Thursday, August 31, 2017

Getting Excited With 1 Year To Prepare

Medyo nadala hanggang sa buwang ito ang hindi ko pag-update sa log. Nawala sa habit.

Ang pagpasok ng Agosto ay nagbigay ng “pangangailangang” pumunta sa Robinson’s Place para sulitin ang buong-buwang sale. Sinimulan ito kasabay ng paghatid kay mhae mula unang sabado hanggang sa ikatlong sabado kung kailan nakabili kami ng sperry topsider para kay mhae at polo’t pantalon para sa akin. nakabili rin ako nung ikalawang linggo ng mcjim na wallet na katulad ng nasisira ko nang hikock. Naka-ilang date at bonding time kami—greenwich, izakaya bento kasama ni ate, soju, at starbucks (salamat sa bpi) at burger machine. Medyo nasusulit din namin ang twister fries season. Pati ni Carl na katropa sa twister. Noong unang Sabado rin ng buwan, napasama ako kina Mike Ruga at PJ sa St. Andrew’s Cathedral sa ParaƱaque para magsimba para sa debosyon kay Maria bilang Ina ng Babuting Pangyayari.

Ipinagdiwang ang Parish Fiesta at marami-raming kumanta sa Joint Choir. Nagsimula na rin ang pag-distribute namin para mapag-aralan ng mga koro ang Unified Lineup na sana’y mapatupad nang tuluyan sa pagpasok ng Setyembre. Sa ikawalang Linggo ng buwan, nakipagpalit kami ng timeslot sa pagkanta para makapunta sa Bulacan kasama nina mama at papa, at ni tita para magsimba habang nobena sa kapistahan ng Assumption. Noong Mismong kapistahan naman ng Assumption, nakakanta ako sa pang-630 Mass at nagsimba kasama ni Mhae (at ng iilang parokyano, karamiha’y miyembro ng mga youth group) nang 8pm.

Isa sa mga malalaking pangyayari noong ikatlong linggo ng Agosto ay ang pagsasara ng Mile Long at ng mga establishimento dito, kasama ang ilan sa mga authentic na japanese restaurant. Buti, hindi kasama ang Little Tokyo. Ang kabigla-bigla, kasama pala ang McDo “MCS”. Bale, Sunvar pala yun. Nagbukas rin ito mula pagkatapos ng isang linggo. Sa opisina, kasunod ng paglindol at pakikipag-usap para sa seismic assesment sa isang kliyente, nakumpleto na rin ang lastest na super workstation sa opisina—ni-repair na Ryzen 7 pc, UPS, Perform3Dv6, at Therese (plus Chammy). Umuusad naman ang pagpaplano para sa isang taon mula ngayon sa konting guest list checking at pagtanggap ng tawag sa isa sa mga pinagtanunang catering service. Pero bago ang big event/s sa mga darating na buwan at darating na taon, napapagastos lang ako para ma-waive ang annual fee sa Metrobank Visa. Yung sa Metrobank On, ok naman. Ang mga bonding time ay may halong carbonara at grocery shopping. Bukod sa bonding moments kasama ni mhae, masaya ako at may konting bonding time din kasama ng pamilya.

Mabigat ang pagpasok ng huling linggo ng Agosto ngayong taon. Nakakain kami ni Mhae sa Burger Garage sa Rodriguez dahil katapat ito ng health center kung saan nanganak si KR noong gabi bago iyon. Ayun, nanganak na si KR. Sinundo sila ng mama nila at nasa Bicol na ang pamilya ni KR bago mag-isang linggo ang bagong baby sa familia fortich. Sana’y maging mabuting magulang itong sina Mark at KR. Noong pauwi kami galing Burger Garage, nagsimulang samaan ng pakiramdam si mhae. Matapos ang mataas na lagnat, tatlong beses na pagpunta sa RG na may dalawang blood test (at pagkawala ng grey na panyo na may black stripes T_T), bumuti naman ang pakiramdam ni mhae. Medyo nanghihina pa, pero masaya naman ako’t wala na hindi natuloy ang dengue (kung dengue man yun) niya. Salamat din syempre sa dasal, pagpunta ni mama niya, pag-asikaso ng mga kapatid niya dito, suporta nina mama ko, at ang magandang resistensya ni mhae mismo kasama ng kanyang napaka-positive na pananaw. Isang taon mula ngayon… nakakakaba, pero syempre, exciting.