Dahil nawala na nga talaga sa routine ang pag-log sa excel, at kahit sa notepad, talagang sa picture na ako umaasa nang malaki sa pagbabalik-tanaw sa nagdaang buwan.
Panahon na ng Pasko ng Pagkabuhay at saktong unang araw ng bagong buwan ang simula. May dagdag na pagkanta kaming core at ni mhae at iba pang willing dahil sa pagdiriwang ng octave. Bale kami ni mhae, nakantahan namin ang karamihan sa mga Misa nang gabi, at nag-sub din kami sa Misa nang Sabado nang gabi. Nakapag-belated anniversary date kami at ang sarap kasi pagka-dinner namin sa Conti’s nakaasiste kami kahit noong Communion rite na noon. Hindi nga lang pinakamaganda ang 1st Friday experience namin pero napawi naman ng pagiging masayahin at mapagpasalamat ang mga kagat ng lamok. Dito sa bahay, may softdrinks a uli at haay…hirap talaga akong umiwas. Kasal ni Tristan noong ika-7, at habang nasa kasalan ako, si mhae naman ay kasama nina daisy sa divisoria para sa mga susuotin ng mga abay na babae. Nagsara ang linggo sa pakikipagkita namin kay kuya Jo para sa paunang “meeting” para sa coverage niya at medyo paghahanda rin sa kasal niya. Nakapagpa-reserve din kami sa 77 bar ni Cara para sa pre-nup shoot. Kinagabihan, kumanta muli kami ni mhae kasama ng SMC at si Kuya Jo at may kapayapaan. Ang saya lang kahit may konting lungkot ng pag-miss. Oo nga pala, simula pa lang ng buwan noon marating ang isang milestone sa mga naka-record na pera sa bangko. Mas maaga siguro itong narating kung naka-record din ang mga hindi.
Sa pagpasok ng ikalawang linggo ng buwan, may uwing pastel si papa. Nasuportahan naman nito ang mga joke ko tungkol sa motif. Ang wedding preparation update ngayong linggo, bale nakuha ko na contact sa printing. Sa trabaho, napa-site visit ako pagkatapos ng matagal na panahon. Nakapag-uwi rin ako ng pasalubong at masaya naman ako na nagustuhan nina mama at papa nang mahinog. Bukod sa on-going na mckinley, halos ang pagsara ng mga proyekto ang inasikaso ko—una ang kingsplaza, pangalawa, ang huling progress billing para sa Masinloc power plant. Matapos rin ang ilang taon ng pagbabalak, nagpalit ako ng strings ng classical ko para baka mas bumuti ang pagtugtog sa Misa. Medyo naman, pero mas dala ata ng paggamit ng pick. Hehe. Nitong ikalawang linggo ng buwan din lumuwas nang ilang araw si kakay pero umuwi rin agad sa bikol kasabay ng pag-uwi ni bonbon para makapagbakasyon na rin sa wakas.
Nagkasunod-sunod ang mga meeting sa parokya. Sinimulan nang lunes sa ka-meeting ang core, at noon kami ay na-stuck sa loob ng gate nang halos dalawang oras. Nasimulan ko rin dahil noon and bagong kaadikan ko sa vitamilk. Katuwa, tulad ng mga nakaraang kaadikan—mogumogu, kopiko 78, atbp.—sinusuportahan ako ni mama ko sa pagsama sa mga binibili niya sa grocery.medyo bonding time din namin ni mama ang pag-attend ng PPC. Dahil din sa mga meeting, na-set ko na sina mike para tumugtog at kumanta sa kasal. Nakakatuwa rin na kahit busy sa mga tungkulin sa parokya, nabibigyan ko pa rin ng oras ang boyfriend duties—mga sandaling pagdalaw kina mhae. Pagdating ng weekend, wedding updates uli. Noong nakaraang weekend sana ang sched pero parehas na-reschedule. Nakapamanhik na kami kay future Ninang Baby nanay ni melai at future Ninong Bong tatay ni yaluts. Nasabihan na rin bago yun sina Ninong Raul at si Tita Chato. Pati nga pala si Sir Francis, nasabihan ko na.
Movie date namin ngayong buwan, nataon sa monthsary, day 2, ang opening ng Infinity War. Pagkatapos ng Infinity War, na akala ko’y makakapagpa-relax, naging mas busy sa opisina. Napa-OT pa nga ako matapos ang ilang buwan, at tila busy talaga dahil nag-uwi ako ng trabaho (at ASEP Application—oo, napilit na rin ako sa wakas na gawin ang application ko) pero napalinis ako nang konti sa kwarto ko (kasama ang pagtambak ng computer parts sa kwarto nina ate). Sa marami-raming deadline sa opisina, halos lahat naman ay natapos. Kahit hindi napasa yung iba, ipapasa na lang sa makalawa—tatanggapin pa rin naman. At nagsasara ang buwan na 100 na araw na lang bago ang 8/8/18. Eto, marami-rami nang nagawang paghahanda, may mangilan-ngilan pang kailangang gawin. Ganun talaga para sa malaking pagbabago sa buhay.