Medyo tulad ng simula ng buwan ng Mayo, nagsimula ang unang Linggo ng Hunyo ay ipinagdiwang na nagsimba kasama sina mama at papa. Syempre, kasama si mhaelord, pero hindi kasama ngayon sina ate. Kapistahan ng Pentekostes, at gaya ng nakagawian, nagsimba kami sa Espiritu Santo sa Maynila. Dahil maaga pa para sa susunod na Misa, dumaan muna kami sa Alvarez at Felix Huertas, kung saan nagsimula ang pag-iibigan nina mama at papa. Hahaha. Natutuwa ako sa mga family bonding na kasama si mhae. Medyo nakakahinayang na wala si ate pero kahit papaano, nakapag-bonding naman kaming pamilya dati bago siya ikasal. Noong gabi naman bago iyon, bale Sabado nang gabi, nataong may street Mass dito sa area namin. Dahil hindi na aktibo ang dating taga-tugtog, napilit ko ang sarili kong mag-gitara para sabayan si mhae sa pagkanta. Nakakatuwa na nakakakaba. Noong umaga naman, nagdiwang kami ng 70th birthday ni Tita Vita. Masaya at nakakabusog. Tila paatras ang kwento ko, ah. Di bale. Ayun, nung Biyernes, nakakabadtrip ang panalo namin sa basketball. Ok na rin, hindi naman ako makikinabang pag pinairal ko ang inis. Buti na lang may minion happy meal na sinimulang kolektahin noong araw bago iyo para malibang ako. Yun at yung movie date namin ni mhae. Nanood kami ng wonder woman. panalo yung pelikula, at tuwang-tuwa talaga ako pag naeenjoy ni mhae ang mga pinapanood naming sine. Pasulong naman sa oras, pagdating ng Lunes, natalo naman kami sa chess, pero panalo pa rin kaming semp division dahil sa pagkakakuha pala namin ng 2nd place sa chess, na-secure ng chess team ang pagiging overall champion.
Nagkaroon ng MM meeting at mukhang umuusad naman sa tamang direksyon. Medyo mabagal lang pero mas maayos naman sa nakasanayan. Ang medyo hassle noong Biyernes na yun ay ang pagsimula ng pagsakit ang tuhod ko. Buti na lang at walang pasok sa parating na Lunes at wala namang masyadong lakad noong weekend. Ang pelikula namin noong Sabadong iyon ay Rogue One…sa laptop. Ayun, natutuloy naman ang monthly Star Wars movie time. Pagdating ng Lunes, sinamantala ito ni mhae para makapag-grocery sa puregold. Tamang-tama, pagaling na ang tuhod ko noon at kailangan din atang i-exercise. Para sa lunch, nag-uling roasters kami—bagong paborito. Sinubukan namin pagkakain kung may sale sa SM pero tuwing Huwebes lang pala (hindi namin na-avail), pero marami rin kaming napala—mexicalli meryenda, national bookstore trip para sa book ends ni mhae at parker ni ate. Isang gabi naman, sa bahay, bago mag-rosary, nakakatuwa ang mga kwento nina mama at papa. Isa sa mga kwento ay yung kung paano maglagay si lolo tatay ng white flower sa ngipin ni papa gamit ang toothpick. Nagkwento rin uli si mama tungkol sa mga panahon ng pagpapasalubong ni papa ng mga tsokolate. Mahigit isang linggo na rin mula noong huling laro sa chess kaya tinuloy ko na ang pagpapa-pizza para sa chess team. Sinamantala ko ang pagkakataon para iparating sa kanila (at ipagdiinan sa sarili ko) na sobrang halaga ng pwesto ng chess team para makuha namin ang overall championship. Pagdating ng Biyernes, nag-movie night na naman kami ni mhae—Despicable Me 3. Panalo na naman sa saya ng pelikula.
