Thursday, March 26, 2015

three 3 three…

three years of celebrating 3 days of that 3rd month with my one true love. can't find the exact positive superlative, but the feeling is that. thank you so, so, so much, mhaelord.

Tuesday, March 10, 2015

Saturday, February 28, 2015

the month with 28 days

pag tiningnan ang kalendaryo, itong Pebrero 2015 ang “perfect 4 weeks”. nagsimula kasi nang sunday kaya saktong apat na linya lang ang apat na linggo.

ang unang linggo ay binati pahabol na pagdiriwang ng mga january birthday celebrant sa choir. nasabayan ito ng trahedya sa kapitbahayan nina apsy. pasalamat na rin kami dahil mga gamit lang ang nawala sa apoy at walang nabawing buhay. nakakalugod ding makita ang pagtulong sa kanila sa sumunod na linggo. nababalikan ang alaala ng naging sunog dito noon at nakagiginhawang isiping nagdaan iyon at nasa maayos na ngayon.

sa pang-araw-araw namang pagtambay sa bahay, bumalik na ang steady na internet connection salamat sa pagpalit sa modem. yun lang pala ang problema, napatagal pa nang maraming buwan.

kasabay ng pagdating ng pangalawang linggo ng pebrero ang paghahanda ng marami sa araw ng mga puso. sa akin, ang nangyari ay pag-ubos ng mga late sa office. palapit na rin nang palapit ang deadline ng TV5 at tila pa-easy-easy pa rin ako. haha. pagalingan na lang to sa clutch time.

naisipan ko na ring i-update ang main pc ko dito sa windows 10 technical preview. nagsimula na ok at nagkaroon ng mga problema hanggang sa naayos ko na rin matapos ang mahigit isang linggo siguro.

pagdating ng valentine’s weekend, kumain kaming pamilya sa labas. generally simple. napigilan ako ni mhae na magregalo ng bulaklak. ang pinaka-selebrasyon namin ay panonood ng pelikula noong linggo. iyon na siguro ang regalo ko sa kanya at natuwa rin naman ako sa simple at sweet na regalo niyang greeting card. naisip ko rin yun pero di ko nagawa. nakakatuwa kasi siya ang gumawa. panalo talaga.

sa ikatlong linggo ng pebrero, nag-leave ako nang ash wednesday para magpadentista, at holiday ang huwebes dahil sa chinese new year. dahil walang pasok, tambay time din yun sa apartment nina mhae. nangyari din nung araw na yun na nagkasunog na naman nang malak dito naman sa malapit-lapit sa amin, malapit kina jeorge. pasasalamat din para kina jeorge, ralph, at kanilang mga kapamilya na hindi sila inabot. nadali lang ang ilang gamit pero mas maigi na yun.

nakatatlong 6:30am Mass na kumanta kami ni mhae. nalahat din ni kuya jo ang mga 8pm Mass sa kabila ng problema sa mga may problema sa kanya. may bago rin kaming member. si kiko, sana may bagong resolve sa pamumuno sa choir. at si kuya marlowe, sana natuwa naman sa token ko bilang pasasalamat sa kanyang bagong role sa pagtulong sa mga practice namin.

itong nagdaang linggo, timutindi ang excitement, hindi pressure, sa TV5 project na patapos na at sa megaworld project na nagsisimula na. pagalingan na. nagpapasalamat din ako sa binalita at natanggap kong karagdagang sahod.

hindi ko na-sustain yung hype at drive noong simula ng taon sa pag-improve at pag-accomplish. sakto sana tong saktong pebrero para sa pag-pickup pero slow pace pa rin as usual. pero salamat sa mas dumaraming dahilan para ma-inspire at magpumilit—andyan ang trabaho, ang makita ang pagtulong ng mga tao sa kapwa, at  ang syang handog ng mahal sa buhay. salamat Po.

Saturday, January 31, 2015

on to the last year of my 20’s

this month i didn’t get late for work and didn’t do any overtime. first month of work is nominal. good job, by default.

i missed some hatid nights for some reasons but i’m looking forward to making up for those. i’m had some admiring moments seeing mhaelord study well and marking her first year at west. i’m glad i can lend a hand even just drawing the lines for her schoolwork journals and ledgers, and buying her coffee and spaghetti before work.

the weekend after my blessed birthday was celebration time with g69. funny how we used to play rockband on the wii and last week was the first just dance session on the ps4.

the music ministry seems to be headed for a better direction and i’m glad to be part of it. SMC seemed to be off for a not so good start with miscommunication and rage but we’re hopeful now. it’s refreshing to feel that more are looking at the brighter side of things.

geekery’s most exciting news of this month is windows 10 being a freen upgrade on its release. more on that in geekery.

the highlight of the month and a grand start for the year was Pope Francis’ visit and that blessed birthday of mine. it’s a bit of a downer that things went off not so well after with my throat not getting better until now and those days that i just felt bad. nevertheless, it’s empowering to know that i am capable of doing more good than i expect myself to do. it’s not all failure and hopefullness and simply repeating both good and bad. refreshing indeed.

at the turn of the month, i’m giving myself an above average grade. looking back, i think i’ve been satisfied with being just average in my achievements and plans. this must be my goal in the last year of my 20’s—get back to getting better.

Sunday, January 18, 2015

Blessed 29th birthday

minsan lang bisitahin ng Santo Papa ang bansa. minsan lang din masaktuhan na sa kaarawan mo ka kakanta sa Misa niya as quirino grandstand.

salamat po sa pinagkaloob na biyaya ng pamilya at mga kaibigan at sa pagpapalang hindi lang sa akin kundi sa sambayanang Pilipinas.