila ng problema sa mga may problema sa kanya. may bago rin kaming member. si kiko, sana may bagong resolve sa pamumuno sa choir. at si kuya marlowe, sana natuwa naman sa token ko bilang pasasalamat sa kanyang bagong role sa pagtulong sa mga practice namin.

itong nagdaang linggo, timutindi ang excitement, hindi pressure, sa TV5 project na patapos na at sa megaworld project na nagsisimula na. pagalingan na. nagpapasalamat din ako sa binalita at natanggap kong karagdagang sahod.

hindi ko na-sustain yung hype at drive noong simula ng taon sa pag-improve at pag-accomplish. sakto sana tong saktong pebrero para sa pag-pickup pero slow pace pa rin as usual. pero salamat sa mas dumaraming dahilan para ma-inspire at magpumilit—andyan ang trabaho, ang makita ang pagtulong ng mga tao sa kapwa, at  ang syang handog ng mahal sa buhay. salamat Po.