Siguro ang pangalawang kalahati ng buwan ay nailaan sa (mabagal na pagtapos ko ng) trabaho. Hindi na nga ako sanay o excited man lang sa matinding trabaho. Ok na rin ang pagtawag sa akin ni Sir Felix para sa medyo madaling pag-check ng mga plano para sa bahay na pinapatayo niya. Siguro may trauma rin dahil sa alitan nina boss dan at sir git bandang simula ng buwan na medyo naipit ako. Medyo lang. silang dalawa na rin ang nagkaayos. Hindi na ako dinamay. Medyo naging sideline ko rin ang pagkuha ng retrato ng ilang choir para sa multimedia presentation. Sa opisina naman, sa medyo pag-distract ko sa sarili ko dahil nahihirapan akong pasimplehin ang kumplikadong proposal para sa isang kliyente, tinuloy ko na ang paggawa ng “partial redundant” server ng stfiles. Para rin kasi mas hindi hassle sa akin na madalas tawagan dahil hindi nila ma-access ang file server. Dahil tag-ulan na rin talaga, naisipan namin ni mhae na mag-ramen. Matapos masaktuhan ng dayoff nila noon sabadong iyon at mataunan na sumakit ang tiyan ko isang hapon, nakapag-ramen takeout kami sa aligato. Nag-Fathers’ Day din noon, medyo bitin na rin dahil wala na si Tito Feds, pero masaya pa rin naman ang lunch out at ang relaxed na Linggo. Pagdating ng Biyernes, birthday naman ni Tito Nonong (at tapos na rin ang mabilisang tampuhan nina mama at tita). Isang nakakatuwang aspeto sa araw na yun ay ang bonding ni mhae kasama sina ate at mama. Lumabas sila para ihanap si mama ng damit para sa parating na kasal nina yaluts at cata. Natatawa ako pag naaalala ko yung pagdalaw nung dalawa para iabot ang imbitasyon namin at para pormal na hingin kay mama na mag-ninang sa kanila. Para sa akin naman, sa wakas, wala na yung credit insurance sa Citibank at na-reverse ang annual fee para sa cebu pacific card.
Pagdating ng huling Linggo ng Hunyo, dumating na rin ang araw ng matagal pinaghandaan nina tita, mga pinsan ko, at kasabwat si mama at si mhae—ang surprise 70th birthday party ni Tito Nonong. Simpleng medyo mahal na buffet kasama sina Ninang Precy at ang mga ka-close na mga kapatid ni papa at kanilang pamilya. Isa na namang holiday noong Lunes. Napaglaanan ko ng oras ang pagkuha ng retrato sa collection display ko. (mukhang sulit ang pagbalik ni melijoy sa tripod ko, ah.) Nakumpleto ko ang display sa pagbili ng chronicle megatron 2-pack noong simula ng buwan. Palagay ko, tatapusin ko na doon ang hobby ko na yun dahil wala nang space at may pinaghahandaan nga kami ni mhae para sa darating na taon. Isang dekada nga ata yun ng pangongolekta. Nabigyan ko ng oras ang pagkuha ng retrato (at pag-ayos ng mga telephone cord sa may extension) dahil may lakad sina mhae. Pumunta sila para bisitahin si Tito Felly. Ayun nga lang, kalaunan, nagpaalam din si Tito Felly. Ayaw pang maniwala ni mhae. Nalungkot din ako kasi sya yung tito ni mhae na nakainuman ko (kahit papaano) kasama ang papa niya. Sa kabila nito, tuloy ang buhay. Dito sa amin, nag-birthday si adette at medyo nakibirthday ako sa pagbaon ng pancake house pancakes. Busog ako, grabe, noong araw na yun. Sakto pa, nagbaon ako ng kanin at ulam na kinagabihan ko rin inubos. May turks shawarma rin kasi ang mineryenda dahil naisipan ni mhae. Bago matapos ang buwan, naikopya ko rin si mhae ng mga koreanobela mula sa office. May sinimulang kdrama si mhae: My Suspicious Partner. May konting downer nga lang din: Kung kailan nasimulan ko at napatupad kahit papaano ang consistent na pag-backup sa opisina, tsaka naman namroblema dahil wala akong recent backup ng phone kong nagloloko. Sakto rin, kung kailan ko tiningnan sa excel ang tech stuff ko sa nagdaang dekada. Nakakatuwa na nalibang ako sa mani sa ilang pagkakataon (isa kina mhae, isa dito sa bahay) na ayokong mabadtrip sa kalagayan ng phone ko. Kahit may downer, sa pagsasara ng buwan, nakagawa ako ng dalawang draft proposal na sana ay mapasa na sa lunes, at mukhang ok naman ang pag-review ko sa pina-check ni sir felix. At mukhang sa buhay na ito, kahit may mga naka-backup (at hindi naba-backup) na mga bagay-bagay, wala tayong magagawa kundi umusad pasulong.sa mga kailangan at gusto nating gawin at mangyari.