Wednesday, February 28, 2018

Kulang Kasi ng 2 Hanggang 3 Araw

Dahil sa pagmamadali sa mabilisang buwan, hindi ko nagamit ang systematic na excel log file. At medyo mas mamadaliin ko na naman ito.

At ayun, unang linggo ng buwan, nakipagkita kami ni Mhaelord kina King, Anton, at baby Ellise. Ang cute! Nkuha na rin namin ang niresize na singsing at nakakuha na sina Mhae ng mananahi para sa gown niya, ni mama niya, ay ni mama ko. Astig sa contacts si mama ko. Panalo din sa linggong iyon ang mga kwento nina mama at papa noong bago pa lang silang mag-asawa. Nagkaroon nga pala kami ni Mhae ng away noon (selos related) na medyo mabigat pero mabilisan lang. Ang gaan sa pakiramdam na kahit nagkakaroon ng pagkakataong nag-aaway, kaya naming magkaayos agad. Bago matapos ang unang 1/4 ng buwan, nakapagpadentista ako. Malapit nang matapos (sana talaga) ang chapter na ito ng ngipin ko. Sa opisina, nagsisimulang maging hectic ang McKinley pero wala sa amin ang pressure. Tila kinakaya rin namin.

Nag-MM meeting nang maaga ngayong buwan dahil sa darating na panahon ng Kwaresma. Kinabukasan, masaya ako’t nakiisa kami ni Michael Ruga sa pag-aalay ng mga Hail Mary bilang pagpupugay sa tulong ng imahen ni Mary Help of Christians of Marawi. Pagdating naman ng Sabado, nakapag-date kami ni Mhae, bale unang pelikula namin ngayong taon dahil hindi kami nakapag-sine noong Enero. Nadiskubre din namin ang Quiznos sa greenbelt kahit malungkot kami na wala na ang Mexicalli sa glorietta. kinaLingguhan, bininyagan si tonet at nakapunta na rin kami ni Mhae sa wakas sa inuupahan nina KR at Anthony. Ok naman dun, at nakapag-red horse din kaunti kasama nina Aboy bago kami magtungo ni Mhae sa MOA. Kasama si ate, natingnan namin ang Vikings Venue dinelay muna namin ang reservation hanggang sa wedding fair para may freebies. Noong linggong iyon din pala, nakuha ko ang planner ni Mhae sa Mercury (na surpresa kong nabigay sa kanya), at nakuha ko rin yata ang isang project, bigay ni Syquiats—na hindi pa nag-followup ngayon, delayed na kung tutuusin. Bago rin mag-Ash Wednesday, nakakain kami sa wakas sa Korean restaurant sa evangelista. (may failed attempt kami noon weekend.) pagdating ng Ash Wednesday, nakapagsimba kami ni Mhae nang umaga pero hindi kami nagkatagpo hanggang sa matapos ang Misa. Bahagi na rin siguro ng alay na sakripisyo.

Dahil Ash Wednesday Valentine’s day na mas-Anniversary nina mama at papa, kinabukasan kami nag-celebrate. Nag-takeout na lang sina ate at Buds sa pancake house at sa bahay na lang kami kumaing anim. Chinese New Year, wedding fair sa Megamall at na-book namin ni Mhae ang reception. Nakapag-coffee bonding kasama sina Marly at Daisy pagkatapos. Bale ok na ang venue, medyo ang coordinator. Naranasan ko rin noong Sabadong iyon matapos ang matagal na panahon ang todo tulog time. Hehe. Wala rin masyadong gawain noong weekend dahil nag-aral si Mhae para sa mga exam. Lunes, nagawa na rin namin sa wakas ang movie date na naka-uniform si Mhae. Ang saya, paotsin pa kinain naming dinner. Nakuha ko naman kinabukasan yung mga pinapalitang mga sodexo premium pass nina mama at papa. Nag-halfday ako noon at pina-laundry ni Mhae si chuchu at tony(?). Balik sa wedding related stuff, nabanggit ni papa ang complimentary stay niya sa Hotel 101 at sa Microtel. Nakakatuwa ang suporta talaga ng mga magulang ko. At oo nga pala, panalo rin yung lechon na uwi ni papa galing Cebu.

Medyo biglaan pero nakakanta naman kami ni Mike Ruga para sa kapistahan ng Seat of St. Peter. Nakakatuwa na napupunan naman naming Core nina Froiland at PJ, kahit papaano, ang pagkanta sa mga kapistahan nang weeknight. Nagpasukat si Mhae ng gown at si mama niya, taong andito si mama niya sa Manila para samahan si Mikmik para sa entrance exam. Nakakatuwa rin na nakapagpabili kami sa kanila ng iuuwi nina Tita Dollie sa Canada na mga garapo ng pili at pili cake. At nakakatuwa rin na natuwa mama ni Mhae sa henlin siomai na niluto ni mama ko. Patapos na ang term na ito ni Mhae. Isang term na lang at gagraduate na siya. Ang papa ko naman, nagpunta sa Colombo, Sri Lanka. Naturuan kong mag-FB messenger sa phone kaya yun ang main communication nila ni mama. Medyo na-stress lang ako kasi matagal siyang naka-connect sa net nung andun na siya, pero nakatawag naman siya noon stopover sa Malaysia. Ang sarap din ng pakiramdam nung nagmessage si mama ko na tumawag na si papa—ang sweet lang. Tsaka panalo talaga pag nagtitiwala sa Taas. Sa opisina, ayoko munang isipin yung drama. Yung mga deadline ko sa megaworld (proposal sa footbridge at for permit at for review sa mckinley), ok lang isipin kasi nahahabol. Kanina, sa huling araw ng Pebrero, minabuti kong puntahan ang post office para magbakasakaling andun na yung inorder kong Springer. Ayun, tapos na ang Team Ultra Magnus collection ko. Sa pagsundo ko naman kay Mhae, kakain sana kami sa greenwich, continuation ng bacon crispy thin takeout namin nung isang araw bilang pag-alala sa unang “date” namin. Matao, kaya napa-KFC na lang kami.

Hindi rin pala maigsi maisusulat ko. Pero parang nagmamadali nga talaga pag Pebrero. At parang kailangan ko ngang magmadali sa mga kailangang gawin, halimbawa na lang ang pag-aayos ng kwarto ko at pagpapagupit. Pero kahit nagmamadali, kung alam naman ang gagawin, at syempre, may paggabay mula sa Nasa Itaas, kayang-kaya.